Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili ay pinasadahan ko naman ang itsura ko sa harap ng salamin.
Naka-suot ako ng white crop-top at rip jeans, and of course mahilig akong magsuot ng four inches heels. Inilugay ko lang ang alon-alon kong buhok na kulay tsokolate. Naglagay naman ako ng light make-up pero ang labi ko ay palong-palo. Siguro ay nakasanayan ko na ang maglagay ng red lip stick simula noong maghiwalay kami ni Mazer. Iyon kasi ang pinaka ayaw niyang kulay mas bagay daw kasi sa akin ang pink lipstick.
Pero ngayon malakas ang loob ko dahil wala na naman kami at wala siyang karapatang pagbawalan ako kung gusto niyang magkabalikan kami. At kung talagang sincere siya, puwes paghirapan niya at hindi ako ang susunod sa kaniya.
Kinuha ko na ang pouch bag ko sa kama at lumabas na ng kuwarto. Nakita ko naman si Mazer na nakaharap sa may bintana ng sala at tila may kausap sa kaniyang telepono, at ang isang kamay nito ay nasa bulsa ng kaniyang pantalon.
Hinagod ko naman ang itsura niya at napakagat labi na lang ako ng mapunta ang tingin ko sa kaniyang puwet. Hindi naman mainit pero parang pinagpapawisan ako at nakailang lunok ako. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi siya kalibog-libog, kahit anong itsura niya ay parang lagi akong lalagnatin lalo na kung madikit lang ako sa kaniya. Kaya nga noong kami pa ay ilang beses na ring may nangyari sa amin at masasabi kong halimaw siya sa kama kahit na pareho naman kaming virgin.
Natauhan lang ako ng pumihit siya paharap sa akin at biglang kumunot ang noo niya ng suriin niya ang aking itsura.
"Okay I gotta go, i'll call you later,"sabi niya sa kaniyang kausap. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa aking braso at isinandal sa pader.
Halos mapapikit ako at hindi makahinga dahil sa lapit ng mukha niya sa aking mukha. Nang magmulat ako ay mataman siyang nakatitig sa aking mga labi.
Oh no! Huwag mo akong hahalikan, baka hindi ako makapagpigil maging marupok ako at dalhin kitang bigla sa kama kapag ganitong tigang ako ngayon. Wika ko sa aking isipan.
"What happened to your lips? Para kang kumain ng maraming sili dahil diyan sa kulay ng lipstick mo, at saka 'yang suot mo I don't like how you dress." Napamaang ako sa kaniyang sinabi at itinulak siya palayo sa akin.
"Hoy Mazer for your information wala kang karapatang pagbawalan ako. Unang-una sa lahat wala na tayo__"
"Pero nanliligaw ako sa'yo," putol niya sa susunod kong sasabihin.
"Nanliligaw ka pa lang pero hindi pa ulit kita boyfriend"
"Sorry Kristine pero maramot ako pagdating sa'yo. Ayokong may mga matang gumagala lalo na pagdating sa katawan mo"
"Bakit malaswa ba ang suot ko? Hindi naman ah! At isa pa malaya akong isuot kung ano ang gusto ko, nanliligaw ka pa lang at nasa akin pa rin ang desisyon kung babalikan pa kita o hindi," may diing wika ko sa kaniya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at lumapit pa ng bahagya sa akin kaya napaatras ako at lumapat ang likod ko sa malamig na pader.
"Change," utos niya sa'kin.
"Ayoko"
"Ayaw mo talaga?"
"Ayoko nga!" Nagulat na lang ako ng buhatin niya 'ko papasok sa aking kuwarto at inihiga sa kama. Itinaas niya pa ang aking dalawang kamay at pumatong sa akin na ikinalaki ng mga mata.
"What do you think your doing?!"
"Sabi ko magpalit ka ng damit mo pero ayaw mo. Gusto mo bang maranasan ulit ang pagiging malandi ko sa kama?" Sabay ngisi niya sa akin. Nagpupumiglas ako pero sadyang malakas siya. Nagulat akong bigla nang maramdaman ang kaniyang kaumbukan sa may puson ko, kaya naman mas lalo bumilis ang t***k ng puso ko.
"Puwede ba Mazer pakawalan mo na 'ko harrasment na 'to ah!"
"Magpapalit ka ba o gusto mong harrasin talaga kita ng tuluyan?" Parang mas gusto kong magpaharass pero syempre kailangan kong pigilan ang sarili ko kahit na super hot pa niya. Ayokong isipin niya na gano'n lang ako kabilis bumigay sa kaniya.
"Okay fine magpapalit na 'ko." Unti-unti naman niyang niluwagan ang pagkakapako niya sa dalawang kamay ko at umalis na sa aking ibabaw.
"Good, I want a descent look and please change the color of your lipstick hindi bagay sa'yo ang pula." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niyang 'yon at saka lumabas na rin sa aking kuwarto.
Padabog akong tumayo sa aking kama at tinungo ang aking walk-in closet. Naghanap akong muli ng masusuot at mabilis akong nagpalit. Pagkatapos kong magpalit ay nakita ko si Mazer na nakatayo na malapit sa may pintuan. Tipid siyang ngumiti sa akin at binuksan na ang pinto at nauna na akong lumabas sa kaniya.
Nasa labas na kami ng aking tinutuluyan at pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng kotse ngunit binuksan ko ang likod nito at doon ako umupo. Napamaang naman siya at muling isinara ang pinto. Sumakay na siya sa may driver seat at binuksan na ang engine.
"Saan tayo sweety?" Tanong niya bago niya paandarin ang kotse. Nakatingin siya sa rear view mirror at suot naman niya ang kaniyang sun glasses.
Kaya ko pa bang magpigil? Bakit ba naman kasi ang guwapo niya?! Nakakainis! Kung puwede nga lang magpapangit siya eh! Bulong ko sa aking isipan.
"Sa Meilaville Tower," tipid kong sagot sa kaniya.
"Where is it?" Napa-irap naman ako sa kaniya at napabuga ng malakas sa hangin.
"Bakit kasi nagtatanong ka pa hindi mo naman pala alam?"
"Kaya tinatanong ko rin sa'yo para ituro mo sa'kin 'yong direksyon"
"Okay fine! Let's go dahil male-late na 'ko sa appointment ko"
"May regla ka siguro? Ang sungit mo eh," bulong naman niya.
"W-what?!"
"Wala, ito na sweety aalis na po"
"Don't call me sweety baka mamiss-interpret pa nila kung sino man ang makakarinig sa'yo.
"I'll call you whatever I want from now on. Dahil ikaw ay para kay Mazer Brilliantes lang wala ng iba naiintindihan mo?" Bago pa ako makapagsalita ay pinaandar na niya ang sasakyan at tulala lang ako dahil sa sinabi niyang iyon. Siya talaga ang Mazer na nakilala ko. Possessive, sweet at higit sa lahat papagurin ka sa kama. Napailing na lang ako ng bigla kong maisip ang mga bagay na 'yon masyado yata akong nagiging malibog pagdating sa kaniya. Napansin naman niya ito.
"Something bothering you?" Napatingin akong bigla sa rear view mirror.
"W-wala." Simula noon ay hindi na kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa aking pinagtatrabahuhan.
Habang naglalakad naman kami patungo sa aking opisina ay nagka-kandahaba naman ang mga leeg ng mga kababaihang nakakasalubong namin. Iyong iba naman ay sumasabay sa paglalakad namin na kunwa'y sa ibang direksyon pupunta. Binilisan ko pa ang aking paglalakad para makaiwas na rin sa mga babaeng haliparot na nagpapa-cute kay Mazer. Pagkapasok ko sa aking opisina ay naabutan ko si Leslie na prenteng nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine.
"Hi Kris__" natigilan siyang bigla nang makita niya si Mazer na kakapasok lang din sa aking opisina. Napatutop pa siya ng bibig at nanlaki ang mga matang napatitig sa akin.
"M-mazer?"
Hi Les," bati niya naman kay Leslie. Kilala niya si Leslie dahil dati siyang nililigawan ni Sef na kaibigan naman niya noong college.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Para manligaw ulit kay Kristine." Pansin ko ang pagtaas ng kilay ni Leslie at pinagkrus pa ang mga braso niya.
"Manligaw kamo? E bakit ngayon lang? Sana noon pa Mazer!"
"Yeah you're right, I was wrong. Kaya nga ako nandito eh. Nagmatigas ako at higit sa lahat naging makasarili"
"Alam mo ba kung paano naging miserable ang buhay niya rito sa pitong buwan na naririto kami sa France?"
"Leslie please! I don't want to remember that," pigil ko sa kaniya. Ayokong malaman pa 'yon ni Mazer. Magsasalita pa sana si Leslie ng bigla namang dumating si Wilfred.
"Bonjour," bati niya sa amin. Bumeso pa siya sa akin at kita ko ang sama ng tingin ni Mazer kay Wilfred.
"Who is he?" Baling niya kay Mazer. Magsasalita sana si Mazer ng ako na ang sumagot.
"He's my new driver ang personal bodguard also." Nagulat pa si Leslie sa akin at ganoon din si Mazer.
"Friend bakit mo sinabi 'yon? Tignan mo 'yong ex mo parang gustong sapakin si Wilfred," bulong sa akin ni Leslie.
"Est-ce vrai? (Is that so?) "Ravi de vous recontrer Mr.?" (Nice to meet you Mr.?) Naku baka lalong magalit si Mazer dahil hindi niya maintindihan si Wilfred, bulong ko naman sa aking isipan.
"He doesn't understand french," bulong ko kay Wilfred.
"Je suis Mr. Mazer Brilliantes petit ami de Kristine Veiness" (I'm Mr. Mazer Brilliantes boyfriend of Kristine Veinezz") Pareho kaming napatulala ni Leslie dahil sa sinabi ni Mazer.
Apat na taon kaming naging magkasintahan pero ni minsan ay hindi ko siya narinig magsalita ng ibang lenguwahe bukod sa english.
"Boyfriend?" Takang tanong ni Wilfred at tumitig pa ito sa akin.
"Yes boyfriend"
"Hoy Mazer! Hindi boyfriend kun'di ex na okay!"
"Do'n din ang punta no'n!"
"Paano ka nakakasiguro? Lumapit pa siya sa akin ng konti kaya medyo napaatras na naman ako.
"Because you told me last night that you hate me but you still love me so much." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa aking narinig. Kailan ko sinabi 'yon sa kaniya? Bakit wala akong matandaan na sinabi ko sa kaniya 'yon? Napapikit na lang ako ng mariin dahil lasing ako kagabi at nasabi ko ang mga katagang iyon.
Lumapit pa siya sa akin at bumulong. "Alam kong hindi mo siya gugustuhin, kung tatanungin mo ako kung bakit, As I told you mas gusto mo pa rin ang malaki kaysa sa maliit." Hindi ako makapagsalita at tinitigan si Leslie kung narinig niya ang sinabi ni Mazer. Mataman lang niya kaming pinagmamasdan at wari ko nama'y hindi niya narinig. "Kaya kong magtiis sweety, pero ikaw? I don't know. Pigilan mo hangga't kaya mo sweety." Magsasalita sana ako pero mabilis siyang tumalikod sa akin at lumabas na ng aking opisina.
"s**t!" Mahinang mura ko.