KRISTINE POV:
Habang nagbo-browse naman ako sa internet ay bigla akong napatigil dahil sa isang headlines na nabasa ko sa aking laptop. Kilala ko ang babaeng nakadikit kay Mazer. Siya lang naman ang malanding modelo na dikit nang dikit kay Mazer noon.
Bigla akong napakuyom ng palad at napakagat labi dahil sa aking nabasa roon.
Kaya ba hindi ako tinatawagan ni Mazer noon dahil pinagpalit na niya ako sa babaeng higad na 'to? Kinalimutan na ba talaga niya ako ng tuluyan? Hindi ko namalayang may pumatak na palang luha sa aking pisngi. Malakas kong isinara ang aking laptop at sinabunutan ang aking mahabang buhok.
Ang sakit ng puso ko ngayon dahil sa nakita ko. Gano'n lang niya ako pinalitan kaagad at sa babaeng haliparot pa.
"Let's go Kristine ang sakit na ng paa ko!" reklamo ni Leslie pagkapasok ng aking opisina. Mabilis akong tumayo sa aking upuan at kinuha ang aking bag.
"Punta tayong bar Les, kung ayaw mo naman akong samahan ako na lang!" Natulala naman si Leslie nang iwan ko siya sa aking opisina. Maya-maya ay naramdaman kong nakasunod na rin siya sa akin.
"Hoy Kristine ano na naman 'yan ha?!"
"Wala, gusto ko lang mag-inom"
"Si Mazer na naman 'yan no? Kristine naman__"
"Oo na Les! Ano sasabihin mo namang tanga ako? Na martir ako? Na ang bobo ko?! Les, anong magagawa ko kung mahal ko talaga siya! Ito 'yong nararamdaman ko eh. Hindi ganoon kadaling makalimot, palibhasa kasi hindi mo pa nararanasang magmahal." Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at pagkasabi kong iyon ay mabilis akong naglakad na palayo.
Pagkarating ko sa parking lot ay sumakay kaagad ako sa aking sasakyan at pinaharurot ito.
Habang nagmamaneho naman ako ay panay agos naman ng aking luha. Sa loob ng mahigit pitong buwang hindi ko siya nakausap o nakita man lang ay heto may kapalit na pala ako sa puso niya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at panay pahid namang ng aking mga luha sa pisngi.
Nang makarating na ako sa bar ay pinili ko naman ang VIP at um-order kaagad ako ng alak. Ilang minuto pa lang ako sa bar ay dumating namang bigla si Leslie. Hindi na ako nagtaka kung sundan man niya ako rito dahil alam naman niya na madalas dito kami pumupunta.
"Kristine I'm sorry, ayoko lang kasi na nakikita kang nagdudusa ng dahil sa kaniya eh. I'm just concern because I'm your friend. Ayoko lang na nasasaktan ka," wika niya sa akin nang makaupo na siya sa aking tabi.
"I understand Les," dahil doon ay hindi ko na naman napigilan ang maiyak.
"Kristine alam ko kung gaano mo kamahal si Mazer pero sana naman magtira ka naman para sa sarili mo. Kung sakali mang pumunta siya rito para suyuin ka, 'wag na 'wag ka munang bibigay hayaan mo siyang mahirapan. Kung talagang mahal ka niya paghirapan ka muna niyang makuha ulit"
"Hindi na mangyayari 'yon Les. Dahil tuluyan na niya akong kinalimutan," malungkot kong saad sa kan'ya sabay lagok ng aking alak.
"Ha? T-teka lang Kristine anong ibig mong sabihin?"
"Here, uminom na lang tayo," binigay ko ang isang bote ng vodka sa kaniya at hindi na sinagot pa ang tanong niya.
"Hoy Kristine halika na umuwi na tayo lasing ka na eh." Pilit naman niya kinukuha sa akin ang bote ng alak ngunit hindi ko ito binibigay sa kaniya.
"Hayaan mo na muna ako Les please? Kahit ngayon lang. I just want to enjoy"
"Anong enjoy? Hindi ka naman nag-eenjoy eh! Look at you Kristine, para kang may sapi eh!" Natawa naman ako dahil sa kaniyang sinabi.
"Alam mo Les, sobrang sarap ma-in love lalo na kung mahal na mahal ka rin niya. Kaso kapag sobra ka namang magmahal sobra ka ring masasaktan. Alam mo kung ano 'yong masakit? Iyong hindi ka niya kayang panindigan." Pagkasabi kong iyon ay hindi ko na napigilan pang mapahagulgol at sabay hampas ko sa aking dibdib. Lumapit naman sa akin si Leslie at niyakap ako.
"Kristine 'wag ka nang umiyak, sabi ko naman sa'yo na kalimutan mo na siya eh"
"It's hard Les, matagal bago maghilom ang sugat na alam kong siya rin ang gagamot nito"
"Kaya nga Kristine if ever na bumalik siya sa'yo, please lang 'wag kang maging marupok!" Konting himas lang sayo baka bigla kang bumigay diyan sasabunutan talaga kita ng bongga!" Bigla naman ako napahiwalay sa kan'ya at marahang pinalo siya sa kaniyang braso.
Kahit na ganoon si Leslie ay supportive pa rin naman siya sa kung ano ang gusto ko at desisyon ko. Hindi ko alam kung magkakaayos pa ba kami ni Mazer, umaasa lang pala ako sa wala at sinasaktan ko lang ang aking sarili.
Nang medyo nakakaramdam na ako ng hilo ay nagyaya na rin ako kay Leslie, siya na rin ang nagmaneho ng aking sasakyan.
"Huwag mo na akong ihatid Les kaya ko na," namumungay kong matang hinarap siya.
"Sigurado ka Kristine?"
"Oo naman, don't worry Les okay? Saka ingat ka pauwi ha?"
"Okay Kristine tawagan mo ako kapag nagka-problema ha?" Tumango lang ako sa kaniya at niyakap ako bago siya umalis. Dahil sa sobrang hilo ko ay napapahawak na lang ako sa pader habang tinatahak ko ang aking penthouse. Nang makarating na ako ay pinindot ko naman ang passcode ko at bigla akong natigilan.
Iyon lang naman ang araw kung kailan ko sinagot si Mazer. Siguro kailangan ko ng baguhin ang passcode ko dahil simula bukas ay kakalimutan ko na siya. Wala na kaming pag-asa, tama naman si Leslie sinasaktan ko lang ang sarili ko.
Pagkapasok ko sa loob ay tinungo ko kaagad ang kusina at binuksan ang ref at uminom ng malamig na tubig. Nang papunta na ako sa aking kuwarto ay bigla na lang ako nawalan ng balanse at muntik ng mapaupo. Naramdaman ko naman na may kamay na humawak sa aking braso. Nang makatayo na ako ay nagulat naman ako kung sino ang nasa aking harapan. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako ng gising o sadyang lasing lang talaga ako at kung ano-ano na ang aking nakikita.
Hindi ko naman napigilan ang panunubig ng aking mga mata. Sobrang miss ko na siya. Ilang buwan ko rin siyang hindi nakita at heto siya ngayon nasa aking harapan. Hahawakan sana niya ako ng umatras naman ako.
"Why?" garalgal kong wika sa kaniya.
"Sweety, I know it's my fault. I'm sorry if I hurt you that way. Hindi kita inintindi. Naging makasarili ako, but believe me Kristine you really don't know how much I miss you every single day. Patawarin mo 'ko kung ngayon lang kita napuntahan"
"Gano'n lang ba 'yon ha Mazer? Akala ko mahal mo 'ko. Umaasa ako na pupuntahan mo 'ko rito. Ayon pala may iba ka na! Kaya pala kapag tumatawag ako ayaw mo akong kausapin kasi hindi na pala ako ang mahal mo! Ilang buwan ako nagtiis Mazer!" Dahil sa sinabi kong iyon ay hindi ko na napigilan pa ang mapahagulgol. Niyakap niya ako ng mahigpit at lalo akong naguluhan dahil hindi ako basta naghahalucinate lang. Alam kong totoo siya at nandito siya sa France ngayon kasama ko pero paano nangyari 'yon? At paano niya nalaman ang passcode ko?
I'm sorry sweety, please forgive me hmn?" Dahil sa sobrang pagkahilo ko at medyo lasing na rin ako ay bigla na lamang akong nawalan ng malay habang yakap-yakap niya.
Pagdilat ko ng aking mga mata ay sapo ko kaagad ang aking ulo. Sobrang sakit nito na parang binibiyak. Dahan-dahan naman akong bumangon sa aking kama at pumikit muna saglit. At ng mahimasmasan ay muli akong nagmulat ng mga mata. Bababa na sana ako sa kama ng mapansin ko na parang iba na ang aking suot. Naka-suot na ako ng damit pantulog na kulay puti na hanggang tuhod ang haba. Ipinilig ko ang aking ulo at iniisip kung nagpalit ba ako ng damit kagabi pagkauwi ko. Tumayo na ako at akmang lalabas na ng aking kuwarto ng mapansin ko naman ang dalawang maleta na malapit sa may pintuan.
"Kanino naman ito? Wala naman akong ganitong maleta ah. Hindi kaya kay Leslie? Pero hindi eh. Bakit naman siya magkakaroon ng maleta rito?" Sabi ko sa aking sarili. Pagkalabas ko ng aking kuwarto at nagtungo naman ako sa kusina. Hindi pa ako nakakarating ng may maamoy naman akong mabango.
"Sinong tao sa kusina? Si Leslie kaya?" Dahan-dahan akong naglakad at muntikan pa akong mapasigaw ng makilala kung sino ang naririto ngayon sa aking bahay.
Naka-top less pa ito at suot ang apron. Tanging boxer shorts lang ang suot niya at nakatalikod siya sa akin. Kitang-kita ko ang paggalaw ng kaniyang mga muscle sa braso habang siya'y nagluluto. Napapalunok na lang akong bigla at tila ay para akong biglang nauhaw.
Nang humarap naman siya sa akin ay doon lang ako natauhan. Ngumiti naman siya sa akin at akmang lalapit sa akin nang pigilan ko siya.
"Diyan ka lang!" Napahinto naman siya sa paglapit sa akin at pinagkrus ko naman ang aking mga braso.
"What are you doing here?"
"I miss you sweety"
Gaga ka Kristine huwag kang magpapadala sa mga salita niya, 'wag kang maging pokmaru! wika ko sa aking isip. Natawa naman ako ng pagak at tinaasan siya ng kilay.
"Talaga? Sa pagkakaalam ko pitong buwan na tayong tapos at ni minsan hindi ka nagparamdam sa akin. Tawag nga ako nang tawag sa'yo pero ayaw mo naman akong kausapin. Tapos ngayon sasabihin mong miss mo 'ko? Gago ka ba?!"
"What?! Kailan ka pa natutong magmura?" Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya dahil kahit minsan ay hindi pa niya ako narinig magmura.
"Ngayon lang! Ano bang ginagawa mo kasi rito?!"
"I want to make it up to you Kristine. Kaya ako pumunta rito para humingi ng tawad. I'm sorry Kristine, I know it's my fault narealize ko na hindi ko kayang mawala ka"
"Seven months Mazer. Pitong buwan akong naghintay sa'yo. Naging miserable ang buhay ko dahil umaasa ako na susundan mo 'ko rito tapos malalaman ko na may iba ka na"
"Sweety, wala akong iba. Simula noong umalis ka hindi na ako nagka-interes sa iba. Kung nakita mo man 'yong kay Cezil that's not true at isa pa nagakaroon din kasi ng problema ang kumpanya kaya hindi kaagad ako nakapunta rito"
"Oh talaga? Ang sweet-sweet niyo pa nga kulang na lang ikiskis niya 'yong nguso niya sa nguso mo!" Pansin ko naman na natatawa siya na lalo kong ikinainis.
"Siya ang lumapit sa akin at wala akong balak magpalandi sa kaniya okay. And how about you and Wilfred? Paano mo maipapaliwanag iyong tungkol sa inyo ng kumag na 'yon?" Nanlaki naman ang mata ko sa tinawag niya kay Wilfred.
"He's just a friend at ka-trabaho ko lang siya"
"Oh really?"
"Teka nga muna ha, paano ka nakapasok dito?" Lumapit naman siya sa akin ng bahagya at bigla na naman akong napalunok. Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko ang katawan niya.
"Hindi mo pa rin talaga nakakalimutan"
"A-ang alin?"
"That day when you said yes," mataman ko siyang tinitigan at maya-maya ay ako na rin ang nagbaba ng tingin.
"Actually papalitan ko na talaga 'yon"
"Don't you dare"
"At bakit? Hoy Mazer wala na tayo remember?"
"But I want you back"
"Wow! So gano'n lang 'yon? Isang pitik lang at isang matatamis na salita mo lang tayo ulit?"
"I'll do whatever you want and everything just to make you mine again Kristine." Natigilan naman akong bigla at tinitigan siyang maigi. Kita ko ang pagka-seryoso sa kaniyang mukha. Naalala ko naman ang mga sinabi sa akin ni Leslie. Lumapit pa ako ng konti sa kaniya at nginisian siya.
"Everything? And whatever I want?"
"Yes sweety, everything"
"Be my personal bodyguard and driver and P.A na rin kung puwede?" Mas ikinagulat ko ng bigla niyang hapitin ang bewang ko at bumulong sa akin.
"Your wish is my command. And don't you dare flirt with other guys especially with that small dick." Tinulak ko naman siya at sinamaan ng tingin.
"Small d**k?! How did you know he's small?"
"I know because I'm a guy"
"Alam mo ang yabang mo rin eh! Bakit 'yang sa'yo malaki ba ha?"
"Bakit hindi ba?" Nakangisi niyang wika. Nanlaki naman ang mata ko at tinakpan ang aking dibdib ng dumako ang tingin niya roon.
"Sweety kahit takpan mo pa 'yan nakita ko na 'yan kagabi, I mean dati pa"
"What?!" Sigaw ko sa kaniya. "Ikaw ang nagpalit ng damit ko?!"
"Yes"
"Bakit mo 'ko pinalitan? Bastos ka talaga!"
"Sweety ang baho mo kaya." Mas lalo akong nainis dahil sa sinabi niyang iyon.
"Wala kang pakialam kung mabaho ako saka bahay ko 'to!"
"Gusto kitang yakapin eh." Natigilan naman ako at mataman siyang tinitigan. "Namiss ko ang lahat-lahat sa'yo Kristine." Halos parang hindi na ako makahinga dahil sa mga sinasabi niya. Magpapaka-marupok na ba ako? Hinawakan niya ang pisngi ko at napapikit na lang ako dahil sobra kong namiss ang haplos niyang iyon.
"I want you back, that's why I'm here." Napamulat ako at muli siyang tinitigan.
"You want me back? Puwes, paghirapan mo!" Pagkasabi kong iyon ay tumalikod na ako at bumalik muli sa aking kuwarto. Sumandal naman ako sa likod ng pinto at hinawakan ko ang aking dibdib at ang lakas ng t***k nito. Sa pitong buwan naming hiwalay ay hindi pa rin nagbago ang t***k nito at tanging si Mazer lang ang nagpapabilis ng t***k ng puso ko.
"Diyos ko magiging marupok na ba ako? Bakit kasi ang sarap-sarap niya? Kinikilig tuloy ako, sana makaya ko pa." Bulong ko naman sa aking sarili.