The Beginning
Si papa ay isang abogado. Isang sikat na abogado. Hindi siya naging sikat dahil nasasangkot siya sa mga kontrobersya o mga eskandalo. Sikat siya sa larangan ng abogasya dahil marami na siyang naipanalong kaso ng mga importanteng tao sa bansa.
Si Senator Alejandro De Varga ay isa ring sikat na senador. Subalit sikat siya hindi dahil sa mga magagandang nagawa niya sa bansa, kundi dahil puro kasamaan lamang ang alam ng tao tungkol sa kanya. Nahalal ito sa pwesto nitong nakaraang buwan lamang. Isang napakalaking misteryo. Imbes na magdiwang ay nagkagulo ang mga tao. A lot are against him, the majority are in doubt of him.
At nitong nakaraan buwan din lang ay nagsimulang trabahuin ni papa ang kasong nagtuturo kay Senator na pumatay sa sariling asawa, na sangkot sa mga ilegal na gawain at responsable sa pagkakaroon ng isang mafia. Kung sino ang taong nagsampa ng kaso, isang misteryo rin iyon sa lahat. Si Papa lamang ang nakakaalam niyon at kahit sa aming sarili niyang pamilya ay kailanman hindi niya sinabi.
Kaya naman hindi ko ngayon maintindihan, kahit na hulaan ay hindi ko rin magawa. Bakit hihingin ni Papa na protektahan ako ni Hendrix, isang De Varga, anak ni Senator na siyang kaaway niya? Hindi ko pa rin magawang pagtagpi-tagpiin ang mga piraso ng kaisipang ito. Sa lahat ng misteryong nakaharap ko, ito ang pinakamahirap lutasin.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama. Ang malakas na pagbuntong hininga ang una kong ginawa nang makatayo. Nagmukhang bestida ang damit ni Hendrix sakin, iyon nga lang ay napakaikling bestida. Ang pinangako kong pananghalian kasabay sila ay mukhang malabo nang mangyari. Wala si Hendrix, hindi ako makalabas dito at mukhang galit pa siya kay Gavin.
Ang pagkatok sa pinto ay mabilis na nagpalihis ng tingin ko papunta roon. Naghintay akong pumasok siya ngunit pagkatapos ng katok na iyon, katahimikan na ulit ang namayani. Mabagal kong binuksan ang pinto, natatakot sa maaaring sorpresang nag-aabang sa labas ngunit imbes na pigura ng isang tao ang makita, isang tray lamang na puno ng pagkain ang naroon.
Hindi ko iyon kinuha at muli lamang sinarado ang pinto. Bumalik sa kama at binagsak ang katawan, pinikit ang mata at muli na namang malakas na napabuntong hininga.
This is definitely his room. Kahit na hindi ko na tanungin, malalaman pa ring kanya ito. The mattress smells just like him. Kahit kanina pa siya nawala, ang pabango niya ay nasa hangin pa rin. At kagaya lang din sa kwartong pinagdalhan niya sakin kagabi, napakalinis din ng kwartong ito at nasa kulay ng abo at puti ang mga kagamitan.
Muli akong napabangon nang makarinig ng ingay na nagmumula sa bintana. The tinted window was empty, tanging ang kapunuang nasa labas lang ang tanaw doon. Subalit lumakas ang ingay at doon na ako nagdesisyong tumayo para lumapit.
At sa pagbukas nito, tuluyang luminaw ang ingay.
“Anong ginagawa niyo riyan?” Tanong ko.
Sabay-sabay na natahimik ang anim na kalalakihang nakasquat sa ilalim ng bintana, sabay-sabay din ang mga itong nag-angat ng tingin sakin. Una kong nakilala sina Luke at Karl. Ang apat ay hindi ko pa alam ang pangalan subalit sigurado akong sila rin iyong iba pang kasama nila kanina.
Tumayo si Luke, “Sinabi ko sa kanila ang sinabi mo samin kanina. Sayang nga lang at hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto kaya naisip naming pumunta nalang dito para masabayan kang kumain.”
And what he said almost brought me to tears. Hindi naman iyon nakakalungkot. Siguro dahil nagulat lamang ako, siguro dahil hindi ko inaasahang gagawin nila ito o dahil siguro ito ang pinakahuling bagay na naisip kong pwede nilang gawin.
Without a word, I rushed back to the door. Kinuha ko ang tray doon at binitbit pabalik sa bintana. At nang datnan, nakatayo na silang anim. Ang tatlo ay nakalahad na ang mga kamay sakin na tila himihinging makipagkamay.
“Sorry Athena, nabanggit din kasi naming kinamayan mo kami. Ngayon lang kasi may pumunta ritong kagaya mo, kaya ito nilulubos-lubos na namin.” Nakakamot sa ulo na sinabi ni Luke. Natawa naman ako.
“Kagaya kong dinukot ni Hendrix?” Ang pagkakatawa ko ay napawi dahil sa pag-iling niya.
“Kagaya mong tanggap kami.”
At sa pangalawang beses, parang uminit na naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam, hindi ko sigurado. They are armed with guns, pumapatay sila at nananakit ng tao. Kung pagbabasehan ang mundong kinagagalawan ko, maituturing na masamang gawain ang trabaho nila.
But hearing all these and seeing them act like this, I feel like doubting that fact. Parang bigla nalang hindi naging masama ang trabaho nila para sakin, parang bigla nalang hindi na masamang bagay ang pakikisalamuha ko sa kanila.
Siguro tama nga siya sa sinabi, kagaya kong tanggap sila. Dahil oo, tanggap ko nga siguro maging sino man sila.
Una kong kinamayan ang lalaking may brown highlights sa buhok, “Jose Edwardo de la Cruz. Ang baduy non pakinggan kaya Jo-Ed nalang. Si papa ang nagbigay ng pangalang ‘yon. Kainis nga, mamamatay na nga lang, iyon pa ang iniwang pangalan.” Pagpapakilala niya at tumawa pa.
Sumunod naman ang may singkit na mata, humanga ako sa tangos ng ilong nito, ang nakababang itim na itim niyang buhok ay masyadong bumagay sa kanya, “Raul Ezekiel Yao, Jr. Rey nalang kasi parang ang pangit ko naman kapag Raul ang tinawag mo sakin.” Napahagikgik ako bago nagpatuloy sa susunod.
“Jason Elijah Primero. Ikaw na bahala kung anong itatawag mo. Hindi naman ako choosy kagaya ng dalawang ‘to.” Ngumisi ito at lumabas ang malalalim niyang dimples sa magkabilang pisngi. Sa kanilang tatlo, aaminin kong siya ang may pinakamagandang ngiti dahil sa tuwing ginagawa niya iyon, sumasabay din ang mga mata niyang tila napapangiti rin.
Kakamayan ko rin sana ang katabi nito subalit hindi nito nilahad ang kamay. Unlike the three of them, hindi ito nakangiti. Nasa malayo ang tingin nito at tila hindi interesado. Suplado, oo. Kaya naman ako na mismo ang kumuha ng kamay niya para kamayan siya. Agad siyang napaurong sa ginawa ko at tinapunan ako ng masamang tingin. Ngunit wala na sigurong mas makakapagpatakot sakin maliban sa titig ni Hendrix kaya nginisihan ko lang ito.
“This is Tom, Athena.” Si Jason na ang nagsalita.
And as I stared at the six of them, towering me from the window, I felt really small. Halos takpan ng malalaking katawan nila ang sinag ng araw. They are, just like Hendrix and Gavin, really huge. Siguro kapag gamitan nila ako ng lakas, hindi pa nagdadalawang segundo ay mababalian na ako.
“Nasaan si Gavin?” I asked.
Nagkatinginan muna ang mga ito bago sumagot si Karl, “May inasikaso lang.”
“Si Hendrix?” I asked again.
Nagkatinginan na naman sila, “May inasikaso rin.” Tumango-tango ako.
“Alam niya bang nandito kayo?”
Ngumisi sila maliban lamang kay Tom, “Hindi.”
“Huwag mo sanang sasabihing pumunta kami rito, Athena. Pinagbabawalan niya kasi kaming lumapit sa’yo.” Wika ni Jo-Ed.
Mapait akong napangiti.
“Kapag nagtanong ako, masasagot niyo ba iyon?” Hindi sila nagsalita at tila hinihintay lamang dugtungan ko ang sinabi.
“Ayaw sabihin sakin ni Hendrix, ganoon din si Gavin.” Nakagat ko ang labi , “Bakit ako nandito? Bakit niyo ako pinoprotektahan mula kay Vince?”
Unti-unting nabura ang mga ngiti nila. Siguro kagaya rin ni Gavin ay hindi rin nila pwedeng sabihin sakin ang totoo. At siguro kagaya lang din ni Gavin, baka mapahamak lang din sila kapag sinabi nila sakin iyon.
“Kung hindi niyo rin masasagot, ayos lang-”
“Pwede bang mag-meeting muna kami?” Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa sinabing iyon ni Jason.
Tumango ako at bahagya naman silang lumayo tsaka nag-usap. Nakita kong may mga nagtaas ng kamay at meron ding hindi. Nagbobotohan ba sila? Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng ngiti. Nang makabalik sila ay si Karl na ang nagsalita.
“Sasabihin namin sa’yo pero bago ang lahat kumain muna tayo dahil kanina pa kami gutom.”
Tumawa ako sa sinabi niya at pati sa sarili. Doon ko lang natantong kanina ko pa pala bitbit ang tray ng mga pagkaing ito. Tumango ako at mabilis naman silang nawala sa harapan ng bintana. Ang pagtawa lang ulit ang nagawa ko nang makabalik sila. Dahil may mga bitbit nang mga upuan ang mga ito, may dala pang mesa na pinaglagyan nila ng kanilang pagkain. At kagaya nila ay naglagay din ako ng mesa sa harap ng bintana. At pagkatapos non, nagsimula na kaming kumain. Ang pananghaliang kasama sila na inakala kong malabo nang mangyayari ay kasalukuyan ko nang tinatamasa. May isang pader na pagitan man ay naging masaya pa rin ang sandaling iyon.
It was a lunch full of laughter. Hindi ko inaasahang lulunurin nila ako sa kakatawa. I was abducted by them but look at us having a fun lunch together. I was abducted by them but I ended up enjoying this moment with my abductors.
Habang patagal nang patagal ang aming pagsasama at pagkukwentuhan ay unti-unti kong nakakalimutan ang malaking pagkakaiba ng mundo namin, ng klase ng buhay na meron kami. Hindi ko naisip ang dungis ng kamay nila, ang kantidad ng dugong dumaloy sa mga palad nila o ang dami ng bangkay na bumagsak sa paanan nila. Sa sandaling iyon, sila lamang ang nakikita ko at ang mga nakangiti nilang labi.
Ang natatandaan ko lamang bago pa matapos ang aming pananghalian ay tuluyan nang nabura ang takot at panghuhusga sa puso ko. They are humans, that’s what I only see. And as humans, they deserve acceptance. If the world won’t give them that, I will be the one to give it.
Ah... They aren’t bad guys at all, I was the only one who thought that they were. Minsan, ang pamantayan ng mga tao ay nakakalason. Dahil itinuring na masama, habang buhay nang magiging masama. We forgot that there is always a room for chances. And unless we give them that chance, we won’t ever know if they are really bad or not.
“Would you promise never to tell Hendrix about this?” Determinado akong tumango kay Rey.
Huminga muna ito nang malalim, itnukod ang mga siko sa mesa at tiningnan ako nang maigi, “Hendrix was the one who filed the case against Senator De Varga.”
Sa kabila ng matinding pagkakagulat ay hindi ko iyon ipinakita at ipinahalata sa kanila. I remained attentive and firm, I just want him to continue and not waste anymore time.
“We are not part of the mafia, Athena. We don’t work for Senator De Varga. We are Hendrix’s private army to fight against the De Vargas.”
But Hendrix is a De Varga too…
Hindi na lumabas ang kasunod na salitang sasabihin niya pa sana dahil biglang tumayo si Jason na siyang katabi nito, nakatingin sa cellphone at may kaba nang nakaukit sa mukha.
“Pauwi na si Hendrix.”
He said and with only that, they vanished in front of me. That quick. Leaving me there who can’t seem to move or even blink. Gulat, hindi makapaniwala. Mas lalo akong naguluhan, mas lalong dumami ang katanungan sa aking isipan.
But first of all, I must pretend to sleep. So he won’t find out that this has ever happened.