Kabanata 7

2184 Words
Their Beginning   I was just in time. Halos kakapikit ko lang nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Ah. This is Hendrix. It is him because he doesn’t knock. Why would he even knock to his very own room?   Mas napadiin ang aking pagpikit, mas napahigpit ang kapit sa kumot sa dibdib. The sound of his footsteps is nearing the bed. I can only cling tighter to the blanket. Bakit ba ako kinakabahan?   Tumalbog ang kama at doon nakumpirma kong nakahiga na ito sa aking tabi. I can hear him breathing. At ang pabango nito ay lumulutang na naman sa ere, binabalot na naman ang buong kwarto. Minulat ko ang mga mata, nanatiling nakatalikod sa kanya.   Ngunit hindi lang nagtagal ay naramdaman ko ang kamay nitong gumagapang sa aking tyan. Lumakas ang kabog ng aking dibdib, bigla na lamang kinabahan. Naramdaman ko rin ang paglapit at pagdikit ng katawan niya sa aking likod, napakainit. And after a while, I felt his hot breath on my neck.   Paunti-unti ay nililingon ko ito. At ang puso ko’y halos sumabog nang makita ang mukha ni Vince, nakangiti sa akin.   Halos mapasigaw ako sa pagbangon. Habol-habol ko ang hininga, kinakapos ako ng hininga. Tumingin ako sa magkabilang gilid, nilibot din ang tingin sa madilim nang kwarto. Panaginip, panaginip lamang. Walang Vince, walang Vince sa bahay na ito.   Tumingin ako sa digital clock na nasa gilid ng kama. 7:24PM. Siguro tuluyan na akong nakatulog mula sa pagpapanggap lang. Nasaan si Hendrix? Pagkatapos ng pananghalian ay hindi na siya pumasok ng kwarto. O baka nakatulog na ako nang pumasok siya? Hindi ko alam.   Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong naging balisa, naging sobrang kabado. Hindi ako mapirme sa kama, hindi ako mapakaling nag-iisa lamang ako sa madilim na kwartong ito. Nanlalamig ang mga kamay ko at nagsisimula nang uminit ang aking mga mata.   Natatakot ako.   Paano kung hindi lang iyon panaginip? Paano kung nandito nga siya, nagtatago sa madilim na sulok ng kwarto, nag-aabang ng tamang pagkakataon?   Dinig sa loob ang pagpagaspas ng mga dahon sa labas at mas lalo nitong pinalala ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko na naisip ang mga pwedeng mangyari at tila kusa nalang gumalaw ang mga paa ko papunta sa pinto. Nagkukumahog na makalabas ng kwarto.   Pinalabo na ng noo’y nakawalang luha ang aking paningin at hindi ko na halos makita ang pasilyong tumambad sa akin nang makalabas. I heard footsteps and it didn’t do good to me. Mas napilitan akong tumakbo at lumayo sa kwarto.   Ang pagkakabunggo lamang sa isang matigas na bagay ang nagpahinto sakin. Sumuko ang mga tuhod ko at bumagsak. Sumunod ang nabunggo ko sa aking pagkakabagsak upang lebelan ang mukha ko. Nang makita kung sino ang taong iyon, hindi na ako nagdalawang isip pa para yakapin siya. I threw myself at him as if that’s where it belongs.   Mahigpit na kumapit sa leegan niya. Nagpipigil ng hikbi sa balikat niya.   “Saan ka ba kasi galing? Bakit ka umalis? Bakit mo ako iniwang mag-isa ro’n?” Parang batang pagrereklamo ko, “I had a bad dream. A really bad dream.”   Kinagat ko ang labi upang huwag hayaang tumakas ang hikbi. Nilunok ko ang nakabara sa lalamunan bago hinarap ang mukha nito. He looked somehow worried, at least that’s how I see it. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko, naghihintay ng paliwanag sa sinabi at ginawa ko.   “Hendrix, I’m scared.”   Napunta ang tingin niya sa parteng balikat ko. Inayos niya ang aking damit na siguro ay nahulog na ang isang manggas dahil sa luwag nito sakin. Only then did I realize too that he is already sitting on the floor while I am kneeling in between his huge thighs, still clinging my hands around his neck.   Pinunasan niya ang magkabila kong pisngi gamit ang palad, tinuyo ang basang mukha nang wala pa ring sinasabing salita. Sinabit din nito sa tenga ang iilang hibla ng buhok kong nalaglag. At pagkatapos gawin iyon ay kinuha niya ang isang kamay ko mula sa kanyang leeg at hinawakan ito. Mahigpit.   “Let’s go.”   At inalalayan niya akong makatayo. Mahigpit ang hawak sa kamay ko habang hinihila ako pabalik ng kwarto. Hindi ako nakaimik at ang luha ko ay hindi na rin bumalik. Nakakapagtaka dahil wala naman siyang sinabing kahit ano pero napalagay na ang loob ko. Nakakapagtaka dahil ang ginawa niya lang naman ay ang punasan ang mga luha ko pero nawala na agad ang takot ko.   Hindi ko namalayan ang pagtakas ng ngiti. Mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya. This tight grip told me that I don’t have to be afraid of anything. That as long as his hand is on mine, there is nothing that can hurt me anymore.   Noong papalapit na kami sa kwarto ay nakita ko ang papalapit ding si Gavin. He is walking on the opposite way, makakasalubong namin. Una kong tiningnan si Hendrix at nakita kong diretso lamang ang tingin niya, pawang hindi nakikita si Gavin. Ganoon din si Gavin, kahit ako ay hindi rin niya binigyang pansin. Nilampasan lamang namin ang isa’t isa, parang hangin, parang walang nakita.   Binitawan niya rin agad ang kamay ko nang makapasok. Binuksan niya ang ilaw ng kwarto, sinarado ang bintanang naiwan kong nakabukas kanina. Pagkatapos ay binuksan nito ang closet, nakita ko ang paglagay niya roon ng mga gamit, relo, cellphone, isang susi, pitaka at baril.   Umupo ako sa dulo ng kama at pinagmasdan itong nakatayo pa rin doon, ngayon ay abala na naman siya sa kanyang cellphone. Ngayon ko lang napansin ang tattoo nito sa likod ng tenga. Isang itim na crescent. Kagaya ng kay Gavin.   “Saan ka galing?” Hindi na ako nagulat nang hindi ito sumagot.   “I’m sorry about this morning. Kasalanan kong nalaman ni Vince ang lugar na ‘yon.”   Nanatili itong nasa cellphone lang ang atensyon, hindi man lang inaalis ang tingin, hindi man lang tumitigil sa pagpindot ang daliri roon. Sa halip na mainis sa hindi niya ulit pagsagot, napangiti lamang ako nito.   Kinuha ko ang cellphone na binigay niya mula sa cabinet sa gilid ng kama. Natingnan ko na ito kanina, walang kahit anong laman, bagong-bago at nag-iisa lamang ang numerong nakarehistro roon. Bumalik ako sa pagkakaupo sa dulo ng kama at nilagay sa tenga ang cellphone matapos pindutin ang numerong iyon.   Tinitigan ko siya at nang tumunog ang cellphone niya ay lumapad ang ngisi ko. Hindi niya iyon sinagot at sinilid lamang sa bulsa. Pero nakuntento na ako roon, at least nakuha ko rin ang atensyon niya. Nakita ko ang nakakunot niyang noo at nakakapagtaka dahil hindi na ako nakaramdam ng takot. Walang nang kaba sa dibdib ko kahit pa na ginagawa ko ito.   Muli akong napangiti sa sarili.   Maybe it’s because I now feel at ease with him. Hindi na ako natatakot na baka saktan niya ako, hindi na ako natatakot na baka may gawin siyang masama sa akin. Hindi ko man nalaman ang tunay na rason ng pagdukot niya sakin, nakampante pa rin ako dahil sa natuklasan ko kanina.   He was the one who filed the case, he was the one who went to my father to ask him for it. Hindi siya kagaya ng ama niya, hindi siya sang-ayon sa mga masasamang gawain ng ama. Iba siya, magkaiba silang dalawa. Isa siyang De Varga ngunit hindi naging hadlang ang apelyidong dala niya para maging isang mabuting tao siya.   He has done bad things too, yes. Pero minsan kung ano pa yung tinuturing na masama ay siya pang tama. Minsan, kailangan din nating maging masama para may maitama tayo. He just took the bad way to right what is wrong.   May kumatok sa pinto at pumunta naman siya. Pagbukas niya ay wala nang tao sa labas, isang maleta na lamang ang naghihintay. Maletang pagmamay-ari ko. Dinala niya ito sa loob at agad naman akong lumapit.   “Paano mo nakuha ‘to?”   Iba ito sa maletang dala ko kahapon na siyang naiwan sa bahay na pinanggalingan namin kanina. Sigurado akong naitago ko ito sa bahay, sigurado rin akong kung kanino niya man ito nakuha ay tiyak na nakatira rin sa bahay.   “Sa papa mo.” Sagot niya.   Nagkita sila ni papa. I stopped myself from asking. Hindi na rin ako nagtaka. Ngayong alam kong siya ang nagsampa ng kaso sa ama niya, hindi na magiging palaisipan sa akin kung bakit magkakilala sila ni papa, o kung bakit may koneksyon silang dalawa.   Hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit umabot sa pagkakadukot sakin ang mga nangyayari. Hindi ko rin alam kung bakit nila ako pinoprotektahan mula kay Vince. Ngunit magtitiwala na lamang ako sa kanya. Paniniwalaan ko ang sinabi niyang si papa ang may gusto nito, ang may gawa nito. At dahil doon, hahayaan ko na lamang siyang protektahan ako.   “Salamat.” I said.   Lumuhod ako sa sahig upang buksan ang maleta.   “I’ll just sleep on the sofa so you can sleep on the bed. Malaki naman ‘yan at natutulog din naman ako sa sofa kahit na sa bahay.”   Hindi umalis ang pares ng paa niya sa tapat ko. Siguro ay nakatingin ito sa akin, nagtataka sa mga sinasabi ko, nagtataka kung bakit hindi na ako nagtatanong kung paano niya nakuha ito kay papa o kung bakit magkakilala sila ni papa.   “Don’t worry, hindi naman ako makalat sa kwarto. Hindi rin ako humihilik. Hindi ka magkakaproblema sakin dito.” Tinangala ko siya at hindi nga ako nagkamali sa hinala kanina, “Can you spare me some space in your closet? I like to be organized with my stuff.”   Nginitian ko siya at ang kanina pa niyang kunot-kunot na noo ay hindi nagbabago. His intense eyes are gazing down at me but I don’t feel scared anymore. I smiled wider. At nang tumagal ang aming pagtititigan, siguro ay masyado na itong nainis sa ginagawa kong pagngiti kaya tumalikod na.   “Do whatever you want.” And he walked out of the door.   Bago matapos ang gabing iyon, pagkatapos maghapunan nang mag-isa at mag-ayos ng mga gamit, naligo ako at nagbihis sa aking pantulog. I slept in the sofa, that’s what I’m really sure of. Kaya naman laking gulat ko nang magising sa kama kinabukasan.   Nang makabangon ay nadatnan ko siyang nasa sofa. And it looked small for him. Kung ako ang hihiga roon ay pwedeng-pwede pa akong gumalaw sa kahit na anong posisyong gusto ko subalit sa kanya, sumosobra pa sa haba ng sofa ang mga binti niya. Halatang hindi ito kumportable roon.   Lumapit ako at napansing ang sapatos niyang nakasuot pa rin. Napangiti ako. Dahan-dahan ko itong tinanggal, iniiwasang magising siya. Hinila ko rin ang kumot mula sa kama para ipatong iyon sa katawan niya.   I lowered myself to him, making sure that I can get the best view of his face. Kahit sa pagtulog mukhang galit pa rin ito, nakakunot pa ring ang noo. Masama ba ang panaginip niya? O dahil hindi ito kumportable sa hinihigaan niya? Gigisingin ko ba siya at papalipatin sa kama? O hahayaan na lang nang makapagpahinga siya?   Dahan-dahan kong dinala ang kamay sa kanyang ulo. Dahan-dahang hinadkan ng mga daliri ko ang itim na itim niyang buhok. Hinaplos ko ito at nang ibalik ko ang tingin sa mukha niya, naglaho na ang kunot sa kanyang noo. Muli akong napapangiti sa ginawa. I guess my hand already likes his soft and thick hair. Parang ayaw na nitong tigilan ang ginagawa.   Ngunit ilang saglit lang din ay nanumbalik ang kunot sa noo niya. His huge and rough palm wrapped my tiny hand. Pinapahinto ito sa ginagawa. “Stop it.” He said, “Stop making me like it.” Dugtong niya at winaksi na ang aking kamay. Nang hindi man lang minumulat ang mga mata ay tinalikuran na ako nito.   ~*~   Napaungol na naman si Vince. Kinagat ang sariling labi at napaungol muli. Dinala niya sa mukha ang damit, hinimas sa mukha, sininghot ang natitirang amoy sa damit. Lumakas ang kanyang pag-ungol habang papabilis din ang kamay nito sa pagtataas-baba sa kanyang p*********i.   Hindi niya man nakuha ang dalaga, hindi niya man nakita si Athena, hindi ito umuwing luhaan. Ito ang suot-suot na damit ni Athena noong gabing dinukot siya. Alam niyang pagmamay-ari ito ng dalaga dahil amoy palang ay kilalang-kilala na niya.   Sunod-sunod, malalakas na mga ungol. Hinahabol niya ang hininga. Masarap, mabango, masarap. After he reached his climax, the first to escape from his mouth was a loud laugh.   “Yeah, that’s right, baby. Lick it. It’s all yours. Drink it.” Nakangisi niyang sambit habang pinupunas ang damit ni Athena sa puting likidong nagkalat sa kanyang p*********i.   Tumayo ito at nilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Ang kaniyang ngisi ay napawi. Bakit nag-iisa siya? Bakit nag-iisa siya sa kwartong ito? Tiningnan niya ang hawak na damit at hindi kagaya kanina, hindi na pagnanasa o saya ang pinaalala sa kanya ng damit kundi galit.   He crumpled it between his huge hand and threw it to the wall. Traydor. Iyon ang unang salitang naisip niya. Tinraydor siya ng babaeng pinakamamahal niya. At nang mapatingin ito sa braso niyang may sugat na natamo niya mula sa pagdaplis ng bala, mas lalong nagliyab ang galit sa kanyang dibdib.   Magnanakaw. Dahil ninakaw ng lalaking iyon si Athena.   And he won’t stop on killing until he gets her back. He won’t stop on chasing them until that thief pays for the price of stealing from him. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD