Chapter 50

1809 Words

Wala kaming imikan ni Qino habang hinihintay na matapos kumain si Dom. Siya na lang iyong nakapagpatuloy sa pagkain niya dahil pareho na kaming nawalan ng gana ng kuya niya. At siguro ay napansin iyon ni Dominic dahil pasulyap-sulyap siya ng tingin sa amin. Nang matapos itong kumain ay nag-bill out na si Qino saka na kami umalis sa resto. Napapaisip ako kung kakausapin ko ba siya o hindi. Baka kasi hindi na naman kami magkaintindihan, at ayoko nang marinig ni Dom kung sakali mang matuloy itong inis niya sa away naming dalawa. "Where to go next, Dom?" Nakita ko sa sulok ng mata ko na sinulyapan ng tingin ni Qino si Dom sa pamamagitan ng salamin. "Um... m-mall?" Nag-aalangang sagot nito na halos hindi na marinig dito sa loob ng sasakyan. Iyong tinig pa niya ay parang tinatanong rin si Qin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD