Qino just continued giving me the cold shoulder, or if not, it was the silent treatment. It was annoying, yes. Nakakasama rin ng loob na nagagawa niya sa akin ang ganito. Pero kapag naaalala ko na isang linggo rin niya akong sinuyo noong galit ako, nawawala iyong sama ng loob ko. Pinipilit ko na lang isiksik sa isipan ko na hindi naman gano'n kadaling tanggapin iyong nagawa ko sa kanya. Sino nga ba naman ang hindi manlalamig kung ang asawa mo ay nag-hotel kasama ng ibang lalaki, 'di ba? Lagi ko na lang inilalagay 'yong sarili ko sa sitwasyon niya kapag pakiramdam ko ay gusto ko na siyang sukuan. Iniisip ko na lang kung paano siya iyong nagpunta sa hotel na may kasamang iba? Kapag nakakita ako ng pictures niya sa bar na may kayakap? Ano nga ba ang mararamdaman ko? Katulad rin siguro ng na