Nakarating kami ni Mazer sa aking opisina na hindi man lang nag-uusap. Simula noong nangyari sa bahay ay hindi na niya ako pinansin o kaya’y kinausap man lang. Masyado yata masakit ang mga sinabi ko sa kan’ya. Nakaupo ako sa aking swivel chair at nakatulala sa kawalan. Hindi ko naman namalayan na nakapasok na pala sa loob ng opisina ko si Leslie at nakahalukipkip sa aking harapan.
“Hoy Kristine kanina pa kita pinagmamasdan diyan, kanina ka pa nakatulala! May nangyari ba sa inyo ni Mazer?”
“Ang bastos mo! Walang nangyari sa amin okay!”
“Gaga! Kung may may naging problema kayo iyon ang ibig kong sabihin. Bakit gusto mong magpabaldado ulit sa kaniya?”
“Ewan ko sa’yo Les abnormal ka talaga kausap!” umupo naman siya sa aking harapan at nakahalumbabang nakatingin sa akin.
“Nag-aalala ka kasi baka iwan ka na naman niya?” hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Ang totoo niyan ay iyon din ang kinakatakot kong mangyari baka sa kakapabebe ko ay iwan na niya ako ng tuluyan.
“Magsisinungaling ba ako kung sasabihin kong hindi?”
“Kristine, I know how you trully love him. Pero ito lang ang maipapayo ko sa’yo, don’t give your hundred percent to him. Magtira ka para sa sarili mo para naman hindi ka sobra-sobra nasasaktan”
“I know Leslie. Miss na miss ko na kasi si Mazer eh. Alam mo ‘yong gusto ko siyang yakapin at halikan pero pinipigilan ko lang itong sarili ko”
“So anong plano mo? Patatawarin mo na kaagad siya at makikipagbalikan na sa kan’ya? Nakanguso akong tumango sa kaniya. “Hay naku Kristine ang rupok mo talagang babaita ka! Pero kapag nasaktan ka ulit huwag na huwag ka ng makikipagbalikan sa kan’ya ah! Hindi lang siya ang masarap papakin sabihin mo sa kan’ya ‘yan!”
“Sobra ka Les ha!”
“Masarap ba talaga siya kaya hindi mo siya makalimutan?”
“Ano ba naman ‘yan Leslie!”
“Parang tinatanong ka lang eh! Alam mo namang birhen na birhen ako kaya gusto kong malaman.” Tumayo na ako para lumabas na ng aking opisina dahil masyado na akong nakukulitan kay Leslie. “Ano na Kristine?” kinukulit pa rin niya ako habang naglalakad kami patungo sa studio. Napahinto naman ako sa paglalakad at hinarap siya.
“Oo sobrang sarap Leslie! Ano happy ka na?” Napatutop siya ng bibig at nanlaki pa ang mga mata.
“OMG ka Kristine! Magaling ba sa kama?”
“Ano bang klaseng tanong ‘yan Leslie?!” nagpalinga-linga pa ako dahil baka may nakakarinig sa aming pinag-uusapan at lalo na si Mazer baka sabihin pa niya ay tsinitsismis ko ang ginagawa namin.
“E paano ba naman kasi hibang na hibang ka kay Mazer, baka kako malaki kaya hindi mo makalimutan.” Napapailing na lang ako dahil sa mga sinasabi ni Leslie.
Saktong pagkapasok namin sa loob ng studio ay nabungaran ko kaagad si Mazer. At mas ikinagulat ko na kausap niya ang isa a mga modelo at parang ang saya-saya pa nilang magkausap. Pansin ko ang pag-ngiti ni Mazer sa kaniya na ni minsan ay hindi niya pa ako nginitian ng ganoon simula ng dumating siya rito.
Sa inis ko ay dere-deretso akong naglakad sa kanilang harapan at hindi siya pinansin. Kinausap ko ang photographer at tinignan ang mga kuha niya. Nakasimangot ako habang pinagmamasdan ang mga litrato dahil iyong modelo na kausap lang naman ni Mazer ang nagmodel ng mga gawa ko.
“Quel genre de pose est-ce?!” (What kind of pose is this?!”) sigaw ko habang tinitignan ang mga picture sa computer. Napatingin ang lahat ng naririto sa studio maging si Mazer ay matamang nakatitig sa akin.
“Desole mademoiselle Kristine, repetons cela plus tard” (“Sorry Miss Kristine, let’s do that again later”)
“Non! Je le veux maintenant!” (No! I want it now!”) wala silang nagawa kun’di sundin ang utos ko. Naupo ako sa harap at pumwesto na ang modelo ko para ulitin ang mga kuha niya kanina.
“Kristine bakit bigla yata uminit ‘yang ulo mo?” wika ni Leslie sa akin na katabi ko naman.
“Hindi gano’n ang gusto kong mga pose”
“Weeh? Sure ka?” tinitigan ko naman siya at tinaasan ng kilay.
“Ano bang gusto mong marinig?”
“Nakakaamoy kasi ako ng jelly fish eh”
“Jelly fish?”
“Oo. Kasi nagseselos ka sa modelong kausap ng ex mo at siya ang napagbuntunan mo”
“O-of course not!” umiwas ako ng tingin sa kaniya.
“I know you Kristine.” Hindi na ako nagsalita pa dahil inaasar lang ako ni Leslie.
Habang nagpipictorial naman ay panay ang tingin ng haliparot na modelo kay Mazer na siyang ikinainis ko. Gusto kong hilahin ang buhok niya at kaladkarin siya palabas ng studio, pero nagtitimpi lang ako sa kaniya. Mas lalo akong nainis noong pagtingin ko kay Mazer ay nakangiti naman siya sa modelong haliparot. Lumapit ako sa babae at nakahalukipkip siyang hinarap.
“Puwede ba ha! Magtrabaho ka muna bago ka lumandi!” napaawang naman ang labi niya sa aking sinabi. Ngumisi ako sa kan’ya at tinaasan pa siya ng kilay. “Hindi mo ako maintindihan? Puwes problema mo na ‘yon! Masyado ka kasing haliparot!” tumalikod na ako at lumabas na ng studio. Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Leslie dahil sa sobrang inis.
Pabagsak kong isinara ang pinto at naupo sa aking sofa. Sumandal naman ako at mariing pumikit. Narinig ko na may nagbukas ng pinto at alam kong si Leslie ‘yon
“What should I do Les? I’m f*****g jealous! Hindi ko gustong nakikipag-usap siya sa iba,” wika ko habang nakapikit ako. Hindi ko naman namalayang may tumulong luha na pala sa aking pisngi. Naramdaman ko naman na tumabi siya sa akin at pinunasan ang luhang dumaloy sa aking pisngi. Napamulat ako at nabungaran ko si Mazer na nakangiti sa akin.
Napabalikwas ako at lumayo sa kan’ya ng bahagya. Napakagat naman ako ng aking ibabang labi dahil narinig niya ang aking mga sinabi. “A-anong g-ginagawa mo rito?” nauutal kong wika sa kaniya.
“I'm worried about you. Iyon pala ang kinaiinit ng ulo mo.” Napairap naman ako sa kan’ya at tumikhim.
“It’s because she’s not doing her job”
“It’s because you’re jealous”
“I’m not!”
“I hear you.” Napapikit na lang ako dahil alam ko naman na malinaw sa pandinig niya ang sinabi ko kanina. “Now, sweety am I right?”
“I’m sorry I have a meeting,” tumayo na ako at hinawakan naman niya ang aking kamay at pinagsiklop ito. Mahigpit ang pagkakahawak niya kaya napatingin na lang ako sa kaniya.
“I miss the old times sweety and also you.” Napatingala siya sa akin at saka tumayo. Hinaplos niya ang aking pisngi at pinagdikit ang aming noo. Naaamoy ko pa ang mabangong hininga niya na talaga namang kinababaliwan ko at ang sarap-sarap niyang halikan. “I’ll wait sweety until you said that you love me.” Ang bilis ng t***k ng puso ko, parating ganito kapag si Mazer na ang kaharap ko. Kailanman ay hindi ko ito naramdaman kay Marco kahit na minahal ko pa siya noon. Pero si Mazer, ewan ko ba bakit ganito na lang ang dating niya sa akin kahit na nagkahiwalay kami at nawalan ng komunikasyon ay hindi pa rin siya nawala sa puso ko at patuloy na umaasang babalik siya sa akin. At ito na nga ang pagkakataong ituloy ang relasyon namin.
“Wala na akong iba pang mamahalin Kristine kun’di ikaw lang. Hinding-hindi na kita iiwan pa basta mahalin mo lang ulit ako.” Lumayo naman ako ng bahagya sa kaniya at tinitigan siya. Sino ba naman kasi ang babaeng hindi mahuhumaling sa kan’ya? Tingin pa lang talaga namang nakakatunaw na. Sasagot na sana ako ng bigla namang pumasok si Wilfred na ikinagulat naming pareho.
“Oh I’m sorry did I disturb you?”
“No, no it’s okay”
“It’s not okay!” inis niyang sabi kay Wilfred. Sinamaan ko naman siya ng tingin at binalingan na lang si Wilfred.
“What brings you here?”
“I’m gonna invite you at the party later. Because I signed the contract at the Letud Magazine”
“Oh really?! Well, congratulation! Okay I’ll be there”
“Teka lang Kristine pupunta ka?” nakakunot niyang wika sa akin.
“Oo bakit?”
“I’ll go with you”
“But I only have one invitation card and exclusive only for Kristine.” Napapikit ng mariin si Mazer at sinulyapan si Wilfred.
“Well, she’s not going. I’m her driver and personal bodyguard.” Napahilot na lang ako sa aking sentido at pilit na ngumiti kay Wilfred.
“Okay I’ll talk to the organizer of the event so that he can come with you”
“Thanks Wilfred,” pagkasabi kong iyon ay nagpaalam na rin siya.
“Ang ganda ng ngiti mo sa kan’ya ha.” Napasimangot na lang akong bigla at pinanliitan siya ng mata.
“Ikaw nga kanina halos makita ko na ‘yang utak mo sa lapad ng ngiti mo sa haliparot na modelo na ‘yon! Tapos ngayon pagbabawalan mo akong ngumiti kay Wilfred ibang klase ka rin ano?” Imbes na sagutin ako ay tumawa naman siya ng nakakaloko na mas lalo kong ikinainis.
“Still you as ever sweety”
“Ewan ko sa’yo Mazer!” Saktong pagtalikod ko naman sa kan’ya ay niyakap niya ako mula sa aking likuran kaya napasinghap ako.
“I miss your jealousy sweety. Tulad ng sinabi ko sa’yo maghihintay ako na sabihin mo ulit sa akin na mahal mo ako hindi iyong lasing ka.” Bigla naman akong nag-init dahil ramdam na ramdam ko sa aking likuran ang kan’yang mahabang sandata. Hindi ko alam kung buhay na ba ‘yon o sadyang malaki lang siya talaga. Napakagat na naman ako ng ibabang labi ko ng halikan niya ako sa aking leeg. Pakiramdam ko tuloy ay parang tumayo lahat ng mga balahibo ko sa katawan.
“Tang-ina naman Mazer mabibitin ako rito eh! Bakit ba kasi dito mo ako gustong landiin alam mo namang unti-unti na akong rumurupok,” sabi ko na lang sa aking isipan.
“Kapag akin ka na ulit Kristine sisiguraduhin kong kekembot ka ulit sa ibabaw ko at mamamaos ka sa kakasigaw ng pangalan ko,” bulong niya sa’kin na ikinakaba ko dahil hindi lang siya basta s*x lang kun’di hard and wild.