Past Before I knew it, we are already inside his car. Sa matinding pagkakagulat sa sinabi niya, sa pagkagulumihan, sa alon ng mga katanungan sa isip ko, hindi ko na nagawang makaalma nang hilahin ako nito palayo na roon sa gazebo. I’ve only noticed it then that the others were really gone when I found the garage empty. Hindi na rin ako nakapagtanong kung nasaan sila, kung bakit naiwan kaming dalawa roon, kung bakit kami nasa sasakyan niya na, kung bakit umaandar na ang makina nito, kung bakit papalayo nang papalayo na kami sa bahay, dahil tila ba tumigil na sa paggana ang aking sistema dulot ng sinabi niya. Dahan-dahan kong dinala ang tingin sa kaniya. Umiigting ang ugat nito sa braso habang nagmamaneho, pawang doon binubunton ang galit na hindi ko alam kung para saan o kanino