Kabanata 5

3438 Words
Gavin   I haven’t noticed anymore how his gripping of my hand has fluttered my heart for a split of seconds. Nilamon lamang ako ng takot sa simpleng pagkakabanggit ng pangalan ni Vince. Ginagapos ng takot ang puso ko dahil sa ingay ng pagbabarilan sa labas. Pinapasikip ng aking takot ang kaisipang kahit anong oras mula ngayon ay maaari makasalamuha ko ulit si Vince.   Tanging ang cellphone na binigay niya sakin kagabi lang ang kinuha niya at dumiretso na kami sa pinto. Mabagal niyang binuksan ito, sumilip muna sa labas at siguro dahil nakumpirma nang ligtas doon kaya niya ako nilingon.   Patuloy pa rin ang mga luha ko at ang pagmamakaawa ng aking mga mata sa kanya. Habang nakatitig ito sakin, humigpit ang hawak niya sa kamay ko at kusa na namang tumugon ang katawan ko. Yumakap ako sa kanyang braso gamit ang isa ko pang kamay. Sa mga oras na iyon, pinagkatiwala ko ang buong buhay ko sa kanya.   “Save me again. Please. Just like last time. Take me away from him again. Kahit gaano pa kalayo.”   Nakita ko sa gilid ng mata ang paglaki ng siwang ng pinto, mas napayakap ako sa kanya. But Vince wasn’t the one who appeared in front of us. It was the seven men from last night, the seven men I saw from the window earlier.   Lahat sila’y may kanya-kanyang mga hawak na baril. Nakatingin sila sakin, at sa kamay namin ni Hendrix na magkahawak at pagkatapos ay sa braso niyang niyayakap ko.   Ang lalaking nakita kong tumingin kanina sa bintana ay naghagis ng isa pang baril sa ere na siya namang sinalo ni Hendrix, “Wala nang oras. We need to hurry.” He said.   Pinagitnaan nila kami ni Hendrix sa paglalakad. Tatlo ang nasa harapan namin at ang apat ay nakasunod sa aming likuran. Patuloy ang ingay ng pagbabarilan sa kung saan-saang parte ng bahay. The only thing I wish is for us not to encounter Vince. Malakas ang paniniwala kong mapoprotektahan ako ni Hendrix laban sa kanya pero ayaw ko pa rin. Thinking that I would see him again makes me sick.   Habang lumalayo sa pinanggalingan ay humihina na ang tunog ng mga pagputok. I realized how big the house was when we finally reached the last room of that corridor. Pumasok kami sa isang kwarto kung saan may malaking billiard table na nasa gitna. Isa sa kanila ang nagtulak nito at sa gulat ko ay biglang gumalaw ang billiard table.   Binaklas nila ang carpet sa ilalim niyon at lumitaw ang tila isang scanner na nakadikit sa sahig. Nang hindi manlang binibitawan ang kamay ko, yumuko si Hendrix doon para ilagay ang palad sa scanner at pagkatapos ay awtomatikong bumukas ang tila pintong magdadala sa ilalim.   Nagmadali kami sa pagbaba. Tila awtomatiko ring umilaw ang pasilyo nang mga sandaling tumapak kami roon. Kulay ng abo ang paligid, kahit na kaunti ay hindi na dinig ang ingay sa itaas at hindi lang nagtagal ay nakarating na kami sa isang malawak na silid. Umawang ang bibig ko sa parehong paghanga at pagkakagulat nang sumalubong samin ang mga nakaparadang sasakyan. Sari-sari ang kulay, iba’t iba ang disenyo at klase. At sa kabilang dulo ng silid natanaw ko ang iba’t ibang uri rin ng mga baril na nakasabit sa pader.   Tumungo kami sa isang itim na SUV. Hendrix opened the backseat for me at nang makasakay ako ay sadyang isasarado na niya sana ang pinto ngunit pinigilan ko.   “Where are you going?”   Two out of the seven men with us occupied the front seats. Hendrix eyed them as if he was giving his instructions through stares. At kahit tingin lang ang ginawad niya ay tila naintindihan agad nila iyon.   “I’m going back. They will take you to a safer place.”   Muli nitong sinubok na isarado ang pinto ngunit sa pagkakataong ito sa kamay ko na siya pinigilan.   “Bakit ka pa babalik? Bakit hindi ka nalang sumama?”   I just noticed then that my tears still haven’t stopped flowing. Hanggang ngayon ay basang-basa pa rin ang aking mga pisngi. At hanggang ngayon ay wala pa ring kupas ang aking takot. Mas lalo lamang ngayong gusto niyang umalis, gusto niya akong iwan.   Alam kong dinukot niya ako, alam ko ring hindi maganda ang nakagisnan niyang buhay, katunayan ay wala akong alam na kagandahan tungkol sa kanya. But right now, I am choosing him over everything. Hindi ko pipiliin ang kung aling hindi siya kasama. Right now, I only trust him and I can only feel safe when I’m with him.   Nilagay nito ang cellphone na binigay niya sakin kagabi sa aking kandungan.   “Call me when you arrive there.” Sabi niya at hindi ko na siya nagawang pigilan sa pagsara ng pinto sa pagkakataong iyon.   Agad na umandar ang sasakyan. Habang hinihintay ang pag-angat ng harang sa harapan namin ay hindi ko inalis ang paglingon ko sa kanya sa likod ng sasakyan. And he, at the same time, was also watching the car go. Only when the car has started running on a fast speed did he vanish in my sight.   Nang makaramdam ng pagyakap ng isang tela sa aking mga balikat, doon pa lamang ako napabalik ng tingin sa harap. Tsaka ko lang napansin ang lalaking katabi ko na siyang naglagay ng jacket sakin. The man from the window. He gave me a reassuring smile.   “I know you’re scared. But just like Hendrix, we only want to protect you too.”   Napatingin ako sa harapan at nakita kong nakangiti rin sakin mula sa rear mirror ang lalaking nagmamaneho, lumingon din ang katabi nito at kagaya ng katabi ko ngayon ginawaran niya rin ako ng naninigurong ngiti.   “Why would you do that?”   He smiled again and something in that smile and the way his eyes looked told me that I could trust his words too, that I can trust them.   “We’re going to protect what he wants he to protect.”   At sa pagsabi niya non ay sumabay ang pagbalot ng liwanag sa amin. And the next thing I know we’re already outside, in a forest of which I don’t know. Inilibot ko ang tingin sa paligid at kapunuan lamang ang nakapaligid sa amin. Walang tanaw na kabahayan, kahit na sa malayo, kapunuan pa rin ang nakikita.   Bumabagal ang takbo ng sasakyan dahil papaakyat ang daanan. Mabato ang lupa at sa malakas na pagtalbog ng sasakyan ay mabilis kong niyakap ang sarili ng jacket para hindi ito mahulog.   “Will he be okay?” Nasabi ko.   “More than okay.”   “Pupunta rin ba siya sa lugar na pupuntahan natin?”   “Sooner than you expect.”   And with that again, he granted me that calm, gentle and reassuring smile. Too different from the expression that Hendrix always had, he was too opposite from Hendrix.   Pinaniwala ako ng ngiting iyon na magiging maayos lang si Hendrix. At kahit wala naman siyang ibang sinabi, napalagay din akong magiging maayos lang ako kasama sila. That just like Hendrix, they will protect me too. Although I still don’t know the reason for that, I just believe that they will.   “Thank you.” Nasabi ko.   Maybe what I’ve said surprised them kaya napabalik ng tingin sakin ang lalaking katabi ko, napalingon din ang dalawang nasa harapan ngunit nginitian ko lang sila. A smile that will tell them that I trust them.   It wasn’t long until we reached the flat road. Subalit kagaya pa rin ng kanina puro kapunuan pa rin ang makikita, makitid ang daan at walang ni isang taong palaboy-laboy. This narrow road lead us to what looks like a secluded area.   Dalawang nakakatakot na lalaki ang nagbukas ng gate nang makita ang pagdating namin. The car has finally slowed its pace. Nasa napakalawak na kalupaan na kami, nasa harap ng napakalaking bahay. Sa gilid ng bahay ay nakasilong ang pila ng mga magagarang sasakyan. Sa kabilang gilid naman ay may nakatayong parang isang warehouse. The luxurious and vicious aura of the land dropped my jaw. Nasa pagitan ako ng pagkakamangha at pagkakakaba.   I only got back to my senses when the man who was seated beside me opened the door for me. Nakangiti itong naghihintay sa pagbaba ko sa labas. At sa pagtapak ko sa matigas na lupa, agad akong niyakap ng malinis at malamig na hangin.   Napakarami pang mga hindi kilala’t nakakatakot na mga lalaki. Lahat sila ay nasa amin ang tingin, nasa akin. Na tila isa akong dyamanteng ngayon lang nila nakita. The way they stared crept me out. Nagtago ako sa likuran ng lalaking katabi ko kanina. And I heard him chuckle.   “We are here, Athena. No one can harm you while we’re here.” He said.   Sinilip ako ng lalaking nagmamaneho kanina, ngumiti ito bago nagsalita, “I’m sorry, hindi namin sila mapipigilan sa pagtingin sa’yo. Hendrix is the only one who can scare them away. He is the only law here.”   “Because he is a De Varga?” Tanong ko. Bahagyang napawi ang ngiti niya at nagkatinginan silang tatlo.   “Let’s just wait for him inside.” Pag-iiba nito. Tango na lamang ang naging tugon ko.   Pinagitnaan nila ako habang papasok kami sa loob. Hindi naalis ang mga tingin ng nakapaligid na mga lalaki sakin at sinikap ko namang iiwas ang mata sa kanila. Biglang may pagdadalawang-isip na nangibabaw sakin habang nagbubukas ang malaking pintuang magdadala sakin sa loob ng bahay.   Paano kung mas marami pang mga mata ang naghihintay sa loob? Paano kung mas nakakatakot sila kesa sa mga nandito sa labas? O paano kung hindi lang basta malalagkit at nakakatakot na titig ang matamo ko sa pagpasok?   But I begged Hendrix to take me away. Kahit na gaano pa kalayo. Ang importante lang naman sakin ngayon ay ang malayo sa landas ni Vince, ang hindi maabot ng paningin niya. Hendrix left me to these three men. Although I don’t know them, not even their names, I have to trust them.   Lumuwag ang pakiramdam ko nang hindi nangyari ang inaasahan ko. Walang tao sa loob. Kami lamang ang sinalubong ng napakalaking bulwagan ng bahay. It was bright, really bright. Hindi na kakailanganin pa ng ilaw ng bahay dahil sa napakalaking salaming bintana. The wide blue sky seen from the window looked like a big painting. It was breathtaking.   Binagsak ng isa sa mga lalaking kasama ko ang katawan sa sofa. He let out a very loud sigh. At pagkatapos ay nilapag sa maliit na mesang nasa gitna ng sala ang baril niya na tila isa lamang ordinaryong bagay iyon.   “Are you hungry? Pwede tayong kumain muna.” Sabi ng lalaking nakatabi ko sa sasakyan.   Umiling ako, “Hihintayin ko muna si Hendrix. Then we can all eat together.” Bahagya itong natawa sa sinabi ko.   “He never eats with anyone. Baka masayang lang ang paghihintay mo.” Ang lalaking nakahiga sa sofa ang nagsalita.   “Then I can just eat with you. Hintayin nalang natin yung ibang kasama niyo.”   Napabangon ito at gulat na tumitig sakin. Ganoon din ang dalawa, halos sabay na napalingon na tila ba sinisigurado kung tama ang pagkakadinig nila.   “Ayos lang ‘yon sa’yo?”   “Bakit?”   “I mean, are you not afraid of us?”   “Hmm…” Naglakad ako palapit sa sofang inuupuan niya at naupo rin doon, “You told me that you will protect me and… you saved me from him last night and today. Honestly, I was scared but not anymore. Kasi kung talagang masama ang atensyon niyo sakin, dapat kanina niyo pa ako sinaktan. And right now, I can only feel safe being with you. Thank you… Thank you for protecting me.”   Nang muli ko silang balingan ng tingin ay hindi makapaniwala ang mga reaksyong suot nila sa mukha.   “Bakit?” I said.   Unti-unti ay kumurba ang ngiti sa labi ng lalaking nasa tabi ko sa sofa. Ganoon din ang dalawa at ‘di nagtagal ay namuo sa isang tawa ang maliit na ngiting iyon.   “Woah! Ito pa lamang ang unang beses na narinig ko ‘yan. Grabe! Ang sarap palang pakinggan.” Mula sa pagkakaupo sa gilid ko ay lumuhod ito sa harapan ko.   “Kendrick Arcel nga pala, Karl nalang ang itawag mo para hindi masyadong mahaba.” Sabi niya at inabot ang kamay sakin.   “Bakit ka nakaluhod?”   “Because from now on, I am going to worship you.” Agad itong nakatanggap ng batok mula sa kasama niya, ang lalaking nagmamaneho kanina. Natawa naman ako.   “Sige! Sabihin mo ‘yan sa harap ni Hendrix at tingnan natin kung hindi magdugo ‘yang gilagid mo mamaya hanggang bukas.”   Kinamot ni Karl ang parteng binatukan at nag-umpisa nang tumayo, “Ito naman. Nagbibiro lang eh!” At bago pa man niya tuluyang malayo ang kamay na inabot sakin ay kinuha ko na ito upang makipagkamay.   “Athena.” Nakangiti kong sabi.   Sunod kong inabot ang kamay sa lalaking nagmaneho kanina, “Luke.” He introduced, shaking my hand too. Kasunod naman ay ang lalaking katabi ko kanina at siya ring nagmamay-ari ng jacket na nasa balikat ko. Just like how the past minutes we’ve spent together, he showed me that gentle and reassuring smile again.   “Gavin.” Wika niya at kinamayan din ako.   Pagkatapos non ay nagpaalam sina Luke at Karl na pupunta muna sa kusina para kumuha ng miryenda. Naiwan kaming dalawa ni Gavin sa sofa, may kalahati ng isang metro ang layo sa isa’t isa. His perfume is hovering over my nose, siguro nagmumula sa jacket niya. Sa tapang nito ay hindi na ako magtataka kung pati damit ko ay nahawa na ng amoy nito.   Hindi ako nailang dahil dalawa lamang kami roon. Instead, I saw it as an opportunity. An opportunity to ask, to get answers, to know the truth that Hendrix doesn’t want me to know.   “Bago ko nakasalubong sa daan si Hendrix kagabi, may isang sasakyan na humarang kay Vince, may isa ring sasakyang sumunod sa akin. Kayo rin ba ‘yon?”   Hindi ko siya tiningnan subalit nakita ko sa gilid ng mga mata ang pagbaling nito sakin. At nakita ko rin ang kanyang pagtango.   “Paano niyo nalamang nandoon ako? Na hinahabol niya ako?”   Ang paghihintay ko sa kanyang sagot ay nauwi sa wala. Nang lingunin ko na ito, nakatukod lamang ang mga siko niya sa mga tuhod habang nakayuko. Hindi niya ba alam ang sagot? O ayaw niya lang sumagot? O dahil sinabihan siyang huwag sumagot?   Sa huli ay napangiti na lamang ako. Hindi ko na ito pipilitin. I saw how scared they were of Hendrix last night, I know how scary is Hendrix too. Kapag pinilit ko ito at mapilitan din itong sabihin sakin ang hinahanap kong sagot, baka kung ano pang magawa ni Hendrix sa kanya.   “Hindi mo na kailangang sagutin ‘yon. Ayos lang.” Inangat niya ang tingin sakin at nginitian ko ito.   “Ang sabi ni Hendrix, si papa raw ang huminging protektahan niya ako. Hindi ko alam kung bakit, ayaw niya ring sabihin ang dahilan.”   Tiningnan ko ito habang nakatitig siya sakin, nakikinig. I noticed a black crescent tattoo on his right wrist. Doon ko tinuon ang tingin habang dinudugtungan ang sinasabi.   “Hendrix saved me the other night too. From Vince. Hindi ko alam kung bakit siya nandoon, o kung alam niya bang nandoon ako. At first I thought, meeting him there was only a coincidence. But after he saved me again last night and today from Vince, naisip kong baka hindi lang basta coincidence ‘yon.”   Nang ibalik ko sa mukha niya tingin, hindi pa rin naiiba ang intensidad ng titig niya sakin. Interesado, inaabangan ang bawat salitang lalabas sa bibig ko, nasa akin ang buong atensyon na tila ba hindi ito iiwas ng tingin hangga’t hindi ko sinasabi.   “He is harsh with his words and actions. Nakakatakot siya. Sobra. Ang tanging alam ko lang tungkol sa kanya ay anak siya ni Senator De Varga. But everytime Im with him, I feel safe. Na kahit hindi niya pa sinasabi ang dahilan ng pagdukot niya sakin, I still believe that he won’t do anything that would harm  me.” Nginisihan ko ito at bumagsak ang tingin niya sa labi ko nang ginawa ko iyon.   “Kagaya niyo, I only know your names but right now, malaki ang paniniwala kong hindi niyo rin ako sasaktan.”   Nanatili ang mataman nitong titig sa akin at hindi ko rin binura ang ngiti habang nakatingin din sa kanya. He has a rough face features just like of that of Hendrix’s. Ngunit hindi nakakatakot ang pagtitig ni Gavin sakin kahit pa na wala itong ngiti sa labi.   Nakarinig ako ng mga pagharurot ng sasakyan sa labas ngunit hindi niyon inalis ang tingin niya sakin. The slamming of the huge door thundered throughout the whole house but that still didn’t make him look away.   Niluwa ng pinto si Hendrix suot-suot ang karaniwan nitong ekspresyon sa mukha, parang galit na hindi, hindi naman nakakunot ang noo pero nakakatakot, diretso lamang ang tingin sa akin habang papalapit. Matalim ang tingin sakin na tila may nagawa na naman akong hindi niya nagustuhan.   Nang tumigil ito sa harapan namin ay doon pa lamang iniwas ni Gavin ang tingin sakin. Akala ko ay babalingan lamang nito si Hendrix subalit hindi. He didn’t even look at him. Yumuko lamang ito, tumitig sa sahig na tila ba hindi niya nakikita ang pigurang nakatayo sa aming harapan.   Hendrix grabbed me by my wrist. At nang makatayo na ay sunod niyang tinanggal ang jacket mula sa balikat ko at binagsak ito sa gilid ni Gavin. Parang wala lang din itong nakikitang nakaupo sa sofa. He didn’t look at Gavin too. Hinila niya na ako papunta sa kung saan. At wala nang reklamo, wala nang pagtatanong o pang-uusisa, tahimik lang din akong sumunod sa kanya.   Why I felt anger from the way he grips my wrist, that, I don’t know. Tumitig lang ako sa malapad niyang likuran habang tinutunton namin ang pasilyo. At pagdating sa pinakadulong pinto ay pumasok na kami. Isang kwarto. Panglalaking kwarto.   Hindi ko siya agad nilingon nang mabitiwan niya ang palapulsuhan ko. Naghahanap pa rin ako ng salitang sasabihin.     Narinig ko ang pagbukas ng isa pang pinto sa kwartong iyon at nang tingnan ko ay nakita kong nasa loob na siya ng banyo. Sa una ay nagdalawang isip pa ako kung susundan ko ito. Tanaw kong nasa lababo siya at naghihilamos.   Subalit nagwagi pa rin ang kagustuhan kong lapitan siya. Ang alamin kung maayos lang ba siya.   Ang ingay ng bumubuhos na gripo lamang ang dinig. Tinitigan ko siya mula sa salamin. Bahagya kong hinila ang laylayan ng damit niya dahilan upang mapatigil ito sa ginagawa at mapatitig din sakin mula roon.   Naghanap ako ng sugat sa mukha niya at nang walang makita ay binigyan ko ito ng ngiti. Subalit agad ding napawi ang ngiting iyon nang nanatili lamang ang matalim niyang titig. Sa huli ay napakagat na lamang ako sa labi habang iniiwas na ang tingin. Habang tinatanggal na ang kamay sa kanyang damit.   Kinilatis ko rin ang katawan niya para maghanap ng kahit anong kakulay ng dugo o mga galos at nang wala ring makita ay muli akong napangiti subalit hindi na tumingin sa kanya. Now that I know that he is fine, I can go back. Dama ko naman ang pagkainis niya sa tuwing lumalapit ako kaya mas mabuting iwan ko nalang muna siya rito.   Pero bago pa man makagawa ng hakbang ay nahila na niya ako pabalik, isinandal sa lababo at kinulong sa gitna ng mga kamay niya.   “What are you doing?”   Umiling ako, “I was just checking if you’re fine.”   Hindi ko ito tiningnan. I was just waiting for him to speak again but he didn’t. Tanaw ko sa gilid ng matang nakatitig lang ito sakin. I was too scared to meet his eyes. Kaya buong pagsusumikap na iniwas ko ang mata sa kanya.   “Mababait naman sila. Alam ko na rin ang mga pangalan nila. S-si… Luke, Karl at Gav-”   Bago pa ako matapos ay nagsalita na ito, “Didn’t I tell you to call me the moment you arrive here?”   Doon pa lamang ako napatingin sa kanya at hindi nga ako nabigo ng hinala, galit nga ang mga mata nito. Tila dinudurog ako sa tingin.   “S-Sorry, nakalimutan ko.”   Napayuko ito at kinagat ang ibabang labi na tila natatawa sa sinabi ko. Hindi lang din nagtagal ay tinanggal na niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ko at unti-unti nang lumayo. Hinila ang isang twalya sa gilid at pinunas iyon sa kanyang mukha. Hindi niya na ako muli pang binalingan ng tingin. Pagkatapos magpunas ay diretsahan na itong lumabas ng banyo.   Sumunod ako sa paglabas niya. Nasa closet na niya siya, naghahanap ng damit. At nang matapos ay hinagis niya sakin ang nakuhang t-shirt.   “Maligo ka. Hangang dito, amoy na amoy ko pa rin siya.”   Pagkatapos ipakita sa akin ang iritado niyang mukha ay nag-umpisa na itong maglakad. Hindi na sinalubong ang aking mga mata, nilampasan lamang ako at binuksan ang pinto ng kwarto sa aking likuran.   Inamoy ko ang sarili nang mawala na siya at kahit ako ay natapangan din sa pabango ni Gavin na naiwan sa damit ko. Hindi ko alam kung bakit siya galit, kung saan siya nagagalit. Dahil ba nakalimutan ko siyang tawagan o dahil naamoy niya sakin ang pabango ni Gavin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD