"Congratulations Mr. Brilliantes! Hindi mo kami binigo," bati sa akin ng isang kilalang businessman pagkatapos ng aming meeting.
"Thank you so much sir, ginawa ko lang po ang lahat para maibalik sa dati ang kumpanya"
"Good to hear that Mr. Brilliantes, well mauuna na ako sa inyo"
"Okay sir." Nauuna na siyang lumabas ng conference at sumunod na rin kami ni Sef at Lyka. "Sef ano ang next schedule ko today?"
"May Lunch meeting kayo with Mr. Yamaguchi ang may-ari Yanchi Corporation. And after that meron ka namang dinner meeting with Miss Cezil Lopez,"napahinto akong bigla at hinarap si Sef.
"Cezil Lopez?" Takang tanong ko. Napahilot ako bigla ng aking sentido pagkarinig sa kaniyang pangalan.
"Sino ba siya sir?"
"Siya 'yong binasted ni Mazer," narinig kong bulong ni Lyka kay Sef.
"Oh oh! Lalaki na pala ang nambabasted ngayon," natatawang wika ni Sef sa akin.
"Please cancel my last meeting." Pagkasabi kong iyon ay naglakad na ulit ako pabalik sa aking opisina. Sinundan naman ako ng dalawa at naupo sa aking harapan.
"Dude, hindi ko na pwedeng i-cancel 'yon dahil importante raw ang pag-uusapan niyo"
"Gaano naman daw ka-importante 'yon?"
"Mag-iinvest daw siya ng malaki sa kumpanya"
"What?!" Sigaw ko sa kan'ya.
"Ayaw mo no'n sir? Marami ang willing mag-invest sa company natin"
"Syempre gusto ko Miss Lyka. Pero huwag naman si Cezil." Napabuntong hininga na lang ako at itinukod ko ang dalawang siko ko at pinatong ko ang dalawang palad ko sa aking noo.
"What's wrong kay Miss Cezil? Hindi naman naging kayo at binasted mo na pala siya," sinamaan ko naman ng tingin si Sef.
"I know what she's thinking Sef. Kilala ko 'yang si Cezil. Gagamitin lang niya ang kumpanya para mapalapit sa akin"
"Dude tanong ko lang ha, bakla ka na ba?"
"Saan mo naman nabalitaan 'yan Sef?!"
"E kasi palay na ang lumalapit tutukain mo na lang"
"Ano ka ba Sef bulag ka ba ha? Alam mo namang patay na patay 'yan kay Miss Kristine Veinezz eh!" Mapang-asar na wika ni Lyka.
"Ay oo nga pala! E ang kaso may nali-link na sa kan'ya paano 'yon Lyka?"
"Mga kaibigan ko ba talaga kayo ha?!"
"Ikaw naman Mazer masyado kang seryoso eh. Puntahan mo na lang mamaya si Miss Cezil sabihin mo na lang na ayaw mo siyang mag-invest ganoon lang 'yon," saad ni Sef habang pinaglalaruan ang hawak niyang ballpen.
"Bahala na,"mahinang sagot ko.
Natapos ang mga naunang meeting ko ay pinuntahan naman ako ni Sef sa aking opisina. Naabutan naman niya akong inaayos na ang aking mga gamit at handa ng umuwi.
"Mazer hindi ba may dinner meeting ka pa?" Napahinto akong sandali at napapikit ng mariin. Naalala kong may dinner meeting pa pala ako kay Miss Cezil.
"Call her right away pakisabi papunta na ako"
"Right away sir." Matapos niyang tawagan ni Cezil ay mabilis akong umalis ng aking opisina para pumunta sa restaurant kung saan kami mag-memeeting.
Naupo naman ako sa pinakadulo kung saan ay wala masyadong tao nang makarating na ako sa mismong restaurant. Habang hinihintay siya ay nag-order muna ako ng wine.
Si Cezil ay anak ng isang bilyonaryong nagmamay-ari ng isang sikat na modeling company. Matagal na silang may in-ooffer sa akin para mas lumago pa at lumaki pa raw ang aking kumpanya ngunit hindi ko ito pinayagan. Tuso ang ama ni Cezil at alam ko na once tinanggap ko ito ay ipagkakasundo niya ako sa anak niya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin si Cezil. Tumayo naman ako para batiin siya.
"Good evening Miss Lopez," nakangiti kong bati sa kan'ya.
"Good evening Mr. Brilliantes," pagkasabi niyang iyon ay pareho na kaming naupo at magkaharap naman kami.
"What do you want to eat," tanong ko sa kan'ya.
"You"
"Pardon?"
"I said you." Napayuko naman ako at pagkuwa'y pilit na ngumingiti sa kan'ya.
"If you don't mind Miss Lopez, pwede na ba natin umpisahan ang meeting?"
"Masyado ka yata nagmamadali Mr. Brilliantes, may lakad ka pa ba after this?"
"Wala naman Miss Lopez kaya lang__"
"So let's enjoy the night," putol niya sa aking sasabihin. Wala na akong nagawa kaya napabuntong hininga na lang ako. Kumain muna kami at saka namin pinag-usapan ang tungkol sa negosyo.
"So Mr. Brilliantes, what do you think of my proposal?"
"I don't think I can accept it," sabay abot ko ng folder sa kan'ya.
"Why? Masyado bang maliit? Sige dadagdagan ko I'll make it twenty million"
"Miss Lopez you don't understand why__" napahinto akong bigla nang lumapit siya sa aking tabi at idinikit ang sarili niya sa akin. Napapamura na lang ako sa aking isipan dahil baka merong makakita sa amin at lalong kilala pa naman siya bilang sikat na modelo ng kanilang kumpanya.
"Mr. Brilliantes, bakit ba palagi mo na lang akong tinatanggihan at iniiwasan? May nagawa ba akong hindi mo gusto?" Mapang-akit niyang himig sa akin habang hinahaplos ang aking pisngi. Hinawakan ko naman ang kamay niya para pigilan at tinitigan siya.
"Miss Cezil Lopez, kung wala ka ng iba pang sasabihin aalis na lang ako." Umayos naman siya ng kaniyang pagkakaupo at ngumiti sa akin.
"Why you always like that? Alam mo parang gusto ko ng maniwala sa tsismis"
"Anong tsismis?" Uminom muna siya ng wine bago ako sinagot.
"That you're gay. Kaya siguro naghiwalay kayo ng girlfriend mo kasi nalaman niya na bakla ka"
"I'm not. I have my own reason"
"Well prove it na hindi totoo ang tsismis"
"Wala akong dahilan para patunayan 'yon Miss Lopez. Saka pwede bang tapusin na natin itong meeting? I'm tired Miss Lopez and I want to rest," inilapit pa niya ang mukha niya sa akin na lalo kong ikinainis. Hindi ko naman ito pinahalata sa kaniya at naging mahinahon pa rin ako.
"Someday Mr. Brilliantes kakailanganin mo rin ang tulong ko at ikaw mismo ang lalapit sa akin and__" saglit siyang natigilan at dumako ang tingin niya sa aking mga labi at hinaplos ito ng kan'yang hinlalaki. "You'll be mine and I assure you." Matapos niyang sabihin 'yon ay lumayo na siya sa akin at kinuha na ang kaniyang gamit at umalis na ng restaurant. Naiwan naman akong tulala dahil sa sinabi niya. Ilang beses ko na rin siyang iniiwasan noon.
Dahil noong hindi pa kami naghihiwalay ni Kristine ay siya palagi ang pinagseselosan niya at parati rin naming pinag-aawayan kaya naman simula noon ay iniwasan ko na siya at hindi ko na muling ini-entertain.
Bigla naman akong nalungkot ng maalala siya. Miss na miss ko na siya. Kaya kapag nakita ko siyang kaagad ay yayakapin ko siya ng mahigpit at araw-araw akong hihingi ng tawad sa kan'ya.
Nagmamadali naman akong pumunta sa aking opisina dahil may importante raw sasabihin si Lyka. Nasa elevator na ako at pansin ko naman na panay ang titig ng mga empleyado sa akin. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at hindi pinansin. Nang makarating na ako sa aking opisina ay sinalubong naman ako ni Lyka na naghihintay na pala sa loob at nakaupo sa harap ng aking lamesa.
"Nasaan si Sef? Wala pa ba siya?" Tanong ko ng makaupo na ako sa aking swivel chair.
"On the way na raw po s'ya sir. Nabalitaan mo na ba?"
"Ang alin?" Sa halip na sumagot ay inabot niya sa aking ang tablet na hawak niya at kinuha ko naman ito kaagad.
Nagulat naman ako at nanlaki ang aking mga mata sa nakita sa isang social media. Litrato namin ni Cezil ang naka-post doon na parang naghahalikan. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa tablet at malakas akong bumuntong hininga.
"Sir, hindi kaya pakana na talaga 'yan ni Miss Lopez para pag-usapan kayo? At saka para rin ilabas na may relasyon kayo"
"I don't have an idea na gagawin niya 'yan"
"E 'di ba sir matagal ng patay na patay sa'yo 'yan? At lalong hindi ka niya titigilan dahil wala na kayo ni Miss Kristine"
"Who told you Lyka? Kaya nga pupuntahan ko s'ya bukas para ligawan ulit siya"
"Gaano ka naman kasigurado ha Mazer? Sigurado akong nakita na rin niya 'yang article na 'yan." Tama si Lyka, sigurado akong makikita niya ang article ba 'yon lalo pa at hindi ko inaasahan ang nakasulat doon.
"Grabe Mazer ang complicated ng love story niyo ha! Siya naman nali-link sa sikat na model sa France. At ikaw naman kay Miss Cezil. Siguro hindi talaga kayo para sa isa't-isa." Sinamaan ko naman ng tingin si Lyka at tinaasan ng kilay.
"Alam mo iniisip ko Lyka kung dapat na ba kita sisantihin eh"
"Grabe ka naman Mazer! Hindi ka na nasanay sa'kin binibiro ka lang naman eh!" Inirapan ko siya at tumawa naman siya ng mahina. "Bakit ba kasi ang guwapo mo? Ayan tuloy nahihirapan ka," biro na naman niya sa akin.
Kung sakali mang mabasa niya ang tungkol sa amin ni Cezil ay hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin ko sa kan'ya. Alam kong hindi siya basta-basta maniniwala, kahit ganoon pa man ay desidido akong sundan siya kung ang kapalit naman nito ay para magkabalikan kami ay ang manatili roon ay gagawin ko maging akin lang siya ulit .