Pabalik na sana ako sa opisina ni Krsitine ng may mapansin akong isang pamilyar na babae. Napahinto ako at sinisino kung sino ito, kasalukuyang kausap niya ang photographer ni Kristine at nakasuot siya ng sun glasses. At nang matapos na silang mag-usap ay pumihit ito paharap sa akin at ngumiti. Tinanggal nito ang kaniyang sun glasses at marahang lumapit sa akin. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko lubos maisip kung paano niya ako natunton dito.
“Oh Mazer nandito ka pala. Anong ginagawa mo rito?” malanding wika niya sa akin.
“Ako dapat ang nagtatanong sa’yo niyan, anong ginagawa mo rito?”
“Well, may offer kasi sa akin dito and so I grab it. Hindi ko alam na naririto ka rin pala. Ang tadhana nga naman”
“How did you know that I was here? Who told you that?”
“Masyadong loyal ang mga alalay mo ayaw nilang sabihin kung nasaan ka. I didn’t know that you’re here. Business trip I guess?”
“None of your business.” Paalis na sana ako nang makita ko naman si Kristine na papalapit sa kinaroroonan namin at kasama nito si Leslie. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan.
“Why you didn’t answer your phone I was loo___” napahinto siyang bigla at napatingin kay Cezil , gulat niya itong tinitigan at muli akong binalingan. “So kaya naman pala hindi mo sinasagot kasi may pinagkakaabalahan ka pala”
“That’s not what you think Kristine”
“Ano namang ginagawa mo ritong higad ka?”
“Kristine, Kristine. I was here because of work and I really don’t know he’s here too”
“Really huh?”
“Nandito ako dahil ako ang kinuha nilang endorser”
“So you mean ikaw ang magmomodel ng mga gawa ko?”
“Exactly! Why don’t you ask your boss? At syempre mas lalo akong maeenganyo dahil nandito si Mazer.” Mariin akong napapikit nang kumawit si Cezil sa aking braso. Pansin ko ang matatalim na titig ni Kristine at tila nagpipigil lang ng kaniyang galit.
“Whatever! Huwag mo na pala akong ihatid Mazer kasi nakakahiya naman diyan sa higad na kasama mo kung iiwan mo siya, we gotta go! Marami pa akong meeting na dadalohan.” Hindi pa siya nakakahakbang nang humarang naman ako sa kaniyang harapan.
“Let me take you to your destination”
“No thanks I can take care of myself! Let’s go Leslie, I’m sure kanina pa naghihintay sa atin si Wilfred.” Pagkasabi niyang iyon ay mabilis siyang tumalikod at naglakad na sa amin palayo. Hindi ko na siya pinigilan at hinayaan ko na lang muna siya dahil alam ko kung saan hahantong ang diskusyunan namin.
Iniwan ko na si Cezil at nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Panay ang tawag naman niya sa ngunit hindi ko na ito pinansin. At nang maabutan niya ako ay hinaklit niya ang isang braso ko at umikot siya paharap sa akin.
“Do you still love her huh?”
“Yes!”
“Why her? I mean pareho naman kami pero bakit siya pa rin?”
“Dahil wala siyang katulad. At for your information magkaiba kayo”
“You love her that much? Seryoso niya akong tinitigan at ng hindi ako makasagot ay pilit naman siyang ngumiti sa akin.
“I love her, and I want her back. Hindi ko na alam pa ang magiging buhay ko kapag tuluyan na siyang nawala sa akin at sisiguraduhin kong siya na ang una at huli kong mamahalin.” Matapos kong sabihin iyon ay nilagpasan ko na siya at tuluyan na siyang iniwan.
Pasado alas otse na ng gabi pero hindi pa rin bumabalik sila Kristine. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko. Alam kong sinasadya niya ‘yon hindi sagutin dahil sa nakita niya kami ni Cezil magkausap. Matagal ng magkakompetensiya ang dalawa sa trabaho at siya rin ang madalas niyang pagselosan noong magkasintahan pa kami. At lalo na ngayon magkakatrabaho pa ang dalawa at si Cezil ang magiging endorser ng mga gawa ni Kristine.
Paroo’t parito naman ako sa loob ng opisina niya at hinihintay siya. Napabuga ako ng malakas sa hangin at muling tinignan ang aking orasan.
“f**k! Where the hell are you Kristine?!” pabagsak naman akong naupo sa sofa at isinandal ang aking likod at mariing pumikit. Maya-maya ay kinuha kong muli ang aking telepono sa bulsa ng aking pantalon at sinubukang tawagan muli si Leslie. Nakakailang dial na ako pero hindi rin niya sinasagot kaya napatayo akong bigla at ginulo ang aking buhok. Nag-aalala ako kay Kristine at lalong-lalo na kasama pa nito si Wilfred na alam kong may gusto sa kaniya. Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig kong tumunog ang aking cellphone at nakitang si Leslie ang tumatawag kaya kaagad ko itong sinagot.
“He__”
“Mazer! Pumunta ka ngayon dito at hindi ko na alam ang gagawin dito kay Kristine ayaw magpaawat eh!” putol niya sa aking sasabihin. Naririnig ko naman ang ingay sa kabilang linya at alam ko na kung nasaan sila.
“Saang bar ‘yan?” sinabi naman niya kung saan sila naroroon at dali-dali akong lumabas sa opisina ni Kristine. Nakasalubong ko naman si Cezil na tila pauwi na rin at napahinto ako.
“Oh Mazer pauwi ka na rin ba? We should go together”
“I’m not in a mood to flirt around.” Aalis na sana ako ngunit nahawakan niya ako sa aking braso at napatingin ako sa kan’ya. “What do you want Cezil?”
“You!”
“What?!” gulat kong wika sa kan’ya. Ngumisi siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi.
“It’s you that I want Mazer.” Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa aking pisngi at kunot noo siyang tinitigan.
“That could never happen Cezil”
“Really? Balang araw Mazer magiging akin ka rin and I make sure of that.” Hindi na ako muli pang nagsalita at sumakay na rin ako sa elevator. Pagkarating ko naman sa parking lot ay doon ko naman napagtanto na wala nga pala akong sasakyan at gamit naman ni Kristine ang sasakyan niya.
Tumawag kaagad ako ng taxi at nagpahatid sa bar kung nasaan sila Kristine. Muli kong tinatawagan si Leslie pero out of coverage na ito. Napapamura na lang ako sa aking isipan dahil baka kung ano na ang nagyari kay Kristine lalo na’t kasama niya pa si Wilfred. Nang makarating na ako sa mismong bar ay dali-dali akong bumaba ng taxi at pumasok kaagad sa loob.
Maingay at magulo sa loob at naghalo pa ang amoy ng sigarilyo at alak. Ano ba ang pumasok sa utak ni Kristine at pumupunta siya sa ganitong klaseng lugar? Wika ko sa aking isipan. Sinuyod ko na ang buong bar pero hindi ko pa rin siya mahanap. Umakyat naman ako baka sakaling naroon siya.
Hindi ako nagkamali at nakita ko siyang tumayo at inalalayan naman siya ni Wilfred. Napataas bigla ang isang kilay ko nang makita kong hinawakan ni Wilfred ang bewang ni Kristine. Walang sino man ang puwedeng humawak sa kaniya kun’di ako lang. Malalaki ang mga hakbang kong tumungo sa kanilang puwesto at hinaklit ang braso ni Kristine kaya bigla siyang napasubsob sa aking dibdib.
“Let’s go Kristine you’re drunk,” wika ko habang nakatingin kay Wilfred.
“Let me take her home”
“I’ll be the one who take her home because I’m his driver! So back off!” mariin kong wika sa kaniya. Nagulat naman ako nang itulak ako ni Kristine palayo sa kaniya. Mabilis naman siyang nilapitan ni Wilfred para alalayan dahil pasiring-siring na rin ito at muntikan ng matumba.
“Hoy Kristine lasing na lasing ka na oh! Tinawagan ko na si Mazer para iuwi ka niya”
“Ayoko pang umuwi! Saka nag-eenjoy pa ‘ko eh! Saka anong ginagawa niyan dito? Wala ngang pakialam ‘yan sa damdamin ko parati na lang niya akong sinasaktan!” pareho naman kami ni Leslie na natigagal sa kaniyang sinabi. Nilapitan ko si Kristine at kaagad na niyakap.
“I’m sorry sweety. I’m so sorry for hurting you. I promise it won’t happen again,” wika ko sa kaniya. Narinig ko pa ang paghikbi niya at mahinang pag-iyak. Ramdam ko kung gaano siyang nasaktan dahil sa ginawa ko, at hinding-hindi ko na siya hahayaan pang masaktan. Maya-maya pa ay bigla na lang siyang nawalan ng malay dahil na rin siguro sa kaniyang kalasingan. Kaagad ko siyang binuhat at dinala sa sasakyan. At nang maipasok ko na siya ay saka ko naman hinarap si Leslie at iniabot sa akin ang mga gamit ni Kristine.
“Thanks Les. What happened to her? Bakit bigla na lang siyang naglasing ng ganiyan?”
“Naku Mazer matagal na siyang ganiyan simula noong hiwalayan mo dahil sa trabaho niya rito sa ibang bansa. Ilang buwan din siyang nagkaganiyan, ayaw naman paawat at higit sa lahat ayaw ka niyang palitan. Loka-loka nga ‘yang babaeng iyan eh! Ano bang meron ka na wala sa iba at baliw na baliw ‘yan sa’yo? Malaki bang talaga ha?” napamulagat naman ako sa sinabi ni Leslie at siya nama’y seryoso lang na nakatingin sa akin. Napapailing na lang ako at hindi alam ang isasagot sa kaniya.
“O siya iuwi mo na ‘yang si Kristine at please lang mag-usap na kayo about sa relasyon niyo kasi ‘yang kaibigan kong iyan ay pigil na pigil lang sa nararamdaman sa’yo dahil baka pag nagkabalikan na naman daw kayo hindi na naman daw kayo magkasundo sa sari-sarili niyong propesyon”
“Nakapagdesisyon na ‘ko Les na handa kong iwan ang trabaho ko para sa kan’ya at hindi ko hahayaang si Kristine ang magsakripisyo noon dahil pangarap niya na ‘to simula pa lang noong nag-aaral kami sa kolehiyo. At kung iyon lang ang paraan para makasama siya gagawin ko."
“Are you sure na kaya mong magsakripisyo para sa kan’ya? How about your work? Malaking kumpanya ‘yong hawak mo Mazer”
“Saka ko na iisipin pa ‘yon, ang mahalaga ngayon si Kristine.” Pagkasabi kong iyon ay sumakay na ako sa sasakyan.
Nang makarating na kami sa penthouse ay marahan ko naman siyang inihiga sa kaniyang kama at tinanggal ang suot niyang high heels. Umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan ang maganda niyang mukha.
“Beautiful as ever. I’m sorry sweety, I promise that I will never ever hurt you again. Please comeback to me, let’s have our own family,” wika ko habang titig na titig sa kaniyang magandang mukha. Hinalikan ko ang noo niya, pagkuwa’y ang ilong niya at panghuli ang kaniyang mga labi. “I want to taste you like before Kristine, and I want you to carry our child very soon”
“Take me please,” mahinang saad niya habang siya nama’y nakapikit. Napangiti naman ako dahil alam kong nananaginip lang siya.
“Soon sweety kapag napatawad mo na ako, I will make sure na ihi lang ang pahinga.