“Alam mong ayaw niyang naninigarilyo ka.” Hindi na nag-abala pa si Hendrix na lingunin o sulyapan man lang ang nagsalita. Hindi pa man nangangalahati ang sigarilyong hawak ay tinapon niya na ito sa lupa at inapakan. Sinilid nito ang mga kamay sa bulsa at tahimik na tinanaw na lamang ang mga kabahayan sa ilalim. Nakatayo sa isang mataas na lugar ang bahay na kinaroroonan nila kaya mula rito ay matatanaw ang kabuuan ng bayan sa ilalim. Matatanaw din ang dagat na nasa malayo. Mas maganda rito kapag gabi, ngunit kahit na nakatirik ang araw, nakakapagpagaan pa rin naman ng pakiramdam ang tanawin. Kaya nga siguro rito pinili ni Hendrix na pumunta. Kung gugustuhin niya, hindi na siya aalis ng kwarto, hindi niya na hahayaang mawala pa si Athena sa paningin niya. Ngunit kailangan niyang p