CHAPTER 20

2064 Words
Sabay kaming pumunta ng opisina ni Mazer dahil ito na ang huling araw na makakasama ko siya. Bukas ay babalik na muna siya ng Pilipinas dahil nag-aalala siya kay Nana Lumen at para rin asikasuhin ang kumpanya niya na naiwan doon. Naglalakad kami papunta sa aking opisina ng makasalubong ko si Leslie na tumatakbo papunta sa amin. Napahinto kami ni Mazer at taka namin siyang tinignan. “Oh Leslie anong nangyari?” wika ko sa kan’ya nang makalapit na siya sa amin. “Buti naman at dumating ka na. Si Cezil kanina pa nagwawala sa photoshoot niya” “Ano na naman ba ang problema ng babaeng ‘yan?” “Ayaw niyang isuot ‘yong mga damit na nakatoka sa kan’ya at nakikipag-away pa sa mga stylist.” Mariin akong pumikit dahil sa inis at malakas na bumuga sa hangin. Nakaka-isang hakbang pa lang ako para pumunta sa studio nang hawakan akong bigla ni Mazer sa aking braso kaya napatingin ako sa kan’ya. “Easyhan mo lang sweety baka ikaw pa ang mapasama” “I know Mazer, just wait for me in my office okay?” tumango lang siya at hinalikan ako ng mabilis sa aking mga labi. Mabilis naman kaming nagtungo ni Leslie kung saan naman ginaganap ang photoshoot. Pagkapasok namin sa loob ay kalat-kalat ang mga gamit at lalo na ang mga damit na imomodel sana ni Cezil. Napataas ang kilay kong napatingin sa kan’ya at kita ko ang galit sa kaniyang mukha at pansin ko pa ang pamumula nito. Lumapit ako sa kan’ya at hinarap siyang nakahalukipkip. “Are you done?” sarkastiko kong wika sa kan’ya. Masama naman niya akong tinitigan at nagpunta naman siya sa couch at naupo. “Laisse-nous tranquille,” (“leave us alone”) wika ko sa mga tao na nandito sa studio. Hinintay ko muna silang makalabas bago ko muling binalingan si Cezil. Kinuha ko ang isang bangko at umupo sa kaniyang harapan. “Anong drama ‘to ha Cezil?” inis kong saad sa kan’ya. Nginisian lang niya ako at sumandal sa couch. “I just don’t like what they want me to wear” “E ‘di sana hindi mo tinanggap ‘yong offer dito gaga ka rin eh!” “What?!” “Ang sabi ko gaga ka!” “How dare you talking to me like that!” “Hindi ka magwawala ng gano’n kung wala kang mabigat na problema Cezil” “Hindi mo ako kilala” “I know. Pero babae ako Cezil” “Koneksyon?” “Now tell me. Gusto mo bang magtrabaho pa kasama ko o ako na lang mismo ang papalit sa’yo? Alam kong nakapirma ka na ng kontrata pero kung gan’yan ka naman mas maigi pang ipull-out ka na lang namin.” Mataman niya akong tinitigan at maya-maya ay pansin ko na medyo nangingilid ang kaniyang mga luha. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng awa sa kan’ya. Matagal na kaming magkakumpetensiya at ni minsan ay hindi kami nagusap na ganito. Gusto ko siyang damayan sa kung ano mang problema niya pero hindi ko alam kung papaano. “Mazer rejected me.” Natigilan naman ako at hindi alam kung ano ang sasabihin ko sa kan’ya. Nakatingin naman sa ibang direksyon si Cezil nang sinabi niya ‘yon. “Hindi ko alam kung anong meron ka na wala ako at kung bakit ikaw pa rin Kristine! iniwan mo siya ‘di ba at mas pinili mong magtrabaho rito?! Pero bakit? Bakit hindi niya pa rin ako magawang magustuhan?!” umiiyak niyang turan sa akin. Sadyang nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya at kung paano naman siya pakakalmahin. “C-cezil, hindi porke gusto mo siya o kaya’y mahal mo siya dapat ganoon din ang nararamdaman niya para sa’yo. May mga bagay talaga na hindi para sa atin at nakalaan na siya sa iba” “At sa’yo siya nakalaan ganoon ba?” “Iyon ang hinihiling ko na sana nga akin na siya habang buhay.” Umiwas siya sa akin ng tingin at pinunasan ang kaniyang mga luha. “Pinuntahan niya ako sa hotel.” Gulat akong napatingin sa kaniya at para bang may lalabas na usok sa aking ilong dahil sa galit. Bakit niya pinuntahan si Cezil sa hotel? “Pumunta siya sa akin para lang sabihin ang mga bagay na ‘yon. Na kesyo hindi ka niya kayang ipagpalit kahit kanino man, ikaw lang daw ang tanging babaeng makakapagpasaya sa kan’ya at wala ng iba pa! alam mo ba kung gaano kasakit ‘yon ha Kristine? Pilit akong nagmamakaawa sa kaniya na ako na lang ang mahalin niya. Pero iyong puso niya raw ay nakalaan lang sa’yo,” garalgal niyang wika sa akin. Wala pa rin akong imik at nakikinig lang sa mga binibitawan niyang salita. Ramdam ko naman ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil minsan na ring nangyari sa akin ang nangyayari sa kaniya ngayon, ang magmahal ng taong hindi ka naman mahal. Pero ngayon ipinaparamdam sa akin ni Mazer kung gaano ako kahalaga sa kan’ya at paano mahalin. Huminga muna siya ng malalim at saka tumayo. Nanatili naman akong nakayuko. “You won.” Doon lang ako napatingala sa kaniya at tinitigan siya. "Ilang beses ko na siyang nagawang akitin kahit noong kayo pa pero hindi siya nalilibugan pagdating sa ibang babae. Imbes na two weeks akong magtatrabaho sa’yo, I’ll make it three days only humanap na lang kayo ng ipapalit sa akin at babayaran ko kung ano ang nakalagay sa kontrata.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay tinalikuran na niya ako at bago pa siya makalabas ng studio ay nagsalita naman ako na ikinahinto niya. “Thank you,” tumayo naman ako sa aking kinauupuan at hinarap siya. Nakatalikod siya at hawak niya ang seradura ng pinto. Wala akong narinig na tugon niya at lumabas na siya ng tuluyan. Marami akong inasikaso ngayong araw na ito at sunod-sunod naman ang aking meeting na dinalohan ngayon. Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Cezil ay bigla namang tumawag si Leslie at mayroon daw kaming appointment na pupuntahan kaya kaagad na rin kaming umalis. Hindi ko naman namalayan ang oras at alas singko na pala ng hapon. Habang naglalakad naman kami ni Leslie patungo sa aking building ay napahinto akong bigla at napatapik sa aking noo. “Oh bakit?” takang tanong ni Leslie. “Si Mazer baka galit na ‘yon hindi kasi ako nakapagpaalam sa kan’ya eh. Tapos hindi man lang ako nakatawag sa kan’ya,” nag-aalala kong turan. Bigla namang natawa si Leslie at napataas ang aking kilay at humalukipkip. “Problema mo ha Leslie? Palibhasa wala kang lovelife eh!” “Hoy grabe ka sa ‘kin Kristine ha! Oo na ikaw na may lovelife! Gusto ko lang naman pong ipaalam sa’yo na sinabi ko na kay Mazer na marami kang appointments ngayong araw na ito at sinabi niya rin sa ‘kin na hihintayin ka na lang daw niya sa opisina mo” “Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin kanina?” inis ko namang saad sa kaniya. “Ngayon ko lang po naalala saka busy na rin tayo kanina kaya hindi ko nasabi kaagad sa’yo.” Mabilis naman akong umakyat kung nasaan ang aking opisina. Pagkarating ko naman doon ay naabutan ko siyang nakaupo sa couch at nakapikit. Nakade-kuwatro pa siya at hawak naman niya sa isang kamay niya ang kaniyang cellphone na wari ko’y hinihintay ang aking tawag. Dahan-dahan akong lumapit sa kan’ya at marahang umupo sa kaniyang tabi. Humalumbaba ako habang titig na titig sa guwapo niyang mukha. Kung sakali mang biyayaan kami kaagad ng anak ang gusto ko ay kamukha niya, guwapo rin katulad ng daddy niya. Napangiti naman ako dahil sa mga naiisip kong iyon. Maya-maya pa ay dumilat na siya at nagulat naman siyang nakita ako. “Sweety kanina ka pa ba?” mahinang wika niya. Bahagya pa akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. “Why? May nangyari ba sa meeting niyo?” umiling lang ako at humiwalay ng pagkakayakap sa kaniya. “Why you didn’t tell me?” “Tell you what?” “Na pinuntahan mo pala si Cezil sa hotel?” “Wait Kristine, nagkakamali ka ng iniisip okay? Kaya ako pumunta__” “I know my heart. You don’t have to explain, naniniwala ako sa’yo at sinabi sa akin ni Cezil kung bakit ka nagpunta ro’n” “I’m sorry sweety hindi ko na sinabi sa’yo dahil ayokong mag-alala ka pa” “It’s okay my heart. From now on magtitiwala na ‘ko sa’yo.” Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa aking mga labi. He kissed me passionately and deeper. Kulang na lang ay dito namin muling gawin ang ginawa namin noon. Naghiwalay ang aming mga labi at kapwa habol namin ang aming hininga. “I love you,” malambing niyang wika sa akin. “I love you more” “I have a surprise for you” “What is it?” “Saka ko na sasabihin pagbalik ko sweety and be ready,” sabay kindat niya sa akin na ikinatawa ko. “May surprise din ako sa’yo my heart?” “Buntis ka na?!” napaikot naman ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Alam ko naman kung gaano niya kagusto na magkaroon na kami ng anak. At alam kong magiging isang mabuti siyang ama sa magiging anak namin. “Hindi pa ako buntis. Saka hello! Ang bilis naman. Basta malalaman mo rin ‘yon my heart” “I want you to behave here okay?” “I’m always behave Mazer” “Ayokong lalabas ka kasama ang kumag na ‘yon maliwanag ba?” “Maliwanag pa sa sikat ng araw my heart” “Good. At isa pa ayokong magsusuot ka na labas na halos ang kaluluwa mo ha?” “Hindi naman ako nagsusuot no’n ah,” nakanguso kong wika sa kan’ya. “Syempre hindi ka talaga magsusuot no’n dahil kasama mo ako” “E paano naman sa trabaho namin ni Wilfred syempre kailangan kong magmodel do’n dahil nakapirma na ako ng kontrata.” Saglit siyang nag-isip at napahilot bigla sa kaniyang sentido. “Okay fine! But, this is the last time na magmomodel ka at ayoko ng tatanggap ka pa na kahit na anong offer, hindi ka modelo kun’di fashion designer ka maliwanag ba Miss Kristine Veinezz?” napakurap-kurap naman ako sa kaniyang sinabi at napatango na lang akong bigla. Hindi ko alam kung anong meron siya at bigla-bigla na lang akong napapayag. “I’m hungry,” wika ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom dahil naalala kong hindi pa pala ako kumakain dahil sa sunod-sunod na meeting namin kanina. “Okay let’s go home” “Ipagluluto mo ‘ko?” “Huh? A-akala ko you want to eat?” “Oo nga, bakit? Kakain na lang ba tayo sa labas?” mabilis naman siyang napayuko at napahilot sa kaniyang batok. “My heart my problema ba?” napa-angat naman siya ng tingin at pakiramdam ko ay para siyang nadismaya. “I thought you want my__” bumaba ang tingin niya sa kaniyang ibaba at binalik ang tingin sa akin. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi at pinipigilan ang matawa. Ngunit sadyang hindi ko na ito napigilan pa kaya napahagalpak na lang ako ng tawa. “Mazer naman! Hindi mo naman sinabi kaagad na iyon pala ang iniisip mo sa sinabi kong gutom ako” “E paano naman kasi sa tuwing magyayaya ka you always said na, my heart i’m hungry I want to eat you. Akala ko naman ‘yon ang ibig mong sabihin eh,” nakabusangot niyang wika sa akin. Tawa naman ako nang tawa dahil ang cute ng mukha niya nang sabihin niya ‘yon. “Bahala ka na nga riyan!” tumayo na siya at lalabas na ng aking opisina dahil sa asar sa akin. Sinundan ko naman siya at humarang sa may pintuan. “My heart joke lang! sige na after we ate I’m going to make hola-hola on top of you again, and I’m gonna lick you upside down right thru your balls, is that okay?” “Syempre hindi ako tatanggi. I like it f*****g much!” nagulat naman ako nang buhatin niya ako na para bang isa akong sako ng bigas at lumabas na kami ng aking opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD