Leave
Ang daming tao. Napakaraming tao. Ang isa ay may hawak ng isang napakalaking larawan ng pamilyar na tao. They raised it high and started a fire at the bottom of it. They all cheered and celebrated as the image is slowly devoured by the fire. Nakita ko ang saya sa mga mukha ng mga tao habang nakikitang nasusunog ang mukha ng taong nasa larawan.
“The last thing I ever want you to do is to be involved with those people.”
Nagkatinginan kami ni ate sa backseat dahil sa sinabi ni papa. We were stuck in the traffic caused by these people. Napakaraming tao. Sinisigaw ang kani-kanilang mga sentimento at daing para sa taong nasa larawan na siya ring nagmamay-ari ng napakalaking mansyong nakatayo sa harap naming lahat.
“With who?” Ate asked.
“The De Vargas.” Pagsagot ni papa habang pinagmamasdan ang mga taong nasa labas na tila damang-dama niya ang mga galit ng mga ito.
Senator De Varga won the election. And a lot of people are not happy about it. Who would follow someone who has killed a lot? Who would believe in someone who has taken more than enough from his people? Who would adore someone who killed his very own wife?
I know nothing about Senator De Varga until today. I know nothing about him until my family got involved with his.
“Puro babae ang mga anak mo, you didn’t have to go that far. Drop that case! Don’t risk your life and your family for that case!”
Mama was crying while spewing those words to papa. Kakarating lang ni papa sa araw na iyon, dala-dala ang balitang hindi lamang maglalagay ng buhay niya sa peligro kundi ang buhay din ng pamilya niya. Dala-dala ang balitang hawak nito ang kasong makakapagpababa sa senador sa pwesto, makakapagpatunay ng mga masasamang gawain ng senador. A lot of people supported him, and a lot of people will be targeting him and us from now on.
I didn’t say a word. I just listened to my mother’s cry and watched my father’s silence. Because I know him, and I know how big is his desire for justice as well. Pipiliin niya ang kung anong makakabuti sa nakakarami. And I couldn’t even get myself to argue or get angry with him. Dahil kung ako ang nasa posisyon niya, iyon din siguro ang pipiliin at gagawin ko.
Even if it means losing my loved ones.
~*~
My eyes just casually opened as if I haven’t just had that sad dream, as if I wasn’t in the most horrifying situation. Tumingin ako sa gilid at nakitang wala na ang kaninang katabi. Isang amoy ang lumulutang sa hangin na hindi ko gusto. That made my forehead wrinkle. Bumangon ako para hanapin ang pinanggagalingan niyon at nakita ang salaring nakatayo sa gilid ng nakabukas na bintana.
He looked at me as soon as I Iaid eyes on him. My bitterness for that morning worsens.
“Hindi mo naman ako kailangang bantayan buong araw. Kahit na gustong-gusto ko nang tumakas, hindi ko rin naman magagawa ‘yon.”
Inalis niya na ang tingin sakin at binalik sa labas. Humithit ito sa sigarilyo at inihip ang nakakairitang usok sa hangin. Sa inis ko ay umalis na ako sa kama, mabibigat ang yabag na lumapit sa kanya bago kinuha ang sigarilyo at hinagis ito sa labas.
“If you’re going to smoke, get out!”
Ang matalim kong tingin ay ginantihan niya lamang ng pagtitig, ang karaniwan niyang titig. Humugot na naman ito ng panibagong piraso ng sigarilyo, sinindihan at hinithit. Nang sinubukan ko ulit itong kunin ay nilayo niya na ito sakin.
“My house, my rules.” He said.
Sa halip na gumanti ay hindi na ako nagsalita dahil wala rin naman akong magagawa laban sa kanya, hinding-hindi rin naman ako mananalo pagdating sa kanya. Ang durugin siya sa tingin at isipan, doon, nagawa ko pang magtagumpay.
There was a noise coming from outside. Tawanan ng mga lalaki. Nang tingnan ko ang kung anong nasa labas ng bintana, nagulat ako nang makita sa malayo ang pamilyar na mga mukhang naglalaro ng basketball. They were the guys from last night, only that they don’t look scared today.
Napunta sa aming direksyon ang tingin ng isa sa kanila. At hindi ko alam kung bakit ang unang naging reaksyon ng katawan ko ay ang hilahin sa laylayan ng damit si Hendrix at magtago sa likuran nito. When I realized what I did, I immediately let go of him. Umurong at dumistansya.
Nakagat ko ang aking labi. His scent is killing me. Konting galaw niya lang, gumagapang na agad ang pabango niya. At kahit anong galit ko pa sa kanya, hindi niyon nalalamangan ang pagkagusto ko sa amoy niya.
And so I turned around. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nakita ko rin ang pamilyar na bag sa sofa. Malamang ay nakuha niya ito mula sa sasakyan ko kagabi. Kumuha ako ng damit at mga iba pang gamit panligo bago dumiretso sa banyo.
I will just stay in here in the bathroom. Dito kung saan tahimik, kung saan hindi ko naaamoy ang pabango niya, kung saan hindi siya abot ng aking paningin at kung saan hindi rin niya ako nakikita.
As I embraced the hot water from the shower, hindi ko na namalayan ang maiinit ring likidong nagmumula sa aking mga mata. Dumadami ito nang dumadami, nakikipag-isa sa tubig na dumadaloy mula sa tuktok ng aking ulo. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang ingay ng paghikbi. But it was too late, my heart was so full that it needed to let go. Malakas akong napahagulhol.
At sana lang ay hindi niya naririnig iyon.
I stayed there for about 30 minutes now. Wala pa rin akong ganang lumabas, takot na baka maabutan kong nandoon pa rin siya. Naupo lamang ako sa malawak na marmol na lababo, sinandal ang gilid ng ulo sa pader, tulala, nag-iisip.
Napakarami pa ring tanong, napakaraming gustong malaman. Subalit tila ba isang mortal na kasalanan ang tanungin si Hendrix tungkol doon. Kahit na ang hulaan ang sagot ay hindi ko alam. Wala akong ideya. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa kakaisip ng mga sagot.
Bumukas ang pinto at agad naman akong napaigtad. Dumagundong na naman ang kaba nang makita ko siyang naglalakad na palapit sakin. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya, yumuko habang pinapanalanging wala siyang gagawing masama.
Ngunit nakita ko lamang ang pares ng mga paa niyang nilampasan ako. When I looked up again, his back is now facing me as he started taking off his shirt. And his wide and masculine back made my jaw drop. Agad na umakyat ang init sa aking mukha.
“What are you doing?!” Sigaw ko.
Hindi siya sumagot at kahit na nakatalikod ay batid kong sinisimulan na nitong tanggalin ang butones ng kanyang pantalon pero bago pa niya matuloy iyon binato ko na sa kanya ang unang bagay na nakapa ng aking kamay.
At kung sinwerte ka nga naman, ang bra ko pa!
Mabilis akong bumaba at tumakbo para kunin iyon sa paa niya kung saan ito bumagsak. Hindi na ako nag-abalang alamin pa ang reaksyon niya, wala akong balak na ipakita pa sa kanya kung gaano na kapula ang mukha ko dahil sa pagkapahiya. After that, I made my fastest escape. Malakas na binagsak ang pinto ng banyo, pinagsasaksak sa loob ng bag ang mga gamit at pagkatapos ay tinapon ang sarili sa kama, sinubsob ang mukha sa unan at doon nagsusumigaw ng mga mura na para sa kanya.
Hindi ko na halos maisip kung ano pa ang makikita ko roon kapag hindi ako umalis at mas lalo lamang akong naiirita dahil hindi mabura sa utak ko ang nangyari, ang katawan niya, ang malapad na likod niya.
Hindi siya ganoong nagtagal sa banyo. At sa paglabas niya ay agad akong bumangon sa kama para sana sumbatan ito sa bigla-bigla niyang pagpasok habang nandoon ako ngunit muli na naman akong napatigil ng kanyang hubad na imaheng nakatayo na sa harap ko.
Now, it is his six pack abs, it is his chiseled chest that greeted me. Mas malinaw ang mga nag-iigtingang mga ugat sa kanyang braso at ang naghihimutok na maskulo. At ang basa pa nitong buhok ay mas dumagdag lamang sa kanyang dating.
I suddenly felt that it is my obligation to get annoyed. So I did. Binato ko sa kanya ang unan na siyang nasalo naman niya at kagaya ng nakasanayan ay tinapunan na naman niya ako ng matalim na tingin.
“Can’t you be a little decent? Una, pumasok ka nalang bigla sa banyo nang hindi kumakatok tapos ngayon naman haharap ka sakin nang kalahating nakahubad?!”
Napakuyom ang mga kamay kong nakakapit sa kumot ng kama habang sinisikap na huwag ibaba ang tingin sa katawan niya. While looking up at him, meeting his darting gaze, I suddenly forgot to breathe.
“If you don’t want to see it, don’t look at it.”
Sabi niya lang at tumungo na sa kanyang closet para kumuha ng damit. I watched his broad shoulders move up and down as he does his business. Nang maglagay ito ng pabango niya ay mabilis lamang na kumalat ang amoy sa buong kwarto. Nakakaadik. Kahit mula kagabi ko pa ito naaamoy, hindi nakakasawa.
I would love to wake up everyday with this scent. Pero ang isiping gigising din ako araw-araw na siya ang katabi sa iisang kwarto, hindi ko alam kung magugustuhan ko rin ba iyon. O kahit ang gabi-gabing matulog sa kamang ito habang pinapaligiran ng mga hindi kilalang tao.
“Hendrix.” I called. Abala na ito sa cellphone niya nang matapos sa pagbibihis, he looks like he is texting someone.
“Anong ibig mong sabihin kagabi? To… totoo ba ang sinabi mo? Na si papa ang nagpadukot sakin?”
His eyes remained focused on the screen of his phone, they didn’t even blink nor did they look away for a second. Patuloy lang ito sa ginagawa na tila hindi narinig ang sinabi ko.
I bit my lower lip before continuing, “Bakit niya hininging protektahan mo ako? Bakit kailangang protektahan mo ako? Mula saan? Mula kanino?”
Napansin ko ang mas lalong pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa screen ng phone. Nagpasya akong lapitan ito. Desperado na ako sa sagot, ayokong manatili pa rito ng isang araw na walang alam sa nangyayari, na magulo ang isipan at hindi alam kung ano ang dapat gawin.
“Si papa ang may hawak ng kasong laban kay Senator. Kaya hindi ko maintindihan. Bakit gagawin ito ni papa?”
Nang sa wakas ay narating ko na ang kinaroroonan niya, inalis niya na ang tingin sa phone. Akala ko ay sasagutin na niya ako subalit tumingin lamang siya sa bintanang nasa gilid namin, nakabukas pa rin ito. He looked really serious to the point that it is making me scared of him again.
“Hendrix-”
When I was just about to grab him in the arm to get his attention, sunod-sunod na pagputok ang aming narinig mula sa labas na agad kong nakilala bilang pagputok ng mga baril. Hindi na nagkaroon ng lugar ang aking iyak o sigaw dahil mabilis na niya akong hinapit sa bewang payakap sa kanya para ilayo sa bintana. My eyes started getting hot, tila kay bilis ng pag-alis ng lakas mula sa aking katawan.
“Where’s your phone?”
Hindi ako halos makapag-isip dahil sa takot ngunit nagawa ko iyong maalala. Nandoon pa rin iyon sa damit ko kanina.
“I-I think it’s… still in my pocket.”
“Why didn’t you tell me?!”
“B-Bakit? Anong nangyayari? Hendrix…”
Tuluyan nang nagbagsakan ang mga luha ko. Papalakas nang papalakas ang ingay ng mga baril sa labas. Narinig ko ang pagbasag ng tila mga salamin o kristal. Mabibilis na mga yabag rin ang kumalabog sa labas ng kwarto. My body reacted to it the way it wanted to, without my will, without my control. Yumakap ako sa kanya, sinubsob ang umiiyak na mukha sa kanyang dibdib. It’s not important to me anymore who he is, who his father is. Ang alam ko lang ng mga oras na iyon ay takot ako, sobrang natatakot. And just like how he saved me from the past days, at this moment, I believed that he will save me again.
“We’re leaving. He found us here and he is coming.”
Ang sinabi niya’y nagpatigil sa hagulhol ko para tangalain siya, “Who?”
He looked at my lips first and then back to my eyes, he looked hesitant but in the end he answered, “Vince.”