CHAPTER 19

1602 Words
Pagkatapos naming mag-almusal ni Mazer ay lumabas naman kami para mamasyal. Sinulit namin ang bawat oras na magkasama kaming dalawa. Niyaya ko siya sa Louvre Museum kung saan matatagpuan ang portrait ni Monalisa. Matagal ko ng gustong pumunta roon at ito na nga ang pagkakataon at kasama ko pa si Mazer ngayon. Maya’t-maya naman ang kuha namin ng mga larawan at aminado akong nag-eenjoy ako na kasama siya. “You want to rest?” tanong niya sa ‘kin habang naglalakad kami palabas ng Museum. “Mamaya na lang. Punta pa tayo sa iba” “Where do you want to go next?” saglit akong nag-isip at saka siya muling binalingan. “I want to go to Eiffel Tower” “Sure sweety, your wish is my command.” Hinawakan niya ang aking kamay at nagtungo naman sa Eiffel Tower. Ilang oras din ang binyahe namin at nakarating din kami. “Come here my heart let’s take a picture together.” Ako ang naghawak ng cellphone ko at nakangiti naman akong nakatingin sa camera at siya nama’y humalik sa aking pisngi. Habang naglalakad kami para humanap naman ng makakainan ay tinitignan ko naman ang mga pictures namin sa aking cellphone. Nakangiti ko itong tinitignan at hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. Napahinto ako na ikinataka naman ni Mazer at napansin niya ang aking paghikbi kaya bigla siyang nataranta at iniupo ako sa isang tabi. “Hey sweety what happened? Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang umuwi na tayo?” tumingin naman ako sa kan’ya at panay pa rin ang agos ng aking mga luha. Pinunasan naman niya ito at hinawakan ang isang kamay niya. “Please don’t let go of my hand my heart. Huwag mo na ulit akong iiwan kasi hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka pa sa ‘kin. “Sweety I will never ever leave you, I promise. Saka huwag ka nang umiyak ayokong nakikita kang umiiyak eh, kita mo pumapangit ka na,” biro niya sa ‘kin na ikinangiti ko naman. “I believe you Mazer. Naniniwala ako sa pagmamahal mo.” Pagkasabi kong iyon ay niyakap naman niya ako at hinalikan ang tuktok ng aking ulo. Hindi ko alam ang magiging takbo ng buhay ko kung sakaling mawala ulit si Mazer. Sa kaniya lang umiikot ang mundo ko at siya lang din ang mamahalin ko habang nabubuhay ako. Pagkatapos naming mamasyal ay dumeretso na kami sa penthouse. Dumaan muna kami sa grocery upang bumili ng ilang stock ng pagkain. Si Mazer na ang nag-ayos sa kusina ng aming mga pinamili at ako nama’y nagtungo na muna sa banyo upang maligo. Nang matapos na akong maligo ay nagtungo ako sa aking walk-in closet at naghalungkat ng aking susuotin. Napansin ko naman ang maleta ni Mazer na nasa loob ng aking cabinet at kaagad ko itong binuksan. Kinuha ko ang mga damit niya roon at nilagay na mismo sa aking cabinet katabi ng aking mga damit. Napangiti naman ako dahil pakiramdam ko ay para na kaming isang tunay na mag-asawa. Imbes na damit ko ang isuot ko ay damit niya na lang ang isinuot ko at medyo mahaba rin naman ito sa akin. Kaagad naman akong lumabas ng aking silid at pinuntahan na si Mazer sa kusina. Nakita ko siyang nagluluto na at seryoso ang mukha. Kung ganito ba naman kaguwapo at katikas ang pangangatawan ng magiging asawa ko hindi ako magsasawang tikman siya araw-araw. Napakagat labi na lang ako sa aking mga naiisip dahil sa kahalayan ko. “Why so pogi ba my heart? Kung hindi lang masakit itong Dyesebel ko baka ngayon pa lang hilayin na kita papunta sa kuwarto,” mahinang wika ko sa aking sarili. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Inamoy-amoy ko pa siya dahil gustong-gusto ko talaga lagi ang amoy niya. Kahit nga amoy pawis siya ay sobrang bango pa rin niya. “You always like doing that huh,” humarap siya sa akin at hinalikan ako sa aking mga labi. “Because I miss your scent” “And you like wearing my shirt” “Of course. Tulad ng pagka-gusto ko sa’yo. I’m addicted to you my heart. Raaaawr!” Pareho naman kaming natawa dahil sa tinuran kong iyon. “Oo nga pala sweety let’s call Nana Lumen I’m sure she’s very happy kapag nalaman niya na nagkabalikan na tayo” “Oh sure! Miss ko na rin si Nana Lumen.” Sinimulan na niyang tawagan si Nana Lumen at sumandal naman ako sa sink at siya nama’y nakapulupot ang braso sa aking bewang. Binigay niya sa ‘kin ang cellphone niya at maya-maya ay sinagot na rin niya ang tawag. “Hello?” “Hi Nana Lumen, it’s me Kristine!” masayang bati ko sa kaniya. “Hija! Kumusta ka na? kayo na ba ulit ni Mazer?” “Yes po Nana Lumen” “Ay mabuti naman hija. Natutuwa akong nagkabalikan na kayong dalawa.” Halata naman kay Nana Lumen ang galak nang malaman niya na nagkaayos na kami ni Mazer. Napansin ko naman sa boses na parang hinihingal si Nana Lumen at pinipilit lang niyang makapagsalita. “Nana Lumen are you okay? May nararamdaman ka po ba?” napatingin naman sa akin si Mazer na tila nagtataka. “Okay lang ako hija huwag mo akong intindihin para kang si Mazer at Macelyn kung mag-alala eh” “Nana Lumen natural lang po mag-alala kami sa inyo para ka na kasi naming ina eh. You also treat me like your own” “Salamat sa pag-aalala niyo hija. Sana mabigyan niyo na ako ni Mazer ng apo,” bigla namang sumilay ang ngiti ko sa mga labi pagkasabi noon ni Nana Lumen. “Soon po Nana Lumen. You take care po ha? At huwag kayong mag-alala soon po pupunta ako diyan sa Pilipinas para matikman ulit ang masarap niyong kaldereta” “Sige hija hihintayin kita ha?” pagkatapos naming mag-usap ay ibinalik ko na kay Mazer ang cellphone niya. “What did she say? Is she okay?” may pag-aalalang wika niya sa akin. “I think my heart meron siyang dinaramdam base sa boses niya eh” “I’ll call Marco right away,” tinawagan naman niya si Marco at niloud speak naman niya ito dahil nagluluto siya ng pagkain namin. “Yes Mazer?” “Can you please go to my house and have a look at Nana Lumen?” “Why? Is there any problem?” bumuntong hininga muna si Mazer at saka muling nagsalita. “I think Nana Lumen is sick. Hindi pa ba siya pumupunta sa inyo o kaya hindi niyo pa siya pinupuntahan sa bahay?” “Nandito siya noong nakaraang araw dinalaw niya ‘yong mga bata. She’s fine naman noong nandito siya. pero sige pupuntahan namin siya ni Macelyn bukas na bukas din” “Thanks Marco.” Pagkatapos niyang makipag-usap ay napansin ko ang paglungkot ng kaniyang mukha. Alam kong nag-aalala siya kay Nana Lumen at mahal na mahal niya ito dahil si Nana Lumen na rin ang nagsilbing magulang nila ni Macelyn noong mamatay ang mga magulang nila. “You’re worried my heart?” “Yes sweety. Noong umalis kasi ako pansin ko na hindi na maganda ang pakiramdam ni Nana Lumen eh” “You want to go back?” nalungkot siya noong sabihin ko sa kan’ya ‘yon. “Don’t worry Mazer okay lang ako rito saka nag-aalala rin ako sa kalagayan ni Nana Lumen. She needs you my heart.” Tumango siya at niyakap na lang ako. Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay napagpasyahan naman naming manuod ng movie dahil bukas ay back to reality na naman kami. Naka-salampak kami sa sahig at siya ay nakayakap sa aking likuran. Habang tutok naman ako sa panunuod at panay naman ang halik niya sa aking leeg at balikat. ‘My heart naman, hindi ka naman nanunuod eh,” bulong ko sa kan’ya. “Ang sarap mo kasing papakin,” wika niya habang patuloy pa rin ang paghalik niya sa aking leeg. “My heart masakit pa, pakiramdam ko magang-maga ‘yong Dyesebel ko eh,” tumigil naman siya sa paghalik sa akin at tinitigan ako. “Anong Dyesebel?” “Iyong kabibe ko!” inirapan ko siya at narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. “Okay ipapahinga muna natin ng isang araw ‘yan” “What?!” sigaw ko sa kaniya. “Just kidding sweety, napaka-highblood mo naman.” Muli naman niya akong niyakap mula sa aking likuran. “Uuwi muna ako sa Pilipinas next week sweety.” Napahinto naman ako sa pagsubo ng popcorn at umikot ako paharap sa kaniya. “Just go my heart, Nana lumen needs you at kailangan ka rin ng kumpanya mo” “Mahihintay mo naman ako ‘di ba?” “Of course I’ll wait for you” “I’m worried sweety” “Saan naman?” “Sa kumag na ‘yon kapag iniwan kita rito.” Napa-ikot naman ang aking mata dahil sa idinahilan niya sa akin. “You trust me right?” “Of course I do! Sa kumag na ‘yon wala akong tiwala.” Natawa naman ako dahil sa itsura niyang nakabusangot. “I love you so much Mazer.” Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at marahang hinaplos ito. “I love you too sweety. Just wait for me here okay?” tumango lang ako at hinalikan niya ako sa aking mga labi. Hindi kita hihintayin Mazer. Ako ang hintayin mo sa Pilipinas, sabi ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD