CHAPTER 6

1851 Words
"Nana Lumen nandiyan na po ba lahat ng mga gamit ko?" Tanong ko sa kaniya habang pababa ako sa hagdanan at dala pa ang isang maleta. "Oo hijo kumpleto na walang labis walang kulang," masayang saad niya sa akin. "Nana Lumen ayos lang po ba na mag-isa kayo rito? Baka kasi matagalan ako roon nag-aalala ako sa inyo" "Naku hijo huwag mo akong alalahanin at kaya ko naman ang sarili ko at isa pa nariyan naman si Domeng kaya may kasama pa rin ako," tukoy niya sa aming hardinero. "Sige Nana Lumen kapag nagkaroon ng problema tumawag kayo kaagad sa akin ha? Saka padadalawin ko kayo kay Macelyn para naman hindi kayo nalulungkot" "Naku ikaw talagang bata ka! Ayos lang ako rito, at masaya ako kasi sa wakas magkikita na kayo ni Kristine," nakangiting sambit niya. "Oo nga po Nana Lumen eh, pagdating ko 'don yayakapin ko siyang kaagad kapag nakita ko siya. Sana lang Nana Lumen mapatawad niya 'ko" "Mazer, mabait si Kristine at alam kong mapapatawad ka niya at maiintindihan ka niya." Hinawakan niya ang aking dalawang kamay at maya-maya ay niyakap siya. "Hindi ko alam ang gagawin ko Nana Lumen kapag wala ka." Napaka-swerte namin ni Macelyn kasi hanggang ngayon ay inaalagan pa rin kami ni Nana Lumen kahit na nagkaroon na rin ng sariling pamilya si Macelyn. Paminsan-minsan ay siya rin ang nag-aalaga kay Jk at Madeline kapag nagagawin naman si Nana Lumen sa bahay nila. "Alam mo naman anak na hindi ko kayo pababayaan ng kapatid mo hangga't nabubuhay ako," kumalas naman ako sa pagkakayakap at hinarap siya. "Nana Lumen mabubuhay pa kayo ng matagal at maaabutan niyo pa ang magiging anak namin ni Kristine" "Naku Mazer bilis-bilisan mo baka mainip ako at mawala na lang ako na parang bula," natatawa niya sabi sa akin. Samantalang ako naman ay seryoso siyang tinitigan. "O hijo bakit?" "Nana Lumen, huwag mo kami iiwan ni Mace ha?" "Ano ka bang bata ka? Saan naman ako pupunta?" "Promise me Nana Lumen. If ever na kailangan mo ng umalis please Nana Lumen magpapaalam ka sa amin ha?" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon sa kaniya. Pero iba ang pakiramdam ko lalo na't parati siyang nagbibilin sa amin ng kung ano-ano na hindi ko na lamang pinapansin. "Huwag kang mag-alala hijo hindi ko kayo iiwan ni Mace, dahil ako pa ang mag-aalaga sa magiging anak niyo ni Kristine," natawa naman ako dahil sa tinuran ni Nana Lumen. "Sige po Nana Lumen aalis na rin ako baka kasi mahuli na ako sa flight ko eh" "O sige hijo mag-iingat ka ha? At saka ikumusta mo ako kay Kristine, pag-uwi niyo rito ipagluluto ko kayo ng masarap at 'yong paborito niyang kaldereta" "Sige po sasabihin ko sa kaniya." Pagkasabi kong iyon ay hinatid niya lang ako sa labas ng gate at tumawag na lang ako ng taxi papuntang airport. Nang makarating na ako sa airport ay naupo muna ako sa waiting area habang naghihintay ng flight ko. Kinuha ko muna ang cellphone ko at nag-browse muna saglit sa aking social media account. Natigilan naman ako ng may mahagip ako sa aking social media account. Si Kristine at ang sikat na model na si Wilfred Carmeletti ay mayroon daw na namamagitan sa kanila. At dahil sa inis ay inilagay ko na ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon at malakas na bumuntong hininga. "That's not true, alam ko ako pa rin Kristine," bulong ko sa aking sarili. Ilang oras din ang binyahe ko at nakarating na rin ako ng France. Binigay naman sa akin ni Macelyn ang address ni Kristine kung saan siya tumutuloy. Dahil noong magkahiwalay kami ay binigay niya kay Macelyn ang address niya kung sakali raw puntahan ko siya. Hindi naman ako nahirapang hanapin 'yon dahil marunong din naman akong magsalita ng lenguwahe nila at dahil na rin sa aking trabaho na iba't-ibang businessman na nakakasalamuha ko. Nang makarating ako sa mismong penthouse niya ay pinindot ko naman ang doorbell. Nakakailang doorbell na ako pero wala pa ring nagbubukas ng kan'yang pintuan. Sinubukan ko naman hulaan ang passcode ng kan'yang pinto. Una kong pinindot ang birthday niya pero mali ako ng hula. Pangalawa naman ang birthday ko pero ganoon pa rin. Napapikit na lang ako ng mariin at napahilot sa aking batok. Hindi ko alam kung paano ko kokontakin si Kristine gayong mukhang nagpalit na siya ng kaniyang numero. Muli kong sinulyapan ang lock code ng kaniyang pintuan. Naisip ko namang subukan ang araw kung kailan ako sinagot ni Kristine nagbabakasakali na iyon ang lock code niya. Nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang pintuan niya hudyat na tama ang code na pinindot ko. Napangiti naman ako at kinikilig na parang bata. At ngayon ako naniniwala na hindi pa rin niya ako pinapalitan sa puso niya. Pumasok na ako sa loob ng penthouse niya at namangha dahil sa ganda ng loob nito. Malaki ito at maaliwalas, simple lang ang ayos nito dahil hindi naman siya mahilig sa mga abubot gaya ng ibang mga babae na kung ano-ano ang dinidisplay sa buong bahay. Isa siyang kilalang sikat na fashion designer pero simple lamang siyang manamit kahit noong hindi ko pa siya nagiging girlfriend. Paminsan-minsan ay siya rin mismo ang nagmomodel ng kaniyang mga gawang damit. Iyon din ang madalas naming pag-awayan noon dahil sa klase ng suot niya. Ayoko ng masyadong labas ang katawan niya dahil ayokong may ibang nakakakita sa katawan niya bukod sa akin. Nagtungo naman ako kung nasaan ang kuwarto niya para ilagay doon ang mga maleta ko. Lalabas na sana ako sa kuwarto niya ng mapansin ko ang isang picture niya na nakasabit sa dingding sa may uluhan ng kama niya. Tinitigan ko itong mabuti at unti-unting sumilay ang aking mga ngiti sa labi ng maalala kung sino ang kumuha ng litrato niyang iyon. Kuha 'yon noong first date namin bilang magkasintahan. Ako ang kumuha ng picture niya habang nagtatampisaw siya sa dagat. Gustong-gusto niya kasi panuorin noon ang paglubog ng araw habang nakaupo sa tabing dagat. Kapag nakauwi na kami ng Pilipinas ay dadalhin ko siya ulit do'n at muli naming panunuorin ang paglubog ng araw. Habang hinihintay siya ay naisipan ko munang maligo medyo mahaba rin ang binyahe ko at nanlalagkit na rin ako. Ayaw pa naman ni Kristine na lalapit ako sa kan'ya kapag malagkit ang katawan ko. Pagkapasok ko sa banyo ay napansin ko naman sa bath tub niya ang isang pulang lacey panty. Napamaang na lang ako dahil kung saan-saan niya na lang niya iniiwan ang panty niya. Kinuha ko naman ito at binuka. Nagulat pa ako ng mapagtanto kung anong klaseng panty 'yon. Bahagya pang tumaas ang kilay ko at nagtaka habang titig na titig dito. Kailan pa natutong magsuot si Kristine ng T-back? Ang alam ko ito ang pinaka-ayaw niyang sinusuot, bulong ko sa aking isipan. Nilagay ko na lamang ito sa laundry basket at naligo na ako. Alas-onse na ng gabi pero hindi pa rin unuuwi si Kristine. Nasa sala ako at paroo't parito naman ako habang hinihintay ang kaniyang pagdating. Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang social media ko. Nagtaka naman ako kung bakit hindi ko na siya nakikitang active sa social media pati ang ginagamit niyang numero ay hindi ko na rin makontak. Sadyang nagbago na rin ba siya ng numero niya dahil gusto na niya akong kalimutan? Naisuklay ko na lang ang mga daliri ko sa aking buhok at napatingala dahil sa aking mga naiisip. "Kristine, sweety where the f**k are you?" May diing wika ko sa aking sarili. "Sana mali ang iniisip ko, huwag naman sanang kasama mo ang kumag na manliligaw mo." Pagkasabi kong iyon ay pabagsak naman akong naupo sa sofa at humalukipkip dahil sa aking mga naiisip. Maya-maya pa'y narinig ko na ang pagtunog ng kaniyang pintuan at mabilis akong tumayo at tinignan ang wall clock, alas-dose na ng hating gabi. Sasalubungin ko sana siya ngunit napansin ko na pagewang-gewang siyang maglakad. Napataas ang isang kilay ko at pinagmamasdan ang kilos niya. Isa-isa niyang tinanggal ang sapatos niya at sunod naman ang suot niyang blazer. At itinapon na lang ito kung saan. Hindi pa niya ako napapansin kaya dere-deretso lang siya papunta sa kaniyang kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha roon ng maiinom. Pagkatapos ay pupunta na sana siya sa kaniyang kuwarto ng bigla na lang siya mawalan ng balanse dahil sa kaniyang kalasingan. Mabilis ko siyang dinaluhan para alalayang makatayo. Nang maitayo ko na siya ay nag-angat naman siya ng mukha at nanlaki ang mga mata niya. Miss na miss ko na talaga si Kristine. Pansin ko ang panunubig ng kaniyang mga mata. Hahawakan ko sana ang mukha niya ng bahagya siyang umatras na ikinataka ko. "Why?" Garalgal niyang wika sa akin. Sandali akong hindi nakapagsalita. "Sweety, I know it's my fault. I'm sorry if I hurt you that way. Hindi kita inintindi. Naging makasarili ako, but believe me Kristine you really don't know how much I miss you every single day. Patawarin mo 'ko kung ngayon lang kita napuntahan" "Gano'n lang ba 'yon ha Mazer? Akala ko mahal mo 'ko. Umaasa ako na pupuntahan mo 'ko rito. Ayon pala may iba ka na! Kaya pala kapag tumatawag ako ayaw mo akong kausapin kasi hindi na pala ako ang mahal mo! Ilang buwan ako nagtiis Mazer!" At dahil doon ay hindi na niya napigilan ang mapaiyak. Nagtaka naman ako kung bakit niya nasabing hindi ko na siya mahal at may iba na ako. Bigla kong naalala ang picture namin ni Cezil na kumakalat sa social media. Napabuntong hininga na lang ako ng malakas at muling binalingan si Kristine. Mabilis ko siyang ikinulong sa aking mga bisig dahil ramdam ko na sobra siyang nasasaktan. Hindi ko kayang nakikita siya sa ganoong sitwasyon at lalong-lalo na ako ang dahilan kung bakit s'ya nasasaktan. "I'm sorry sweety, please forgive me hmn?" Imbes na sumagot ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay na ikinagulat ko. Mabilis ko siyang binuhat papunta sa kaniyang kuwarto at marahang inihiga sa kama niya. Naupo muna ako sa gilid niya at hinawi ang kaniyang buhok na nakatakip sa kaniyang magandang mukha. "I'm sorry sweety. Alam kong hindi mo ako mapapatawad kaagad pero hindi ako titigil hangga't hindi ko ulit nakukuha ang puso mo. Hindi ako papayag na mapunta ka lang sa kumag na 'yon. Tangkad lang ang meron siya pero sigurado akong hindi daks 'yon." Napakuyom na lang ako ng palad sa mga naiisip ko. Iniisip ko pa lang na palagi niyang nakakasama si Kristine ay kumukulo na ang dugo ko at parang gusto kong manapak. Maya-maya pa ay gumalaw naman si Kristine at tumagilid kung saan ako nakaupo. "Ang landi-landi mo talaga Mazer," mahina pero malinaw sa pandinig ko kung ano ang sinabi niya habang nakapikit siya. "Ako malandi? Paano ako naging malandi?" Tanong ko naman sa aking sarili. "I hate you so much but I love you very much" "Mahal na mahal din kita Kristine. Simula bukas mag-uumpisa na akong landiin ka. At ako lang ang pwedeng lumandi sa'yo naiintindihan mo ba?" wiko habang nakatitig sa kaniya at ngayo'y mahimbing nang natutulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD