Kabanata 9

3136 Words
Son   Crazy minds are the hardest to fight. They are the hardest to understand. They are the wisest and the most dangerous. But they have their own downfalls and weaknesses too. For Vince, maybe Athena is his weakness, and his love for her would be his greatest downfall.   Nakatanggap ito ng malakas na sampal mula sa malaking lalaking nasa harap niya. Ito lamang ang lalaking hindi niya magawang gantihan, saktan o kalabanin. Dahil maliban sa kanyang pagnanasa at nararamdaman para kay Athena, isa rin ang lalaking ito sa nagbibigay rason sa kanya para mabuhay.   “I have finally got a position in the senate and you are ruining it! Para sa isang babae?! Makikipagbanggaan ka sa walang kwenta mong kapatid para sa isang babae?! We are in a critical situation now! We can’t afford to get involved in another issue anymore! Huwag mo nang dagdagan, Vince! Tigilan mo na ang kahibangan mo at hayaan sila! Focus on our goal, son. Clementine Salvoza is our only target.”   Ang tila tigre sa intensidad na mga mata ng lalaki ay nagpatuon ng buong atensyon ni Vince sa kanya. He stared as if he was looking at his very own eyes. These eyes of the man mirrored his. Parehong galit ang laman nito, parehong pagkamuhi at kagustuhang pumatay. Ah! These eyes are really of his kind, syempre ama niya ito kaya natural lang na magkapareho sila.   Kumurba ang isang ngisi sa labi niya. Ngising nagsasabing mali ang sinabi ng ama niya. Hindi iyon isang kahibangan. Hindi kahibangan ang habulin si Athena sa kahit na saang sulok pa ng mundo. Dahil maliban sa ito ang babaeng mahal niya at hindi kayang mawala, anak ito ni Clementine Salvoza.   “It’s not foolishness, dad. Foolishness is when you let a prey get loose when there is another predator waiting. Athena Salvoza. That’s her name, dad.” Nanlaki ang mga mata ng ama niya at ganoong paglapad naman ng kaniyang ngisi, “And she is the daughter of our very own target.”   Ang ama niyang nasa kalagitnaan pa rin ng pagkakagulat ay hindi agad nakaimik. Tinapik nito ang balikat ng ginoo at tumungo sa malaking mesa na nasa likuran niya. He traced the edges of the expensive table with his finger. Napakalinis, mamahalin, marangal.   At nahagip niya ang nameplate na nakapatong doon. Isang kahanga-hangang pangalan. As he traced the letters of the name written on it, he read it out loud, “Senator Alejandro De Varga.”   Tumawa ito, “I will protect this name, dad. We will protect this name together.”   At sa paglingon niyang muli sa ama, may ngisi na rin ito sa labi. Tila nababasa na ang plano ng kanyang anak. Kahit wala pa mang sinasabi ay tila alam niya na ang gusto nitong gawin.   “Make me proud, son.” He said.   ~*~   Ilang minuto lang pagkatapos umalis ni Hendrix ay naghanda na ako. I slipped into my puff sleeved crop top and a mini skirt. Hindi ko alam kung anong oras dadating si Gavin o talaga bang dadating siya. Pero kahit anong oras pa siya lumitaw sa bintana para sunduin ako, sasama pa rin ako.   Naglagay muna ako ng pabango at ng konting lipgloss bago tumungo sa kama at doon naghintay. The weather is nice today, tamang-tama para sa pamamasyal.   There isn’t even a bit of anxiousness in me. Kalmado lamang akong nakaupo sa kama paharap ng bintana habang naghihintay. Last night, I have made up my mind. Kaya bakit pa ako kakabahan? Bakit pa ako mag-aalala sa magiging kakahinatnan namin kapag nahuli? Right now, all I have in mind is to go out, to make Hendrix mad and to push him to treat me even worse. Wala na akong pakialam.   At ang hinihintay ko ay nagpakita na rin sa wakas. Ang nakangiti niyang pagkatok sa bintana ay nagpatayo sakin. Bigla akong nasabik sa hindi malamang dahilan. As I was just about inches away from reaching the window, Gavin smile suddenly faded. Napatingin ito sa likuran ko, umurong at nagtago sa gilid ng pader. He was gone that quick.   Napalingon ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Doon lamang ako binalot ng takot at kaba. Upon seeing Hendrix’s huge built and meeting his terrifying gaze, bigla akong nahimasmasan. Binawi ko ang kamay mula sa bintana, dahan-dahang hinarap siya.   Sinulyapan nito ang tray ng pagkain sa bedside table at nagdugtong agad ang kilay niya nang makitang hindi na naman ito nagalaw at tanging ang tubig lamang ang naubos. At nang ibalik niya sakin ang atensyon ay sinipat niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mas lalong naging iritado ang kaniyang mukha.   I tried hard not to look nervous when he started walking to my direction. Bakit siya nandito? Bakit siya bumalik?   “Masyado ka yatang bihis na bihis para sa isang taong hindi naman umaalis ng bahay.”   Tumigil ito sa harapan ko. Napakalapit. Dahil sa tangkad niya ay ang kaniyang dibdib ang kapantay ng paningin ko. Agad na kumalat sa hangin ang pabango niya. It felt like I was being bewitched by his perfume. Parang biglang nawawala ang inipon kong galit sa kanya mula kagabi.   Nasa labas pa ba si Gavin? Nakikita niya ba kami? I want to know. Ngunit isang paggalaw lang siguro ng ulo ko, pakiramdam ko ay may gagawin na siya.   Dinala niya ang kanyang kamay sa aking mukha. Mabigat akong napalunok nang maramdaman ang gaspang ng kaniyang palad. Sa laki nito ay tila makakaya niya akong sakalin gamit lamang iisang kamay. But despite the rough texture of his palm, he is very gentle and careful when he touches me. Binalot ang apat na mga daliri sa aking leeg at hinimas ang hinlalaki sa gilid ng aking labi.   “You don’t need this.” Anas niya at kasabay niyon ay ang pagdampi ng hinlalaki niya sa aking labi. Binubura ang nakalagay doon, nililinis na tila ba isang dumi ang lipgloss doon.   Humawak ako sa kamay niya para sana alisin ito ngunit humigpit lang ang kaniyang kapit. Finally, I met his eyes. And they are intrigue. Parang naghihinala.   “Makikipagkita ka na naman ba sa kaniya?”   Hindi ko alam kung ano ang pinaghuhugutan niya ng galit kay Gavin. Ang mas lalong paghigpit ng hawak niya ang nagpapatunay ng bigla na namang pagsiklab ng galit na iyon. And if I tell him the truth now, para na ring sinangla ko si Gavin sa kaniya. Ayokong may gawin siya sa kaniya.   Kinagat ko muna ang labi bago sumagot, “Hindi.” His eyes fell on my lips again.   Sandaling napatitig dito bago sinambit ang katagang, “Liar.” At binitawan na ako at tinalikuran.   Siguro dahil sa pagtataka at gulat sa sinabi niya kaya hindi ko na nagawang tingnan kung naroroon pa nga ba si Gavin. I just followed his steps. Tumigil lang ako nang tumigil din siya.   “Magpalit ka, aalis tayo.” Wika niya at nagpatuloy ulit.   “Saan tayo pupunta?” He didn’t answer and only continued going to the door.   At hindi rin ako nagpatinag. Kung hindi niya ako bibigyan ng sagot, hindi ko susundin ang sinabi niya. Nagpatuloy ako sa pagsunod sa likod niya hanggang sa pareho na kaming nakalabas. At nang mapansin ako sa likuran niya, tinapunan niya ako ng matalim na tingin. Pinantayan ko ito.   “Don’t make me repeat myself, Athena.”   Mapanghamon ko siyang tiningnan, tinaas pa ng kaunti ang aking baba para magmukhang matapang at noong parang hindi ko talaga magawang lamangan ang talim ng titig niya ay pinaikutan ko na lamang siya ng mata.   At akmang uunahan na lang sana siya sa paglalakad nang hawakan nito ang kamay ko. Magaspang, mainit, at mahigpit. Binalingan ko siya ulit ng tingin. Among all hands that have held me before, his was the most different. He hates me for all that I am, that’s what I think. Ang dahas ng bibig niya sa pagsasalita, ang talim ng mata niya kapag sakin nakatingin, ang lamig ng pakikitungo na palagi niyang pinaparamdam sakin, lahat iyon ay bigla nalang nag-iiba at naglalaho sa isipan ko sa tuwing hinahawakan niya na ang aking kamay.   Habang hinihila ako palakad ay napansin ko ang pagkawala ng tao sa buong bahay. Ang ingay ng aming mga sapatos lamang ang dinig. Nang makalabas kami ay hindi magkanda-abot-abot ang aking saya at sabi, pakiramdam ko ay isang taon na ang lumipas noong huli akong nakalabas. The breeze was cold and clean, the sky is blue, and greens surrounded us.   Kung hindi ko lamang nakita ang dami ng mga lalaking nakatingin sa aming paglabas ay baka napangisi pa ako sa saya. Bahagya akong napaurong papunta sa likod ni Hendrix upang magtago. Kaya pala walang tao sa loob dahil nandito silang lahat.   This is Hendrix’s private army. Napakarami. Nakakatakot. The stares they are giving me were enough to make my hands cold. Lahat sila malalaki ang katawan, lahat sila ay halatang may tinatagong baril sa loob ng damit. How did Hendrix manage to tame all of them? Kahit ang tingin palang nga ng isa sa kanila ay pinanghihinaan na ako ng tuhod, paano pa kaya siya na pinapamunuan ang ganitong karaming tao?   “This is why I told you to change, Athena. You really don’t know how to listen.”   At pagkatapos ng sinabi niyang iyon ay binitawan niya na ang aking kamay para hapitin naman ako sa bewang. Nagwala ang mga paru-paro sa aking tyan nang dumampi ang kamay niya sa aking balat doon. Hinila niya pababa ang aking damit, pinipilit na matabunan ang balat kong lumalabas sa parteng tyan.   “Hindi ko naman kasi alam.”   The tension in my chest only subsided when I finally got into his car. Muli pa akong napatingin sa mga lalaking nakapaligid sa buong kalupaan. Nakakatakot. I stayed in that room alone without knowing that I am being surrounded by these men.   Nakakatakot, oo. Pero may isang ngiti pa ring tumakas sa labi ko. Nakakatakot nga sila pero pinrotektahan nila ako. Kahit na nakakatakot ang simpleng pagtingin pa lamang sa kanila, nakakataba pa rin ng puso ang makitang ganito karami ang pumoprotekta sakin.   Nahagip ng mata ko ang lalaking nakatayo sa mismong gilid ng bahay. Nakatingin ito sakin na tila ba nakikita ako sa loob ng sasakyan. Napawi ang ngiti ko nang makilala kung sino iyon. Hindi ko na siya nabalikan sa bintana. Tuluyan nang nakalimutan kung para saan nga pala talaga ang paghahanda ko nitong umaga.   Mabilis kong iniwas ang tingin sa direksyon niya nang pumasok na si Hendrix, at wala naman itong sinayang na segundo, mabilis na kaming nakaalis sa lugar na iyon.   There were two cars following us. Nang makarating naman sa main road, isa pang sasakyan ang naghihintay doon na siyang sinundan namin. They are very cautious. Ganoon ba kaseryoso ang nangyayari at napakahigpit ng seguridad? Bakit kailangang umabot sa ganito ang paglabas lang namin kung si Vince lang naman ang dahilan?   Tumingin ako kay Hendrix, diretso lamang ang tingin nito sa kalsada. The car looked small because of him. Kung maluwag pa ang inuupuan ko para sakin, sa kanya nama’y mukhang hindi niya na magalaw ang mga binti.   “Saan tayo pupunta?”   As usual, parang pinalusot niya lang sa kabilang tenga ang sinabi ko.   “Kamusta si papa? Hindi ko ba siya pwedeng makausap? Sina mama at ate, alam mo rin ba kung nasaan sila?”   Hindi na naman ito sumagot. Nabatid kong isang bukid ang kinaroroonan namin dahil sa daang kasalukuyan naming tinatahak. Paikot ito, maya’t mayang lumiliko at kapag sisilip sa labas ng bintana, tanaw na ang mga kabahayan sa ibaba, ang mga kapunuan, ang bayan sa malayo, at ang mga sasakyang pabalik-balik sa kalsada.   Sa sumunod na pagliko ng sasakyan, nawalan na ako ng balanse sa kinauupuan dahil hindi ko rin naisuot ang seatbelt. Kamuntik na akong masubsob sa dashboard, ngunit mas mabilis ang pagharang ni Hendrix ng kanyang braso para pigilan iyong mangyari.   “Seatbelt, Athena.” He said.   Kakausapin niya lang ba talaga ako kung kailan niya gusto? Palagi niya nalang akong pinagmumukhang nanglilimos ng atensyon sa kaniya. Sinimangutan ko lang ito at nakahalukipkip na umayos ng pagkakaupo. Hindi siya sinunod.   Dinig ko ang pagbuntong hininga niyang nagpapaalam ng papalapit na pagkaubos ng pasensiya. Tinigil niya ang sasakyan, nakita ko rin ang paghinto ng mga sasakyan sa aming harapan at likuran. Nang lingunin ko siya ay sumalubong sakin ang papalapit niyang mukha. Kung hindi ako nakaurong agad ay siguradong magkakasalubungan kami, at iyon na siguro ang pinakahuling bagay na gugustuhin kong mangyari.   Hinila niya ang seatbelt at siya mismo ang naglagay nito sakin. Pero noong saktong kakabalik niya pa lamang sa upuan ay muli ko itong hinubad. Tiningnan niya na naman ako ng masama at walang pag-aalinlangan ko naman itong inirapan.   Sa muli niyang paglagay ng seatbelt sakin ay hinayaan ko siya at tinanggal lamang itong muli nang nakabalik na siya sa pagkakaupo. Again, he attacked me with his piercing look and just again, I did the same.   Akala ko ay susuko na ito subalit muli niya na naman itong hinila. Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay hindi niya na inalis ang pagkakahawak sa lock ng seatbelt. Buong lakas ko ring hinihila ito para kalasin ngunit masyado siyang malakas para maisahan ko. And when I finally decided to give up, glaring was all I was able to do.   “Nakakainis ka, Hendrix.” Sabi ko at nang marinig niya iyon tila may lumitaw na multo ng ngiti sa kanyang labi.   ~*~   It didn’t take us long until we reached our destination. Binitawan lamang ni Hendrix ang seatbelt nang huminto na ang sasakyan. Madalian ko namang kinalas iyon at tinalikuran siya ng upo para sa labas na lamang ituon ang tingin.   And it didn’t take long too until I realized where we are. Mula sa highway na kasalukuyang kinaroroonan namin ay tanaw ang two-storey na bahay sa gilid ng dagat. The white exterior of the house matched the gray sands of the shore.   Balak ko pa sanang lingunin si Hendrix para magtanong ngunit hindi ko na nagawa dahil nakaikot na ito papunta sa gilid ko para pagbuksan ako ng pinto. And when I came out of the car, the damp and somehow salty smell of the sea hugged me. Ah… I missed this!   Series of events that I remember from the past rushed into my mind. Tila nakikita ko ang batang bersyon ng sarili kong tumatakbo sa gilid ng dagat, naglalaro sa buhangin, naliligo sa tubig. Ang hirap pigilan ng sariling mapangiti dahil doon. Ngunit agad din naman itong naglaho. Ang hirap din kasing magdiwang ngayon dahil sa pangambang baka kahit anong oras ay may dumating para sirain ang pagkakataong ito. Ang hirap magdiwang gayong wala namang kasiguraduhan kung matatapos ding masaya ang pagpunta ko rito.   “Nandoon ba si papa?” I asked that he just once again ignored.   Parang ginapos ang puso ko sa paniniwalang tama ako. Kinakabahan akong nasasabik. I’ll finally get the answers that I’ve been looking for. Pero bakit parang kabado ako? Minsan talaga nakakatakot ang katotohanan. Minsan talaga mas mabuti nalang na huwag na nating malaman.   I failed to notice sooner that I have already held Hendrix by his shirt. Parang batang takot mawala. But anyway he just let me. Nauuna siyang maglakad habang ako nama’y nakasunod sa likuran niya, hila-hila ang laylayan ng kaniyang damit.   Mula sa malayo, habang papalapit ay tanaw ko ang mga lalaking nakaitim na tuxedo na nakapaligid sa bahay. They are all on guard, nagmamatyag sa paligid, alerto sa kahit anong kilos na makita. Kaya nang nakalapit kami ay nakuha agad namin ang kanilang atensyon.   But we just walked past them. When they saw Hendrix they didn’t do anything but to only look and let us in. Wala pa rin talagang pinagbago ang lugar, napakaganda pa rin nito. Mula pa noon, walang kupas pa rin ang ganda nito.   White stones shaped the pavement going into the entrance of the house. Napahigpit ang kapit ko sa damit ni Hendrix. Habang papalapit nang papalapit ay siya naming pag-indayog ng aking puso. Nang makapasok ay agad na sinalubong ng mabangong amoy ng pamilyar na pagkain. By just the mere smell of it almost brought me to tears. I missed it so much.   The interior of the house hasn’t change even a bit. There are frames at the every corner of the house. Frames that I have already forgotten where and when were taken. It has been long since the last time I’ve been here. Ngunit kabisado ko pa rin ang pasikot-sikot sa bahay na ito. This is ours afterall. Kaya nga siguradong-sigurado akong makikita ko si papa rito.   Dinala ako ni Hendrix paakyat sa ikalawang palapag. The place that I have known to be closest to heaven when I was a child. The whole floor is surrounded by glass windows. The ocean view is everything that I see. Blue waters, blue skies. Tumungo kami sa balkonahe at magiliw na binati ng hangin.   And then I saw a man standing beside the round table. He is smiling as we are coming closer, as if he has been waiting for so long. Mabilis akong bumitaw kay Hendrix para tumakbo palapit sa kanya at agad na niyakap ito.   “Papa.” I cried.   “Yes, honey. I’m here.”   Hinarap ko ito para tingnan ang kaniyang mukha. Malalalim ang mata, nangingitim, halatang pagod na pagod. Hindi ba siya nakakapagpahinga? Hindi ba siya nakakatulog nang maayos? Nagpaunahan ang mga luha ko dahil sa naisip. Siguro mas matindi ang kalungkutan niya rito, siguro mas malaki ang takot niyang dinadala araw-araw. Siguro walang oras na hindi niya sinisisi ang sarili dahil sa nangyayari sa amin.   “Hendrix told me that you’re not eating that’s why I asked him to bring you here. Patawarin mo ako anak, because of me you have to go through this all.”   Kailanman hindi ko naman sinisi si papa kung bakit nangyayari sakin ito. Kailanman hindi naman ako nagalit dahil sa trabaho niya. It is his duty to help people claim justice afterall. And it is also his duty as a husband and a father to protect his family. Kaya hindi ko magawang magalit sa kanya sa pagpapaubaya sakin kay Hendrix.   Kinagat ko ang ibabang labi at umiling, “I’m fine, Pa. Ayos lang ako roon.”   Napangiti siya at bahagyang pinisil ang magkabilang pisngi ko, “You really can’t lie, Athena. Hanggang ngayon kinakagat mo pa rin ang labi mo kapag hindi ka nagsasabi ng totoo.”   Natigilan ako sa sinabi niya at napaisip. Did he tell Hendrix about this habit of mine? Kaya ba alam ni Hendrix na nagsisinungaling ako kanina?   “Patawarin mo ang papa, anak. Dahil sakin nahihirapan ka, dahil sa trabaho ko kailangan mong magtago at hindi mo na nagagawa ang mga gusto mong gawin.   Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi upang masinsinang harapin si Papa.   “Kayo po ba talaga ang nagpadukot sakin, Pa? Pinadukot niyo po ba talaga ako kay Hendrix para protektahan niya ako?”   Naglaho rin ang kaninang lungkot na dala ng kanyang mga salita. He looked at me with a straight face. At pagkatapos ay tila nagtatakang napabaling kay Hendrix.   “Hindi mo ba sinabi sa kanya?” Tanong niya kay Hendrix.   Agad na napakunot ang noo ko. Bumaling din ako kay Hendrix at iniwas lang nito ang tingin sakin.   “Ang alin, Pa?”   “Vince is Senator De Varga’s son.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD