Kabanata 93

2731 Words

Maingay na pagbagsak ng tubig-ulan sa bubong ng sasakyan. Mabilis na paggalaw ng wiper upang palinawin ang windshield. Mga nakatigil na sasakyan sa paligid namin. Panlalamig ng mga kamay at bahagyang panginginig ng kalamnan. Doon ko tinuon lahat ng atensyon ko magmula pa kanina. Ang sabi niya’y pupunta raw sina Mama sa opisina ni Papa para dalhan ito ng tinake-out nilang pagkain. Sinamahan sila ni Gavin upang may magmaneho para sa kanila. Balak ko rin sanang sumunod doon dahil ayokong maiwang kasama si Hendrix nang kaming dalawa lang ngunit ang galing nga namang mag-timing ng ulan at ngayon pa talaga nito naisipang bumuhos. Magmula nang makalabas kami ng restawrant ay ang pagtango lamang sa sinabi niya ang nagawa ko. Hanggang ngayong naipit kami sa traffic dahil sa sobrang lakas ng ula

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD