Kabanata 8

1667 Words
Words I lost count of the time I spent watching the clouds move from the window. Siguro ang huling tingin ko pa sa orasan ay nang umalis si Hendrix kaninang umaga. Umalis nang walang sinasabi, umalis na para bang hindi ako kasama sa kwartong ito.   Wala naman siyang obligasyong sabihin sakin kung saan siya pumupunta o ang magpaalam kapag aalis. Kaya ewan ko ba at bakit nalulungkot ako, hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko nang ganoon. Hindi ko alam kung bakit gusto kong magpaalam siya sakin at sabihin kung saan siya pupunta.   Buong umaga akong nanood sa TV pero hindi pa rin iyon sapat para aliwin ako. Ang kalungkutan ng pag-iisa ay pinigilan din akong makaramdam ng gutom. I only drank the water from the two meals I have missed.   Secretly, deep inside me, I was hoping that they will come here again to eat with me. Siguro ganoon din ang dahilan kung bakit buong hapon ay dito na ako tumambay sa bintana, umaasang pupunta sila ulit. But they didn’t.   I sighed. Nag-inat ako at ang pagkakatali ng strap ng aking damit ay nakalas. Binalik ko iyon sa dating pagkakatali at nang maingat muli ang tingin, may pigura nang nakatayo sa labas, sa harap ng bintana. He is smiling, that kind of smile that always reassures me of the unknown.   Napatayo ako, “Gavin.”   Naglakad ito palapit sa bintana. Kinubli ng kanyang malaking katawan ang liwanag. Mabilis na gumapang sa ilong ko ang kaniyang pabango at agad ko namang pinaalala ang sariling huwag dumikit sa kanya.   Noon ko lang nakitang sa isang kamay nito’y may bitbit siyang itim na suit. Noon lang din napansing may pagkapormal ang kaniyang porma. Nakaslacks, nakalong sleeves na polo na siyang nakabukas pa ang itaas na mga butones.   “Hindi ka na galit sakin?” Natanong ko. Napangisi siya.   “Bakit naman ako magagalit sa’yo?”   “Kasi kagabi… akala ko galit ka sakin kasi hindi mo ako pinansin.” Marahan itong tumawa.   “Does it bother you if I’m angry with you?”   “It bothers me kasi hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka galit. Galit ka ba dahil sa nangyari kahapon?”   Pinakita niya ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin sa muling pagngiti. Pinatong ang palad sa tuktok ng ulo ko at bahagyang ginulo ang aking buhok.   “Hindi ako galit. Wala ka namang ginagawa.”   Sa pagkakataong ito ako na ang napangiti.   “Pumunta rito kahapon sina Luke. Sinabayan nila akong kumain.”   “Mhm. Nakwento rin nila sakin.”   Umihip nang malakas ang hangin, halos sabay kaming napatingin sa kapunuan sa di kalayuan. Mararahas ang pagwagayway ng mga ito, umiingay din ang paghahampasan ng mga dahon. Napansin ko ang pagdilim na ng langit, nagbabantang uulan.   “Nagkita kahapon si papa at Hendrix.” Sabi ko nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa langit. From my peripheral vision, I saw him face me.   “Sinabi niya?”   “Nahulaan ko lang.” Sinulyapan ko siya at tinuro sa isang sulok ng kwarto ang maletang dinala ni Hendrix kagabi, “Ang sabi niya kagabi, nakuha niya raw ‘yan mula kay papa.”   I faced him again and then I looked away, “Kay papa ba pumupunta si Hendrix sa tuwing umaalis siya?”   “Hmmm… who knows? Siguro oo, siguro rin hindi. Sa totoo lang hindi ko alam. Bihira lang kaming mag-usap ni Hendrix at nangyayari lang ‘yon kapag tungkol sa trabaho at…” Ang paghinto niya sa pagsasalita ay kumuha sa atensyon ko.   “...kapag tungkol sa’yo.”   Napaawang ang bibig ko at hindi na naialis pa ang titig sa kanya. Maybe I opened my mouth for too long or too big that he has stared at it for a moment.   “Hindi mo ba talaga naaalala?”   Mas lalo akong naguluhan. Napakunot na ang noo ko dahil hindi ko na maintindihan ang kahulugan ng mga sinasabi niya. May dapat ba akong maalala?   Umiling ito at ngumiti, siya na mismo ang nagsara ng aking bibig. His fingers felt rough on my chin. Mainit din ito.   “Hindi ka nilalamig?” Pag-iiba niya at napasulyap naman ako sa damit ko.   I am wearing a sleeveless dress and honestly, it is cold. Inabot niya ang kaninang hawak na suit but I only stared at it. Hindi ko iyon pwedeng tanggapin, ayaw ko nang maulit yung kahapon.   Nang hindi ko pa rin inaabot ay ito na sana mismo ang magsusuot niyon sa akin. Subalit ang pag-iwas at paglayo ko ay nagpahinto rin sa kanya.   “Salamat Gavin, pero hindi ko pwedeng gamitin ‘yan. Ayokong magalit ulit si Hendrix. Kagaya ng nangyari kahapon.”   Mukhang nakuha niya rin agad ang tinutukoy ko. Binawi niya na ang kanyang suit at mabagal na napatango.   “Pinagalitan ka ba niya dahil pinahiram kita ng jacket ko?” Umiling ako.   “Nagalit siya kasi naamoy niya sakin ang pabango mo.” Saglit itong natahimik sa aking sinabi, tila hindi makapaniwala. Habang tumatagal ay may kumukurban namang ngisi sa labi niya.   At dala siguro ng matinding pagkakagulat kaya hindi na ako nakatanggi nang bigla niya nalang akong hinila papunta sa kanyang dibdib at niyakap. His perfume is even stronger on his shirt and just like Hendrix’s, his chest is as hard as rock. Napakaliit ng pakiramdam ko sa gitna ng mga bisig niya.   “Gavin. Magagalit si Hendrix.” Bulong ko, sapat lang para marinig niya. He chuckled.   “I know. Huwag kang mag-alala, hindi niya naman ako papatayin.”   Nang kinalas niya na ang yakap at muli akong hinarap, may nang-aasar nang ngiti sa labi niya. Inaasar niya ba ako? O si Hendrix?   Nagsimula nang magbagsakan ang malalaking butil ng tubig mula sa kalangitan. Umurong siya papalayo sa bintana, habang nakangiti pa rin ay muli siyang nagsalita, “Itatakas kita bukas. Try to think of a place you wanna go to. I’ll take you there.”   Once again, he left me dumbfounded with his words. Gavin does things that surprises me and of course, he also says things that make me nervous. Balak ko pa sanang tumutol o ang magtanong ngunit mabilis na itong nawala sa aking harapan. Umihip nang malakas ang hangin, pumapasok na ang tubig ulan kaya sinarado ko ang bintana.   At sa aking pagsara, bagaman nakaalis na siya ay napakalakas pa rin ng kabog sa dibdib ko. Seryoso ba siya sa sinabi o nagbibiro? Bumibilis nang bumibilis ang pintig sa loob ng aking dibdib at iyon ay dahil sa kaba. Paano kapag nalaman ni Hendrix? Paano kapag nahuli kami ni Hendrix?   Akmang mag-uumpisa na sana ako sa paglalakad upang magpalit ng damit nang sa ganoon ay hindi niya maamoy ang pabango ni Gavin sakin nang bumukas naman ang pinto. Walang pagkatok na nangangahulugan lamang siya na ang dumating.   Mas lalong nagwala ang aking puso sa kaba. Naudyot ang paghakbang ng binti at hindi na nakagalaw sa kinatatayuan. Pinanood ko kung paano nito hinubad ang basang jacket. Napansin kong basang-basa rin ang kanyang buhok at ang dibdib niya ay bumabakat na dahil sa basa ring t-shirt.   Naglakad ito papunta sa direksyon ko at ganoong pagbilis naman ng karera sa aking puso. Umiwas ako nang salubungin nito ang aking mata. Palihim akong lumalayo sa bintana habang papalapit siya. Nakita kong tumigil ang mga paa niya sa tapat ng isang cabinet sa gilid ng bintana, mas lalo akong lumayo.   Dahan-dahan ko lamang na inangat ang tingin. May hawak na itong twalya at kasalukuyang tinutuyo ang buhok habang nakatanaw sa labas ng bintana.   “Hindi ka kumain buong araw. Don’t you like the food here?”   Dahilan siguro ng paninibago sa biglang pag-iba ng inaasta niya kung kaya’t nagulat ako.      “W-Wala lang akong… gana.”   Tinalikuran niya ako at pumunta naman ngayon sa lagayan niya ng mga damit. Hinubad nito ang damit at mabilis naman akong umiwas. Alam ko namang hindi niya iyon sinasadya, wala lang talaga siyang pakialam kung makita ko man ang katawan niya o hindi. Hindi na ako magtataka dahil parang hangin lang naman talaga ang turing niya sakin kahit pa na magkasama kaming dalawa sa kwartong ito.   “Clementine told me that you don’t like to eat alone.” Napabalik ako ng tingin dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ni papa. Panibagong damit na ang suot niya.   “I am only here to protect you. I’m not your babysitter. Kaya sanayin mo ang sariling kumain nang mag-isa. Hindi ko na responsibilidad ang sabayan ka.”   At tila ba ang salita niya’y isang tinik na bigla na lamang may bumara sa aking lalamunan ng marinig iyon, bigla ring uminit ang aking mga mata. Ngunit nang nilingon niya na ako, pinilit kong ngumiti, tumango pa rin ako nang pilit.   “I don’t do what you want, Athena. You do what I tell you to.”   Saglit pang pagtitig at nagsimula na ito sa paglakad papunta sa pinto. Aalis na naman. Hindi magpapaalam. Na parang walang taong iniiwan dito, walang taong dapat na balikan dito.   “Noong hiningi ni papa na protektahan mo ako, hiningi rin ba niyang tratuhin mo ako nang ganito?”   Agad kong nakagat ang labi dahil sa sinabi. Kahit ako ay hindi inaasahang magagawa kong sabihin iyon. Pero ang paglalakas-loob kong ding iyon ay mas humugot pa ng karagdagang lakas para dagdagan ko ang sinabi.   “I’ve decided to cooperate with you even though you won’t tell me the truth, kahit na hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit ako nandito, kung bakit buong araw akong nagdudusa sa lungkot dito. I’ve decided to trust you too because you have saved me a lot of times. Why can’t you be nicer to me at least?”   Huminto nga ito sa paglalakad pero hindi naman lumingon, “Hindi ba malinaw ang sinabi ko sa’yo? You don’t tell me what to do. I tell you.”   Gavin says things that make me nervous and Hendrix says things that hurt me.   “And when I told you yesterday that I don’t want to smell him from you, I am telling you to stay away from him.” Bahagya siyang lumingon, “Huling beses na ‘tong maaamoy ko pa siya mula sa’yo. Isang beses pa Athena, and I’ll treat you even worse.” At malakas niya nang sinarado ang pinto.   Gavin actually says things that can comfort me and Hendrix only says things that scare me. And that night before falling asleep, before finally ending the noise of my weep, I have decided. No matter what comes and happens after, I will definitely go with Gavin tomorrow. Bahala na, bahala nang mahuli ni Hendrix. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD