“What is it Seff?” wika ko sa kabilang linya at umagang-umaga ay kanina pa siya tawag nang tawag sa akin. Kagigising ko lang at nakahiga pa ako sa aking kama at nakapikit pa habang kausap siya.
“Dude hinahanap ka ni Miss Cezil, palagi nga pumupunta rito sa opisina mo eh akala yata tinatago ka namin.” Napabangon akong bigla at ginulo ko ang aking buhok. Napahilamos ako ng aking palad at tumayo na sa aking kama.
“Anong sinabi mo?”
“Sabi ko nasa out of town ka at hindi namin alam kung kailan ka babalik. Ayon araw-araw pa rin pumupunta rito sa opisina mo at nagbabakasakali na sumulpot kang bigla”
“Hayaan mo lang siya. Basta ang bilin ko huwag na huwag mong sasabihin kung nasaan ako maliwanag ba?”
“Sure! Saka okay na ba kayo ni Kristine?” napabuntong hininga ako at naupo sa dulo ng aking kama.
“Not yet. Nililigawan ko pa ulit siya”
“Naku dude mukhang mahihirapan ka yata kay Kristine ah”
“Okay lang kahit pahirapan niya pa ako o ‘di kaya ipagtabuyan niya ‘ko ng ilang beses hindi ako titigil hangga’t hindi siya nagiging akin muli”
“Naks naman Mazer! Bakit naman kasi pinaabot mo pa ng ilang buwan? E ‘di sana nakaka-ilang putok ka na ngayon!”
“Shut up Seff! Hindi lang naman iyon ang gusto ko, kun’di si Kristine. Gusto kong bumalik ulit siya sa akin”
“At kapag nangyari ‘yon anong gagawin mo?”
“Hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa at bubuntisin ko na siyang kaagad para wala ng kawala,” walang paligoy-ligoy kong sagot sa kan’ya. Pagkatapos naming mag-usap ni Seff ay kaagad na akong lumabas ng kuwarto. Hindi ko pa nasisilayan si Kristine at iniisip ko na baka natutulog pa siya.
Tinignan ko ang wall clock sa sala at pasado alas-sais na ng umaga. Nagtungo ako sa kusina para magluto na ng almusal. Niluto ko ulit ang paborito niyang kinakain tuwing umaga. Hotcake with honey on top at mainit na gatas.
At nang matapos na ako magluto ay hinanda ko na ang aming almusal. Tinignan kong muli ang orasan at alas-siyete na pero hindi pa rin bumabangon si Kristine dahil madalas ay maaga naman siyang nagigising. Pinuntahan ko ang kaniyang kuwarto at kumatok ng ilang beses. Nakaka-ilang katok na ako pero hindi pa rin niya ako pinagbubuksan ng pinto kaya nagpasya na akong pumasok sa kaniyang kuwarto.
Nakita kong maayos na ang kama niya, inilibot ko naman ang aking paningin. Nagtungo ako sa banyo niya at pinakinggan kung nasa loob siya. At ng wala akong marinig na ingay ay binuksan ko ang pinto pero wala rin siya sa loob. Napabuntong hininga ako at kinuha ko ang aking telepono sa bulsa ng short ko at sinubukang tawagan si Leslie.
“O Mazer napatawag ka?” kaagad na bungad niya sa akin,
“Kasama mo ba si Kristine?”
“Kanina pa siya nandito sa office niya pero umalis lang saglit dahil nakipag-meeting kay Wilfred.” Napapikit ako ng mariin at parang biglang tumaas ang presyon ko ng marinig ang pangalan ng kumag na ‘yon.
“Ano raw ang kailangan nilang pag-meetingan?” may diin kong sabi sa kan’ya.
“May inaalok kasing project ang company ni Wilfred kay Kristine at gusto nilang si Kristine ang maging model noon”
“What?! hindi naman siya modelo ah, kun’di fashion designer s’ya bakit gagawin siyang model?!” sigaw ko sa kabilang linya.
“Aray ko naman Mazer! Mabibingi ako sa’yo eh! Saka bakit ba sa akin ka nagagalit? Itanong mo na lang kay Kristine mamaya.” Hindi na ako nakapagsalita pa at binabaan na niya ako ng telepono. Sa inis ko ay padabog akong lumabas ng kaniyang kuwarto at nagtungo sa sarili kong kuwarto.
Kaagad naman akong naligo at nagbihis at nagmamadaling umalis. Palabas na sana ako ng penthouse niya nang maalala iyong niluto kong almusal. Nagpunta ako sa kusina at napayuko na lang ako dahil pinagluto ko pa siya ng paborito niyang almusal. Inilagay ko na lamang iyon sa Tupperware para baunin at ibigay sa kaniya. At ang kaninang mainit na gatas niya ay nilagay ko naman sa maliit na thermos para initin na lang niya mamaya sa opisina niya. Napangiti naman ako ng makita ang bitbit ko sa kaniya. Bigla naman nawala ang inis ko dahil tiyak magugustuhan niya ang hinanda ko para sa kaniya.
At nang makarating na ako sa mismong opisina niya ay naroon na rin siya at kausap niya ang isa niyang staff. Hinintay ko munang makaalis ang kausap niya bago ko siya lapitan. Nakaupo siya sa kaniyang swivel chair at busy sa kaniyang ginagawa.
“Bakit hindi ka nagsabi na aalis ka pala ng maaga.” Doon lang siya nag-angat ng kaniyang tingin at mahahalata sa mata niya na medyo inaantok pa siya.
“I’m sorry Mazer hindi na kita ginising may offer kasi sa akin si__”
“Si Wilfred?” putol ko sa kaniyang sasabihin. Hindi siya nakapagsalita at napakamot na lang sa kaniyang ulo. “Look Kristine fashion designer ka at hindi ka model”
“I know, kaya lang__”
“Kaya lang hindi mo mahindiin si Wilfred?” Gulat niya akong tinitigan at napadako ang tingin ko sa gilid ng kaniyang mesa at nakalagay pa sa isang lalagyan na halatang galing sa restaurant. Napansin naman ito ni Kristine.
“Bigay ni Wilfred wala na kasi akong oras kumain kanina eh.” Kinuha ko naman ito at pinalit ang dala kong pagkain.
“Iyan ang kainin mo dahil gumising pa ako ng maaga kanina para ipagluto ka ng paborito mong almusal tapos wala ka na pala.” Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Gusto kong magalit pero masyado namang mababaw ‘yon kapag ginawa ko ‘yon. Naiinis ako dahil kasama niya ang kumag na ‘yon at isa pa makakatrabaho niya ito. Napakuyom ako ng palad at muli siyang binalingan.
“i-I’m sorry,” mahinang wka niya.
“Lalabas na muna ako, tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka. Saka kainin mo na ‘yan para naman hindi masayang ang effort ko diyan.” Matapos kong sabihin iyon ay lumabas na ako ng opisina niya.
“Sorry lang ang sasabihin niya? Tapos malalaman ko na kaya siya umalis ng maaga dahil kasama niya pala ang kumag na ‘yon!” napabuga na lang ako ng malakas sa hangin habang naglalakad ako sa may hallway. Tinignan ko ang pagkaing dala ko na kinuha ko kay Kristine at napahinto ako sa aking paglalakad. “Tsss! Hindi niya type itong mga ganitong klaseng pagkain. Pipino with mayonnaise? Mabubusog ba siya nito? Mas gusto niya ‘yong pancake ko with honey at gatas ko! Ako lang ang bubusog sa kaniya at wala ng iba pa!” bahagya akong napasigaw dahil sa sobrang inis. Naghanap ako ng basurahan at itinapon na lang iyon.
Nagpunta muna ako sa cafeteria rito sa loob ng pinagtatrabahuhan ni Kristine habang abala pa naman siya sa kaniyang ginagawa sa opisina. Naisipan ko munang kumain dahi hindi pa ako nag-aalmusal at basta na lamang umalis ng bahay. At nang naka-order na ako ay umupo na ako ay maya-maya ay tumunog ang aking telepono. Nakita kong si Nana Lumen ang tumatawag, napangiti ako at sinagot itong kaagad.
“Yes Nana Lumen? Kumusta po?”
“Ikaw nga dapat ang kinukumusta ko eh. Kumusta na kayo ni Kristine? Nagka-ayos na ba kayo?”
“Hindi pa po Nana Lumen,” malungkot kong wika sa kan’ya.
“Huwag kang mag-alala hijo magkakaayos din kayo. Mahal na mahal ka ni Kristine nararamdaman ko ‘yon basta ‘wag kang susuko at iparamdam mo rin sa kan’ya ang pagmamahal mo”
“Opo Nana Lumen I’ll do that.” Narinig ko naman ang bahagyang pag-ubo niya at para bang hingal na hingal siya. “Nana Lumen ayos lang po ba kayo? Baka naman nagpapagod kayo masyado diyan?”
“Hay naku hijo huwag mo akong intindihin ayos lang ako at isa pa malamig din kasi rito dahil alam mo na magpapasko”
“Basta Nana Lumen kapag naiinip ka diyan magpasundo ka para pumunta kanila Macelyn at saka nag-iisa ka lang diyan eh”
“Sige hijo basta gusto kong magkabalikan na kayo ni Kristine at gumawa ng maraming anak para naman sumaya na itong bahay mo katulad ng sa kapatid mo.” Natawa naman ako sa request ni Nana Lumen.
“Don’t worry Nana Lumen papaspasan ko na ang paggawa ng anak para may aalagaan ka na rin”
“Sana naman hijo para maabutan ko ang magiging anak niyo”
“Nana Lumen naman makapagsalita ka parang iiwan mo na kami. Mahaba pa ang buhay mo at makakapag-asawa ka pa,” biro ko sa kan’ya. Ngunit imbes na matawa siya ay narinig ko ulit ang sunod-sunod niyang pag-ubo na ikinataranta ko naman. “Hey Nana Lumen are you alright? Tatawagan ko si Marco para tignan ka niya mukha kasing malala na ‘yang ubo mo eh”
“Hijo wala ito, medyo napagod lang ako ng konti at saka tulad ng sabi ko sa’yo malamig kasi rito alam mo naman na tumatanda na ako”
“Kahit na Nana Lumen gusto kong magpatingin ka pa rin. Tatawagan ko mamaya si Marco para puntahan ka diyan”
“Pero anak__”
“Nana Lumen please? Gusto kong masigurong ayos ka lang. Alam mo naman na para ka na naming magulang ni Macelyn eh”
“Sige hijo huwag kang mag-alala susundin ko ang mga sinabi mo”
“Mag-iingat ka Nana Lumen ha? At kapag may problema tumawag ka kaagad sa akin okay?”
“Opo boss,” natatawang saad niya sa akin. Pagkatapos naming mag-usap ay hindi ko mawari ang pakiramdam ko at bigla na lamang akong kinabahan. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at nagpatuloy na sa aking