CHAPTER 10

1608 Words
Nagising ako sa isang mabangong amoy na pumapasok sa loob ng aking kuwarto. Napabangon ako at isinuot ang aking roba bago ako lumabas ng aking kuwarto. Tinungo ko ang kusina at nakita ko si Mazer na nakasuot ng apron at abala sa kaniyang pagluluto. Napansin ko naman na may nakahain na sa lamesa na pagkain, napaawang ang aking labi ng makita ko na puro paborito ko ang mga niluto niya. Nakasandal naman ako sa pader at pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Nakakamiss ang mga panahong pinagsisilbihan niya ako ng ganito. Parati niya akong pinagluluto sa condo ko sa tuwing magagawi siya roon o ‘di kaya kapag ako naman ang pumupunta sa bahay niya. Gusto ko siyang yakapin sa kaniyang likuran na madalas kong ginagawa kapag pinagluluto niya ako. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko at hindi magpapatalo sa isinisigaw ng aking isip kahit na gustong-gusto ko na itong gawin. Pagkaharap niya sa akin ay hinubad na niya ang suot niyang apron at inilagay sa ibabaw ng mesa. Lumapit siya sa akin at tinukod niya ang kamay niya pader at mataman akong tinitigan. “Remember this?” “Remember what?” pagmamaangan ko namang sagot sa kaniya. “I cooked your favorite food” “I didn’t ask to cook for me” “Gusto kitang pagsilbihan kaya ko ginagawa ito” “Ang sabi ko driver,bodyguard at P.A lang kita. Wala naman akong sinabing magigig chef din kita” “Kristine__” umalis ako sa puwesto ko at sa sink naman ako sumandal at pinag-krus ko ang aking mga braso. “Why you’re doing this? Para mabawasan ang kasalanan mo sa’kin?” “It’s because I loved you and I want you back sweety!” napapikit ako dahil sa klase ng tawag niya sa akin. Akmang lalapitan niya ako nang pigilan ko naman siya sa paghakbang niya. “Stop right there! Hanggang diyan ka lang! napabuntong hininga na lang siya at seryoso akong tinitigan. “Kahit na ano pang pagpapahirap at kasungitan ang gawin mo sa akin hindi ako tatablan niyan Kristine. Tulad ng sinabi ko sa’yo.” Putol naman niya sa susunod niyang sasabihin at dahan-dahang lumapit sa akin. Itinukod niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko at inilapit niya pa ang sarili niya sa akin. Hindi naman ako nagpahalata na kinakabahan at tinitigan ko naman siya na walang emosyon. Kailangan kong ipakita sa kan’ya na hindi ako basta-basta bibigay sa mga pang-aakit niya at mga salita niya. “Two weeks Kristine. Kung tutuusin nga mahaba pa ‘yon eh.” Ngumisi naman ako sa kaniya at saka bumulong. “Anong akala mo sa’kin Mazer easy to get? Magdusa ka. Tabi nga!” sabay tulak ko sa kan’ya at umupo na sa hapag kainan. Tumabi naman siya sa akin at magsasandok na sana ako ng pagkain ng siya na gumawa nito. “Let me.” Hinayaan ko na lamang siyang gawin ito at hindi na nagsalita pa. Hindi ko naman napansin na napaparami na pala ako ng kain. An totoo nito ay namiss ko talaga ang luto niya. Kadalasan ay si Leslie ang naguluto sa akin o ‘di kaya naman ay nagpapadeliver na lang ako ng mga pagkain. Hindi rin naman kasi ako marunong magluto at isa pa wala rin akong oras na gawin pa ‘yon. Bago pa ulit ako sumubo ay napansin ko naman na nakahalumbaba siyang nakatingin sa akin at pinagmamasdan lang ang bawat galaw ko. Napahinto naman ako at tinaasan siya ng kilay. “Wala ka bang balak kumain at panunuorin mo lang ba ako?” “Mas gusto kong panuorin kang kumain. Pero mas gusto ko iyong pinapanuod mo akong kumain,” ngumisi naman siya sa akin na ikinataka ko. Ilang saglit pa ay nakuha ko rin ang ibig niyang sabihin. Pabagsak ko namang ibinaba ang hawak kong kubyertos at humalukipkip sa kan’ya. “Ang bastos mo no!” “Anong bastos sa sinabi ko?” “Ewan ko sa’yo Mazer! Nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa’yo.” Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako sa aking kaliwang braso. “I’m sorry binibiro lang naman kita. Sige na kumain ka na saka para sa’yo talaga ‘yang mga niluto ko” “Baka gusto mong kumain na rin para naman hindi mo ako pinapanuod kumain, hindi ako pelikula para panuorin mo,” masungit kong saad sa kan’ya. “Mas gusto kong pinapanuod ka dahil mas nag-eenjoy ako. At isa pa namimiss ko na rin iyong sinusubuan mo ako like how we used to” “Hindi ka naman siguro baldado ‘di ba? Kaya mo na ang sarili mo” “Do you still love me?” natigilan naman ako sa tanong niya sa akin. Kahit kailan ay hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya iyon at kung gaano ko siya kamahal pero nauunahan ako ng takot at pangamba. Pero syempre mas gusto kong magpakipot sa kaniya dahil ang sarap lang sa pakiramdam ng ligawan muli. “Hoy Mazer Brilliantes__” “Answer my question,” putol niya sa aking sasabihin. “Secret! Pagkasabi kong iyon ay pinagpatuloy ko na lang ang aking kinakain at hindi ko na siya tinignan. Nagulat na lang ako ng punasan niya ng kaniyang hinlalaki ang gilid ng aking bibig kaya napakurap-kurap akong tinitigan siya. “Ah, s-sige mauuna na ako tapos na akong kumain.” Saktong pagtayo ko naman ay hinila niya ang braso ko at hinapit ang aking bewang kaya napaupo ako sa kaniyang kandungan na ikinagulat ko. Sinamaan ko naman s’ya ng tingin at tatayo na sanang muli ngunit mahigpit ang pagkakayakap niya sa aking bewang. “Ano ba Mazer?! Hindi na ako natutuwa sa’yo ah!” “I still love you so much Kristine,” paos niyang wika sa akin at pareho kaming nakatingin sa isa’t-isa. Hinaplos naman niya ang aking pisngi at dumako ito sa aking mga labi. “I miss your touch, your sweet kiss and everything about you sweety.” Tila hindi naman makapagproseso ng maayos ang isip ko at hindi alam ang isasagot ko sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy ay ano mang oras ay bibigay na ako sa kan’ya at magiging marupok na ako. Pero syempre hindi muna ako bibigay dahil nag-eenjoy pa akong magpaligaw ulit sa kaniya. Nakakapagod din naman ang pitong buwan kong paghihintay sa kaniya at hindi man lang ako kinakausap. Kaya ngayon ako naman ang gaganti sa kaniya magdusa siya sa kakahabol sa akin ngayon. Mabilis akong tumayo at nakapamewang siyang hinarap. “You still love me huh? Mahal mo ako pero pitong buwan mo akong pinagmukhang tanga.” Tumayo na rin siya at hinarap ako. “Hindi sa gano’n Kristine” “Anong hindi sa gano’n Mazer? Ni minsan hindi ka nawala rito,” turo ko sa aking kaliwang dibdib. Araw-araw kitang iniisip na sana maintindihan mo ‘ko, na sana intindihin mo ako at hindi kita pinagpalit sa trabaho ko. Pero Mazer ni ha o ho wala akong narinig sa’yo. Iniisip ko nga na baka kinalimutan mo na ako eh. Tapos ngayon sasabihin mong mahal mo pa rin ako? Ganoon na lang ba kadali sa’yo ang lahat? Na kapag sinabi mong mahal mo ako kailangan bang sabihin ko ring mahal kita?” Natigilan naman siya at mataman lang na nakatingin sa akin. “I’m sorry,” tanging nasabi na lang niya. Hindi ko maintindihan pero parang nakaramdam ako bigla ng awa sa kan’ya masyado na yata akong nagiging harsh sa kan’ya. “Sige na maligo ka na ako na ang bahala rito baka mahuli ka pa sa trabaho mo eh.” Pagkasabi niyang iyon ay sinimulan na niyang ligpitin ang mga kinainan namin. Nagtungo na ako sa aking kuwarto at napaupo na lng sa gilid ng aking kama at sinabunutan ko ang aking sarili. “Oh my god! Anong ginawa ko? Masyado naman akong bad sa kaniya,” sabi ko sa aking sarili. Maya-maya ay tumawag naman si Leslie sa aking telepono at kaagad ko naman itong sinagot. “Hello Les?” “Kumusta kayo ni Mr. Slave mo?” natatawa naman niyang wika sa akin. Napa-ikot na lang ang mga mata ko dahil sa pang-aalaska niya. “Leslie hindi ba masyado ko siyang pinapahirapan?” “Hello Kristine! Two days pa lang na pinapahirapan mo siya no! Wala pa siya sa kalahati kumpara sa pagpapahirap niya sa’yo ng pitong buwan.” Kung tutuusin may point din naman si Leslie. Masyado ko lang siguro namimiss ang mga nakagawian namin katulad na lang noong kanina. “Don’t tell me Kristine bumibigay ka na sa kaniya?” “H-hindi no!” “Naku Kristine ha magpakipot ka naman kahit konti hayaan mo siyang maghabol sa’yo, kapag hindi siya nakatagal ibig sabihin hindi ka no’n mahal.” Naalala ko naman iyong sinabi ni Mazer sa aking two weeks. Baka nga wala pang two weeks ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko bigla na lang akong bumigay sa kaniya kapag hindi pa niya tinigilan ang kakalandi sa akin. Hindi ko na ito sinabi kay Leslie dahil baka kung ano-ano na naman ang marinig ko mula sa kan’ya. “Oo na! sige na maliligo na rin ako dahil ang dami ko pang meeting na kailangan puntahan.” Matapos kaming mag-usap ay tinungo ko ang aking walk-in closet at pumili ng damit na susuotin ko. Napadako naman ang tingin ko sa litrato namin ni Mazer na nakalagay sa ibabaw ng aking drawer. Kinuha ko ito at pinaka-titigan. “I still love you my heart, I really do love you so much.” Kasabay ng pagbigkas ko noon ay siya namang pagpatak ng aking mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD