CHAPTER 9

1419 Words
"What?!" Sigaw ko sa mga staff. Narito kami sa studio at hindi lang naman dumating ang model na kinuha ng isa sa mga staff ko dahil may biglang event daw itong pupuntahan. "Madame, nous sommes desoles de vous informer que__"(ma'am we're sorry to inform you that__") "Okay je vais le faire!" (okay I'm going to do it!") Napatingin si Leslie at Mazer sa aking sinabi habang tinatanggal ko ang suot kong blazer. Lumapit pa si Leslie sa akin at bumulong. "Hoy Kristine sigurado ka ba diyan? Hindi kaya maggalaiti 'yang ex mo kapag nakita niya kung anong klase iyang imomodel mo?" Mariing wika niya sa akin na hindi man lang niya binubuka ang bibig niya. "Wala siyang karapatang pagbawalan ako dahil hindi ko siya boyfriend at kailangan kong tapusin ang trabahong ito dahil kung hindi madedelay tayo sa deadline," mariing wika ko naman kay Leslie. "Ikaw ang bahala Kris, pinapaalalahanan lang kita dahil kilala ko 'yang ex mo mula ulo hanggang ulo" "Anong mula ulo hanggang ulo?" Takang tanong ko naman sa kaniya. "E 'di mula ulo hanggang ulo niya sa baba," sabay ngisi niya sa akin na ikinalaki ng mata ko. Magsasalita pa sana ako nang lumapit naman sa kinaroroonan namin si Mazer. "Ikaw ang magmomodel?"hinarap ko naman siya at humalukipkip sa kaniya. "Yes! Wala namang ibang gagawa kaysa tumawag pa kami ng ibang model magagahol lang kami sa oras at marami rin akong meeting na dadaluhan ngayong araw" "Anong imomodel mo?" "Damit" "Like what?" "Basta damit! Wala ka na ro'n at saka puwede ba huwag mo akong pakialaman you're my bodyguard, driver and also my P.A only" "And your suitor also," dagdag naman niya. Napatulala ako sa kaniya at kalauna'y nag-iwas rin ng tingin dahil baka biglang bumigay ako sa kaniya kapag hindi ko napigilan ang sarili ko. "Miss Veiness, soyes prete, dans quelques minutes nous allons commencer" ("Miss Veinezz be ready, in a few minutes we're about to start") Tinalikuran ko na siya at pumunta na ako sa dressing room para isuot ang aking imomodel. Sumunod naman sa akin si Leslie para umalalay sa akin. "Naku Kristine ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon niyang si Mazer kapag nakita niya ang itsura mo," saad sa akin ni Leslie nang matapos kong isuot ang two piece swim suit na imomodel ko. Nakalugay naman ang ang alon-alon kong buhok. "Wala siyang magagawa trabaho ko 'to. At kung ayaw niyang makita ang itsura ko lumabas na lang siya ng studio!" "Weeeh?! Maka-ganiyan ka kaya after ng shoot mo? Naku Kristine salita lang ni Mazer baka matameme ka" "Kanino ka ba kampi ha?" Inis ko siyang tinignan sa salamin at nakaupo naman siya sa may sofa. "Sinasabi ko lang Kristine, parang hindi mo naman kilala 'yang ex mo, sobrang possessive grabe! Parang bata na ayaw maagawan ng candy." Gano'n si Mazer, laging iyon ang pinagdidiskusyunan namin kapag ayaw niya ang mga isinusuot ko. At higit sa lahat ayaw niya na ako ang nagmomodel ng mga gawa ko kapag sobrang daring nito. Ilang minuto pa ang lumipas ay tinawag na rin ako ng assistant para simulan na ang shoot. Sinuot ko muna ang ward robe ko bago ako lumabas ng dressing room. "Goodluck Kristine," sabay ngisi ni Leslie sa akin bago siya lumabas na alam ko na ang ibig niyang sabihin. Hindi ko alam pero bigla naman akong kinabahan. Napabuntong hininga naman ako bago lumabas ng dressing room. Pagkalabas ko ng dressing room ay nasilayan ko kaagad si Mazer na nakasandal sa may pader sa 'di kalayuan at nakahalukipkip. Bigla na naman akong kinabahan dahil sa awra niyang iyon. Kilala ko ang mga ganoong tingin ni Mazer. "Okay take off your ward robe Kristine," wika sa akin ng baklang photographer. Hindi ko siya sinunod at inulit niya pa ang kaniyang sinabi. "Kristine you should take off your ward robe so that we can start now" "Ah y-yes," tumingin muna ako kay Mazer at hindi naman niya inaalis ang kaniyang pagkakatitig sa akin. Nang tanggalin ko na ang ward robe ko ay nagsimula na akong mag-pose. Hindi ko na muling sinulyapan si Mazer dahil baka ma-distract lang ako at mawala sa focus. Matapos ang ilang shots ay pinagpalit naman ako ng ibang swim suit. This time medyo may pagka-daring ang isang ito. Red swim suit ang suot ko na de-tali naman sa leeg at halos kita na rin ang pisngi ng hinaharap. At ang panty ko naman ay de-tali rin na kita ang aking singit. Sinadya kong hindi sulyapan si Mazer hanggang sa matapos ang shoot. Wala akong dapat ikatakot dahil wala naman kaming relasyon at wala siyang karapatang pagbawalan ako. Nang matapos na ang pictorial ay kaagad akong dumeretso sa dressing room para makapagpalit ng damit. Ngunit hindi ko naman inaasahan na naroon pala si Mazer at prenteng nakaupo sa sofa. Nakahalukipkip ito at nakapikit pa ang kaniyang mga mata. Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay mataman niya akong tiningnan. Naka-ilang lunok pa ako dahil alam ko ang ganoong awra niya. Hindi ko naman ito pinahalata sa kaniya at bagkus ay deretso lang akong pumasok at binuksan ang cabinet para kunin ang damit ko. Hindi ko pa nakukuha ang susuotin ko ng bigla niya itong isara na ikinagulat ko. Sumandal pa siya at inihilig niya pa ang kaniyang ulo para tignan naman ako. "What do you think you're doing?" Inis kong wika sa kaniya. "Gustong-gusto mong pinapakita sa iba 'yang katawan mo huh" "It's my job Mazer" "It's not your job Kristine. Taga-salo ka ng hindi umaattend ng shoot" "What do you want me to do? Hindi pwedeng ma-delay ang shoot dahi__" hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat ko at isinandal sa cabinet. "I don't want them to see your body understood Kristine?" "You have no right to control me" "Is that so? What if I kiss you torridly in front of them? What would you do?" Mas lalo akong kinabahan dahil seryoso siya nang sabihin niya 'yon. Pero hindi ako patitinag sa kaniya. Ayokong ipakita sa kaniya na apektado ako sa sinabi niyang iyon. Tumawa lang ako ng pagak sa kaniya at muli siyang binalingan. "Hoy Mazer, hindi mo ako madadaan sa paganiyan-ganiyan mo ha! For your information, wala ka sa lugar para pagbawalan ako sa mga gusto kong gawin or gusto kong isuot dahil ex kita at hindi kita boyfriend. Inilapit naman niya ang mukha niya sa aking mukha kaya napasinghap naman ako at napapikit. "Diyos ko naman! Bakit ba ganito na lang ang epekto niya sa akin sa tuwing gaganituhin niya ako? Please lang Kristine huwag ka munang bibigay at pigilan mo ang sarili mo" Nang magmulat naman ako ay titig na titig naman siya sa akin at dumako ang mga tingin niya sa naka-awang kong labi. Ang bilis ng t***k nitong puso ko na parang isang tambol at tanging ito lang ang naririnig ko. "I hear your heart beat, and I know it's beating only for me," paos niyang wika sa akin. Napairap naman ako at itutulak na sana siya palayo ngunit mabilis niyang hinawakan amg kamay ko na nakahawak sa dibdib niya at inilapit niya pa ako sa kaniya. "Two weeks Kristine. In two weeks you'll be mine again." Binawi ko kaagad ang aking kamay at tinaasan siya ng kilay. "In your dreams Mazer" "Let's see sweety, alam kong pinipigilan mo lang at nararamdaman ko 'yon" "Kapal mo! Manigas ka Mazer!" Akmang lalagpasan na siya ng hilahin naman niya ako pabalik. Napapikit naman ako sa pag-aakalang hahalikan niya ako. Ngunit matagal akong nakapikit ng wala namang dumadampi sa aking mga labi. Dahan-dahan akong nagmulat at nakita siyang nakangisi sa akin. Tinulak ko siya palayo sa akin at sinamaan siya ng tingin. "See? Sample pa lang 'yan sweety. Sa susunod tototohanin ko na 'yan at sa may nakakakita na sa atin. Para malaman din ng Wilfred na 'yan kung saan siya lulugar dahil ang kay Mazer ay kay Mazer lang maliwanag?" Pagkasabi niyang iyon ay lumabas na siya ng dressing room at naiwan naman akong tulala. Napasandal na lang ako sa pader at naihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha. "Paano ko ba maitatago itong nararamdaman ko sa'yo? Kahit anong pigil ko sadyang nahahalata mo pa rin. Ganoon ba talaga ako ka-obvious?" Sabi ko na lang sa aking sarili. Gusto ko siyang bigyan pa ng isa pang pagkakataon pero may isang bagay akong kinakatakot na mangyaring muli. Iyon ay tuluyan na siyang mawala sa piling ko at hindi na ako ang piliin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD