"Ano Kristine? Sigurado ka ba sa desisyon mong iyan?!" sigaw sa akin ni Leslie. 
Nandito kami ngayon sa aking penthouse at inaayos ko ang mga gamit ko na iuuwi sa Pilipinas. 
"Oo Les, I decided to go back to the Philippines. Mas gusto kong manatili roon kasama si Mazer"
"Ano pa nga bang magagawa ko? You chose love over career," umirap pa siya sa'kin pagkasabi no'n. 
"Yes I chose him. Matagal na 'ko nagbabanat ng buto para sa sarili ko. Ito na siguro ang tamang panahon para maging masaya naman ako." Lumapit sa akin si Leslie at hinawakan ang dalawang kamay ko. 
"I'm happy for you Kristine dahil sa wakas nakikita ko na ulit 'yong totoong mga ngiti mo. Basta masaya ka masaya na rin ako para sa'yo. Alam mo naman supportive friend mo 'ko kahit na nagpapaka-martir ka na"
"Sobra ka naman sa martir"
"At least ngayon hindi ka na iiyak kasi magkakasama na ulit kayo. Sana naman Kristine hindi na kita makita sa mga bar ha! Dahil kung hindi reresbakan ko na 'yang hot fafabols mo!" Natawa naman ako dahil sa tinawag niya kay Mazer. 
"Ikaw Les dapat may love life ka na rin para naman hindi boring 'yang life mo"
"Hay naku Kristine ayoko sumakit ang ulo ko no! Nakikita na nga lang kita kung paano ka humagulgol kay Mazer noon parang ayoko ng mag-asawa"
"Alam mo Leslie masarap kaya magmahal. Dadaan talaga kayo sa ganoong pagsubok. Kapag nagmahal ka ready ka dapat sa mga consequences. Doon niyo malalaman kung gaano katatag ang pagmamahal niyo sa isa't-isa"
"Wow! Ikaw na talaga Kristine." Naiiling na lang ako sa kaniyang tinuran. 
Pagkatapos naming ayusin ang mga gamit ko ay umuwi na rin si Leslie. Naupo muna ako sa sofa at isinandal ang aking likod. Pumikit muna ako sandali at maya-maya pa ay narinig ko ang pagtunog ng aking telepono. Mabilis akong tumayo at hinanap kung saan ko ito ipinatong. Nang makita ko ito ay biglang lumukso ang aking puso pagkabasa ng pangalan ni Mazer sa screen ng cellphone ko. Mag-iisang buwan na rin ng simulang umalis si Mazer para umuwi muna ng Pilipinas. Araw-araw naman kaming nagkakausap pero isang beses lang siyang tumatawag sa akin sa loob ng isang araw dahil kapag gabi naman dito umaga naman sa kanila. Kaya gabi siya sa'kin tumatawag kapag wala na akong trabaho. 
"Hi my heart!" Nakangiti kong sinagot ang tawag na animoy nakikita niya. 
"Hi sweety how's your day?"
"Ito namimiss ka na"
"Don't worry sweety kapag naayos ko ang mga dapat kong ayusin dito babalik kaagad ako riyan. At isa pa hindi ko maiwan si Nana Lumen eh"
"Oo nga pala how is she? Okay na ba si Nana Lumen?"
"Yes sweety she's okay pero hindi na siya tulad ng dati na malakas pa. Kailangan din niya ng sapat na pahinga"
"Okay lang my heart, Nana Lumen needs you. Paki-kumusta mo na lang ako sa kan'ya okay?"
"Sure sweeety, namimiss ka na nga niya eh. Gustong-gusto ka niyang makita ulit"
"Talaga? Soon kamo my heart at marami kaming pagkukuwentuhan kapag nagkita kami"
"I love you sweety and I miss you." Bigla akong natigilan sa sinabi niyang iyon. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagpatak ng aking luha pero sadyang taksil ang aking mga mata. Napa-singhot naman ako at narinig ito ni Mazer sa kabilang linya. 
"Hey sweety are you okay? Are you sick?" Pinunasan ko naman ang mga luha ko at huminga ng malalim bago muling magsalita. 
"No my heart, I'm okay. It's just that I miss you soo much." Sobrang miss ko na siya dalawang linggo pa bago ako makauwi sa Pilipinas dahil kailangan pang aprubahan ang resignation letter ko at need ko pa rin hintayin ang resulta ng pinapaayos ko sa attorney ko dahil sa nasira kong kontrata rito sa France. Mawala na sa'kin ang lahat 'wag lang si Mazer. 
"You want me to go back soon?" Umiling lang ako dahil sa sinabi niyang iyon na animoy nakikita niya. 
"I'm really okay, namimiss lang talaga kita. Magkikita rin tayo my heart. I want you to focus on your work, maraming empleyado mo ang umaasa sa'yo"
"I know sweety. You take care okay? And one more thing. I want you to take a picture of you before you went to your office"
"But why?"
"Gusto kong makita kung ano ang suot mo and also the color of your lips," napaikot na lang ako mata ko because Mazer is Mazer as usual. 
"Yes boss"
"Good girl. I love you sweety"
"I love you too."
Kinabukasan bago ako pumasok ay nag-iwan naman ako ng message kay Mazer at tulad ng sinabi niya nagpadala ako ng picture ko kung ano ang suot ko at make-up ko. Light make-up lang naman ang nilagay ko dahil ayaw niya talaga ng naglalagay ako ng makapal na make-up puwera na lang kung may pictorial ako.
Pagkapasok ko sa aking opisina ay naabutan ko si Leslie na inaayos ang aking lamesa. Nagulat pa siya dahil sa klase ng suot ko at napamaang naman sa akin. 
"Bakit ganiyan ka makatingin para kang nakakita ng multo?" wika ko nang makaupo na ako sa aking upuan. 
"Bakit gano'n kahit ang simple lang ng suot mo pero ang ganda mo pa ring tignan?" saad sa akin ni Leslie at naupo sa aking harapan. Nakasuot lang ako ng simple white shirt at skinny jeans na may butas sa aking tuhod at naka three inches heels. 
"I want to look simple Les"
"It's because of Mazer right?" Tinignan ko siya at tinaas-taas ko pa ang aking kilay. "Hay naku ewan ko sa'yo Kristine! Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig," sabay irap naman niya sa akin. 
"Ikaw Leslie hindi ka pa ba sasabay sa'kin?"
"Next month pa ako makakasunod sa'yo kasi kailangan ko namang gumawa ng report para naman sa ipapalit nila sa'kin sa puwesto. Kainis ka kasi"
"I'm sorry Leslie. Pero kung gusto mo muna dumito at tapusin ang kontrata mo wala namang problema sa'kin"
"Ayoko nga no! Syempre kung nasaan ka dapat nandoon din ako." Natawa naman ako dahil sa kaniyang tinuran. "Oo nga pala Kristine mamaya na pala 'yong pictorial niyo ni Wilfred 'di ba?"
"Yes, why?"
"Tumawag kasi siya kanina susunduin ka na lang daw niya." Naitakip ko na lang ang aking mga palad sa aking mukha dahil sa sinabi ni Leslie. 
"Anong sabi mo sa kan'ya?"
"Wala namang masama kung susunduin ka niya 'di ba?"
"E paano kung makarating na naman kay Mazer 'yon? Tapos ilagay na naman sa social media na may relasyon talaga kami"
"Kristine kung may tiwala siya sa'yo hindi niya iisipin 'yong mga bagay na 'yon." Tama naman si Leslie. Hindi ko kailangan mag-alala dahil wala naman akong ginagawang ikasisira ng relasyon namin. 
Tulad ng sabi ni Leslie, sinundo nga ako ni Wilfred at sabay kaming nagtungo kung saan gaganapin ang pictorial. Sa tabing dagat ang pictorial dahil summer outfit ang theme namin. Pagkarating namin sa aming destinasyon ay binati naman kami ng ibang staff at sinimulan na akong ayusan. 
"You and Wilfred look good together" ("Toi et Wilfred allez bien ensemble") wika sa akin ng aking stylist. 
"Nous sommes juste amis et j'avais deja un petit ami" (we're just friends and I already had a boyfriend")
"Oh je suis desole" ("Oh I'm sorry")
Pagkatapos akong ayusan ay nagsimula na kaming magpictorial. Nasanay na rin ako sa ganitong trabaho at balewala na rin sa akin kung ano man ang isuot ko. 
"Kristine rapproche de Wilfred tu dois ètre gentil avec une caméra" ("Kristine come closer to Wilfred you must be sweet on a camera") utos sa amin ng photographer. Lumapit ako sa kan'ya at hinawakan ako sa bewang at ang dalawang braso ko ay nakapulupot sa leeg ni Wilfred. Hinayaan ko na lang ito dahil tutal uuwi na ako ng Pilipinas at ito na ang huling beses na gagawin ko ito. Ayokong ito pa ang pagmulan ng away namin ni Mazer. 
"You want to go somewhere?" tanong sa akin ni Wilfred habang nag-aayos na ako ng aking mga gamit. 
"I want to go home early"
"Can I talk to you? Just give me a minute please?" Napahinto ako sa aking ginagawa at hinarap siya. 
"Okay let's talk somewhere else." Pumunta kami sa malapit na coffee shop para doon mag-usap. 
"Is he your real boyfriend?" malungkot niyang wika sa akin. Yumuko ako at marahang tumango sa kan'ya. 
"I'm sorry Wilfred"
"Don't be Kristine, it's not your fault. 
"I should be the one to apologize, beacuse I feel like I'm forcing myself on you"
"Thank you for understanding Wilfred"
"Can you be my friend anyway?"
"Sure why not? In the first place you're still a friend." Halata ko naman sa mga mata niya na pinipilit lang niyang ngumiti. Kahit noong una pa lang ay ayoko siyang paasahin pa. Dahil tanging nilalaman ng puso ko ay si Mazer lang at wala ng iba pa.