Ilang minuto pa ang nilagi ko sa office para makipag-kwentuhan pa sa mga kasamahan ko bago ko napagpasyahang umalis na. Pinadala na lang rin muna nila iyong resignation letter ko since wala naman si Avery. Pero dahil desidido naman na akong mag-resign, babalik na lang ako doon next week; sa Monday para pormal ko siyang makausap at makapag-paalam na mag-re-resign na ako. Hindi rin mawala-wala ang ngiti ko sa mukha. At least, ngayon ay alam ko nang walang nangyari sa amin ni Avery. Ni hindi kami nagtabing matulog doon sa kama no'ng hotel room. Malinaw na sa akin na wala akong ginawang mali, at hindi nagtaksil sa asawa ko. Maayos ko nang maide-detalye kay Qino ang tungkol sa mga larawan na nakita niya. Sana ay mawala na rin ang kung ano man ang naisip niyang ginawa ko. At sana rin ay maniwa