"I think all the girls out here are interested to know about your relationship status," pahayag ng nagiting-ngiting si Erika Tuazon kay Qino dito sa video na pinapanood ko. "And this is crazy because I am one of those girls! I got this, girls! Don't worry!" Kinikilig pa itong tumawa habang nakatingin sa camera. "Are you still single, Qino?" Tanong niya nang ibaling ang paningin sa asawa ko. Sinuri ko ang expression ng mukha ni Qino sa video. Ito 'yong interview niya kahapon at naibalita ito sa news kagabi ngunit hindi ko na napanood. Nawala na sa isip ko ang tungkol dito. Kung hindi lang siguro nag-text si Ivette kaninang umaga tungkol dito, hindi ko na 'to maaalala. Nakalimutan na nga rin namin ang tungkol sa mga pinsan namin dahil doon sa ginawa namin kahapon. Tawag sila nang tawag sa