Humupa lamang ang kaba at pag-aalalang sumambulat sa sistema ni Athena nang ipaliwanag na nila ang nangyari. Gavin explained that Luke went to find his parents. Napag-alaman daw kasi nitong buhay pa sila kaya umalis muna ito para hanapin sila. Kahit na sa kanila nga raw ay hindi na ito nakapagpaalam pa. Si Gavin lamang ang napagsabihan nito ng pag-alis niya. Kahit na ganoon ay wala naman naging tampo ang dalaga para kay Luke. Katunayan ay masaya ito. Ang tahimik na panalangin niya lang ay sana mahanap niya nga ang mga magulang niya at makabalik na rin siya agad para magkasama-sama na sila. Pagkatapos ng munting kamustahan nila dahil sa tagal na ring hindi nakakapagkita ay natahimik silang lahat. Nagpatuloy sa pagkain. Nakuntento sa pagsulyap sa isa’t isa, sa palihim na pagdidiwan