Ilang ulit kong sinabi kay Qino na sundan na namin ang mga pinsan namin ngunit hindi niya ako pinakinggan. Patuloy lang ito sa pagda-drive pauwi sa apartment. Lalo akong naiinis sa kanya! Hindi ba niya alam na gutom na gutom na ako? "Let's just talk about whatever we need to talk about here!" Ma-otoridad kong sabi habang magkasalubong ang mga kilay na nakatingin sa side profile niya. Hindi ako 'yong dapat na sumunod-sunod sa gusto niya dahil wala naman akong ginagawang mali. Siya itong inabot ng oras sa pakikipag-usap do'n sa babaeng 'yon na halos makalimutan na niya kami! "Sa bahay," pinal niyang sabi. Ni hindi man lang niya ako nagawang tapunan ng tingin para sana makita niya ang inis sa mukha ko dahil sa kanya. Umiling-iling ako saka humalukipkip. Hindi ko na lang rin siya pinansin