KRISTINE POV:
Hindi na maipinta ang mukha ko sa inis dahil kanina ko pa tinatawagan si Mazer ngunit hindi naman nito sinasagot ang kaniyang telepono. Iniisip ko na baka nagalit ito sa akin dahil hindi ako nakapagpaalam sa kan’ya na aalis ako ng maaga. At ang masaklap pa nito ay nag-abala pa siya para lang ipagluto ako ng almusal.
Pabagsak akong naupo sa aking swivel chair at umikot paharap sa aking malaking bintana. Nakahalukipkip ako at salubong ang aking mga kilay. At iniisip kung ano ang sasabihin ko sa kan’ya sakali mang makaharap ko siya mamaya.
“Ano kayang magandang sabihin ko sa kan’ya mamaya? Mazer, I’m sorry. No, no, no!” umiling-iling pa ako pagkasabi kong iyon. “Mazer gusto mong ipagluto na lang kita mamaya pag-uwi para makabawi ako sa’yo? Teka, hindi naman ako marunong magluto sinangag nga nasusunog pa. Patawarin ko na ba siya? Makipagbalikan na ba ako sa kan’ya? Kainis naman!” nagpapadyak pa ako at ginulo ko ang aking buhok pagkasabi kong iyon.
“Hoy miss pokmaru!” napaikot akong bigla at bumungad si Leslie na nakataas ang isang kilay at lumapit sa akin at naupo sa aking harapan.
“K-kanina ka pa ba riyan?”
“Oo kanina pa ko rito! At dinig na dinig ko ang mga sinabi mo,” napabuntong hininga na lang ako at nakangusong yumuko. “So miss pokmaru you want him back so bad?” tumingin ako sa kan’ya at marahang tumango.
“I love him so much Les, nasaktan man niya ako pero alam ko sa puso at isipan ko na mahal niya ako at nararamdaman ko ‘yon. May dahilan naman siguro siya kung bakit ngayon lang siya nagpunta rito, iyon ay hindi ko kasi siya binigyan ng pagkakataon para makapagpaliwanag”
“I want you to be happy Kristine. Ayoko lang naman kasi na nakikita kang nasasaktan ng dahil sa kan’ya eh. Kung siya lang talaga ang makakapagpasaya sa’yo at ibabalik ka sa dating ikaw, I’m happy for that”
“Thank you Leslie. So, hindi ka na tutol? Puwede na ba ulit maging kami?”
“Aba bakit ako ang tinatanong mo miss pokmaru?! Tanungin mo ‘yang puso mo kung ready na ba siya ulit?”
“Grabe ka naman Les! Parang gusto mo ulit akong masaktan ah?”
“Hay naku Kristine sa sususnod ingatan mo na ‘yang puso mo ha? Hindi porket hot papa iyang jowa mo at malaki ang kargada niyan bibigay ka kaagad!” napamulagat naman ako dahil kahit kailan walang preno talaga ang bibig nitong si Leslie.
“Iyang bibig mo naman Leslie!”
“Totoo naman ‘di ba sabi mo malaki at masarap?!”
“Leslie naman!” napatapik na lang ako sa aking noo dahil sa mga lumalabas sa bibig niya.
Nagpasya kaming lumabas na ng opisina ko dahil may meeting pa akong dadaluhan at tiyak naghihintay na sa amin si Wilfred sa restaurant. Sinubukan ko ulit tawagan si Mazer ngunit hindi pa rin niya ito sinasagot. At sa wakas ay nakita ko na rin siya sa ‘di kalayuan at mabilis ko siyang nilapitan.
“Why you didn’t answer your phone? I was loo__” napahinto akong bigla at binalingan ang babaeng kausap niya. Napataas ang kilay ko ng mapagsino ito at bigla na lang kumulo ang dugo ko pagkakita sa kan’ya. “Kaya naman pala hindi mo sinasagot kasi may pinagkakaabalahan ka pala?” baling ko kay Mazer.
“That’s not what you think Kristine”
“Ano namang ginagawa mo ritong higad ka?” sa sobrang inis ko ay iyon ang itinawag ko sa kan’ya hanggang ngayon pala ay hiindi pa rin nawawala ang pagtingin niya kay Mazer.
“Kristine, Kristine. I was here because of work, and I really don’t know he’s here too”
“Really huh?” If I know sinundan mo talaga siya rito, higad ka kasi! Gusto kong sabihin sa kan’ya pero pinigilan ko lang ang aking sarili.
“Nandito ako dahil ako ang kinuha nilang endorser”
“So, you mean ikaw ang magmomodel ng mga gawa ko?”
“Exactly! Why don’t you ask your boss? At syempre mas lalo akong ma-eenganyo dahil nandito si Mazer.” Napatingin akong bigla kay Mazer at pansin ko ang pagpipigil lang niyang patulan si Cezil. Mas lalo akong naggalaiti sa kan’ya nang ikawit nito ang braso niya sa braso ni Mazer. Pakiramdam ko tuloy ay parang gusto kong hablutin ang buhok niya palabas sa building na ito. Ang masama pa nito ay makakasama ko pa pala ang higad na ito.
“Whatever! Huwag mo na pala akong ihatid Mazer kasi nakakahiya naman diyan sa higad na kasama mo kung iiwan mo siya, we gotta go! Marami pa akong meeting na dadalohan.” Hindi pa ako nakakahakbang ng bigla naman siyang humarap sa daraanan ko.
“Let me take you to your destination”
“No thanks I can take care of myself! Let’s go Leslie, I’m sure kanina pa naghihintay sa atin si Wilfred.” Pagkasabi kong iyon ay tumalikod na ako at iniwan na namin sila. Si Leslie na ang nagmaneho ng sasakyan at ako nama’y nakasandal ang ulo ko sa may bintana at nakatingin lang sa labas.
“Ngayon pagan’yan-gan’yan ka matapos mo siyang tarayan kanina,” wika ni Leslie. Nanatili pa rin ako sa ganoong puwesto ko.
“Hindi man lang niya ako pinigilan,” mahinang wika ko.
“Gaga ka kasi eh! Tapos ngayon papapigil ka riyan. Pabebe ka no?!” patagilid naman akong humarap sa kan’ya.
“E paano ba naman kasi nakita ko na naman ‘yong higad at haliparot na babae na ‘yon! Nakakainis talaga!”
“So, ayon! Nagseselos ang loka-loka!” nakangising wika ni Leslie at nasa daan pa rin ang kaniyang atensyon.
“Kanina pa kasi ako tawag nang tawag sa kan’ya, ayon pala nakikipaglandian lang siya sa mukhang s**o na ‘yon!” humagalpak naman ng tawa si Leslie at umayos na lang ako ng upo at pinag-krus ko ang aking mga braso.
“Kanina higad, haliparot. Tapos ngayon s**o naman? Hindi naman malaki ang nguso niya ah”
“Ang kapal kasi ng lipstick niya masyado parang gusto magpahalik kay Mazer!”
“Hay naku kung ako sa’yo miss pokmaru unahan mo na ‘yong s**o na ‘yon baka mamaya maka-homebase pa siya ikaw rin,” tinitigan ko naman si Leslie at saglit din niya akong sinulyapan ng may kakaibang ngiti.
“Bahala siya sa buhay niya!”
“Kristine, lalaki ‘yong si Mazer natutukso rin ‘yan. E paano kung magpadala ‘yan sa pang-aakit nong babaeng iyon?”
“Hindi gano’n si Mazer no!”
“Paano ka nakakasiguro aber?”
“Ah basta!” pagkasabi kong iyon ay tinalikuran ko na siya at humarap na lang sa bintana. Naiinis na ako sa mga sinasabi ni Leslie.
Paano nga kaya kung matukso siya kay Cezil? Tama rin naman si Leslie lalaki si Mazer at hindi malabong mangyari ‘yon. Nasa meeting na ako at kausap ang iba pang clients namin, ako naman ay wala sa aking sarili at nakikinig lang ako sa kanila. Panaka-naka ko naman tinitignan ang cellphone ko pero kahit isang tawag ay wala akong natatanggap mula kay Mazer.
Napapaiyak na lang ako dahil mukhang nagkakatotoo nga iyong sinasabi ni Leslie. Natapos lahat-lahat ang meeting namin ay ni isa ay wala man lang akong naintindihan.
“Miss pokmaru okay ka lang?” mahinang wika sa akin ni Leslie habang papalabass kami ng restaurant. Kasunod naman namin sa likod si Wilfred at hinarap ko siya.
“You want to go with us?”
“Where?” takang tanong ni Wilfred.
“At the bar”
“Hoy Kristine! huwag mong sabihing maglalsing ka na naman?!”
“Gusto ko lang mag-enjoy ano ka ba? Kaysa iniisip ko si Mazer, e ‘di mag-enjoy na lang ako sa labas. Tara na Les!” Nauna na akong lumabas sa kanila at ako na ang nagmaneho papunta sa bar na madalas naming puntahan.
Pagkarating namin sa bar ay pumwesto kami sa bandang itaas para malayo sa mga tao at hindi magulo. Um-order ako ng tequila at iba pang alak na inumin namin at pati na rin pulutan. Nagulat na lang sila ng ilapag ng waiter ang mga inorder ko.
“Hoy Kristine may trabaho pa tayo bukas ayokong magpabalik-balik sa banyo niyan,” reklamo ni Leslie habang ako nama’y nagsasalin ng alak sa aking baso. Diniretso ko ito ng inom at naramdaman ko ang paghagod nito sa aking lalamunan kaya mariing akong napapikit.
“Hey Kristine do you have any problem? You know I’m ready to listen.” Mataman kong tinignan si Wilfred at ngumiti lang ako sa kan’ya ng tipid.
“Don’t worry Wilfred I’m okay,” pagkasabi kong iyon ay ininom ko ulit ‘yong alak na sinalinan ko. Wala na rin nagawa si Leslie at sumabay na rin sa akin. Nakita ko naman ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa at nakita kong si Mazer ang tumatawag. Napaikot ang aking mata at hinayaan ko lang siyang tumawag sa akin nang tumawag.
“Kristine si papa Mazer tumatawag,” bulong sa’kin ni Leslie. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang paglaklak. Nakakailang bote na ako ay nakakaramdam na ako ng pagkahilo at medyo umiinit na rin ang aking pakiramdam. Pansin ko rin na tila may kausap si Leslie sa kan’yang telepono at tumingin pa ito sa akin na nakatayo malapit sa may hagdan. Maya-maya pa ay umupo na ulit siya sa aking tabi.
“Don’t you dare call him Leslie,” wika ko sa kan’ya habang hawak ko ang basong may lamang tequila. Kinuha niya ito sa akin at iniharap ako sa kan’ya.
“Kristine bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kan’ya kung gaano mo siya kamahal hindi iyong nagkakagan’yan ka pa! para kang tanga na niyan eh! Mahal mo siya pero heto ka ngayon nagpapakalango sa alak. Mag-usap nga kayo! Kaya ayokong magka-jowa dahil sakit sa ulo lang ‘yan eh”
“Naisip ko kasi ‘yong mga sinabi mo sa’kin kanina eh”
“Alin do’n?”
“Na lalaki siya at natutukso rin”
“My god Kristine! binibiro lang kita no’n ang hilig mo talagang magpaniwala. Kapag may tiwala ka sa kan’ya hindi mo maiisip ang mga bagay na ‘yan. Matagal na kayo ni Mazer pero hanggang ngayon hindi mo pa rin siya kilala.” Tama naman si Leslie ako lang talaga ang laging nag-iisip ng ganoon.
At ng hindi ko na talaga kaya ay napilitan na akong magpahatid na kay Lelslie. Inalalayan naman ako ni Wilfred makatayo dahil medyo nagpapagewang gewang na rin ako. Maya-maya pa ay may humablot sa aking braso kaya napasubsob ako sa kan’yang dibdib. Lasing ako pero alam na alam ko ang amoy na ‘yon. At nag-iisa lang ‘yon wala ng iba. Tumingala ako at nakita ko si Mazer na masama ang tingin kay Wilfred. Tinulak ko siya na alam kong ikinagulat niya.
“Ayoko pang umuwi! Saka nag-eenjoy pa ‘ko eh! Saka anong ginagawa niyan dito? Wala ngang pakialam ‘yan sa damdamin ko parati na lang niya akong sinasaktan!” Hindi ko na napigilan pang sabihin iyon sa kan’ya. Totoo namang nasasaktan ako. Oo, nagseselos ako kanina at iniisip ko rin kung paano nga kung bigla siyang magsawa sa’kin at iwan ulit ako? Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
“I’m sorry sweety. I’m so sorry for hurting you. I promise it won’t happen again,” mahinang wika niya sa akin. Hindi ko na napigilan pang maiyak at yayakapin ko na sana siya, ang kaso ay hindi ko na nakayanan at nawalan na lang ako ng malay.
Dahan-dahan ko namang iminulat ang aking mga mata at kasabay noon ay ang pagkirot naman ng aking ulo. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sakit at medyo nahihilo pa ako. Naramdaman ko naman na parang may mabigat na bagay na nakapatong sa aking tiyan. Tinignan ko ito at nakitang isang braso ang nakayakap sa akin. Tumingin naman ako sa bandang kanan ko at nagulat ng makita si Mazer na tulog na tulog at wala itong anumang pang-itaas. Napalunok akong bigla at hindi inaalis sa kan’ya ang aking pagkakatitig. Maya-maya pa ay tinignan ko naman ang aking sarili at nagulat ng makita kong panty at bra lang ang aking suot.
“oh s**t! Bumigay na ba ako sa kan’ya kagabi? Anong nangyari? Na-rape yata ako my gosh!” bulong ko sa aking isipan. Napatapik na lang ako sa aking noo habang iniisip kung ano ba talaga ang nangyari kagabi. Naramdaman ko na unti-unti siyang gumalaw at wala ako sa sarili kong ipinikit kong muli ang aking mga mata at nagkunwaring tulog.
Alam kong bumangon siya sa kan’yang pagkakahiga at nagtaka kung bakit hindi pa ito bumababa ng kama. Naramdaman ko na lang na parang lumapit siya ng bahagya sa akin dahil naaamoy ko pa ang pabango niya sa kan’yang katawan pero nanatili pa rin akong nakapikit.
“I know you’re awake. Kapag hindi ka dumilat itutuloy ko ang dapat sana mangyayari kagabi.” At dahil sa sinabi niyang iyon ay kaagad akong dumilat at tinitigan siya. Ngumisi pa siya sa akin at bahagyang lumayo. Tumayo naman ako at tinakpan ang aking sarili ng kumot.
“W-what happened last night? At saka bakit bra at panty na lang ang suot ko? What did you do to me?!” sigaw ko sa kan’ya. Imbes na sagutin niya ako ay napamaang na lang siya sa akin at umiling.
“You didn’t even know what happen?” umiling ako sa kan’ya.
“Mabuti na lang at hindi ang kumag na ‘yon ang naghatid sa’yo panigurado nakita na niya ang hindi niya dapat makita!” inis naman niya akong hinarap.
“A-anong i-ibig mong s-sabihin?” inilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya bigla naman akong napaatras.
“Ikaw mismo ang naghubad sa sarili mo,” nanlaki ang aking mga mata sa isiniwalat niya. Itinulak ko siya at pinagkrus ko naman ang aking mga braso.
“At bakit ko naman gagawin ‘yon?!”
“You’re drunk Kristine. Palabas na sana ako ng kuwarto mo ng bigla ka namang tumayo sa higaan mo at isa-isa mo nang tinatanggal ang mga damit mo. Pinipigilan pa nga kita kaso ayaw mong paawat.” Napaiwas na lang ako ng tingin sa kan’ya at yumukong bigla dahil sa hiya. Muli ko siyang hinarap ng makita na wala siyang damit pang-itaas.
“Bakit wala kang damit?”
“You didn’t even remember huh?”
“Magtatanong ba ako sa’yo kung naaalala ko?” sabay irap ko sa kan’ya.
“Nasukahan mo lang naman ako noong pinipigilan kitang tanggalin ang mga saplot mo. Nakiligo na rin ako sa banyo mo”
“Sumuka ako? Gulat kong turan sa kan’ya.
“Gusto mo bang ipakita ko sa’yo ‘yong damit kong nasukahan mo?”
“Never mind. At saka bakit ka rito sa kuwarto ko natulog?” mataman niya akong tinitigan.
“Because you said you didn’t want me to leave you,” seryosong wika niya sa akin.
“Did I said that?” tumango lang siya, at alam ko namang nagsasabi siya ng totoo base sa ekspresyon ng mukha niya. Umiwas ako ng tingin sa kan’ya at hinawakan niya ang aking mga kamay.
“Hinding-hindi na kita iiwan Kristine at kahit na ipagtabuyan mo pa ako babalik at babalik akong muli sa’yo.” Saglit akong natigilan at muli siyang hinarap.
“Promise?” sumilay naman ang ngiti niya sa kan’yang mga labi.
“I promise sweety. I will never ever leave you again.” Pagkasabi niyang iyon ay mabilis niya akong niyakap at hinalikan ang aking buhok. “I love you so much sweety,” mahinang wika niya sa akin sa pagitan ng pagkakayakap niya. Sobra kong namiss ang mga yakap niya sa akin.
Hindi ko naman namalayan na unti-unti na palang pumapatak ang aking mga luha. Kumalas siya sa akin ng pagkakayakap ng mapansin niya ang mahina kong paghikbi. “Hey sweety why are you crying?” pinunasan niya ang aking mga luha na dumadaloy sa aking pisngi.
“Masaya lang ako kasi akala ko hindi mo na ako mahal kaya hindi mo man lang ako kinakausap kapag tumatawag ako. Tapos nagyon ka lang bumalik. Alam mo bang umaasa pa rin ako na pupuntahan mo ako rito, handa na nga sana akong kalimutan ka kasi nawawalan na ako ng pag-asa eh,” umiiyak ko namang saad sa kan’ya.
“I’m sorry sweety kung ngayon lang ako. I know I was wrong, hindi dapat ako nagpadalos-dalos sa desisyon ko ayoko lang kasi na malayo ka sa’kin. Ang tanga ko rin kasi pinatagal ko pa na sana ay noon ko pa ginawa”
“Pasalamat ka kasi loyal ako sa’yo kung tutuusin nga kayang-kaya kitang palitan dito eh.” Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at tinaasan pa ako nito ng kilay.
“Don’t ever do that. At iyong tungkol kay Wilfred ayokong masyado kang lumalapit sa kaniya dahil hindi ko ‘yon gusto”
“And how about Cezil? Paano mo maipapaliwanga ‘yon? Ang haliparot na higad na ‘yon! Para siyang aso kung nasaan ka kailangan nando’n din siya”
“Wala naman akong gusto sa kan’ya sweety and besides you’re all that I want. At ang kay Mazer ay kay Mazer lang walang puwedeng umangkin sa’yo kun’di ako lang, maliwanag ba Miss Veinezz?” napalunok akong bigla dahil sa maawtoridad niyang sabi. “Miss Veinezz do you understand?” ulit niya ng hindi ako sumagot.
“O-oo”
“Good. Lumapit pa siya ng bahagya sa akin at saka may ibinulong. “Dahil mamaya lalagyan ulit kita ng tatak na wala ng sino man ang puwedeng umaligid sa’yo.” Unti-unti naman siyang lumayo sa akin at nakangisi akong tinitigan. Alam na alam ko ang mga tinging iyon, hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan. Hindi na naman ako virgin at siya ang nakauna sa akin pero hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako dahil siguro ay matagal akong nabakante. Sigurado ako may sparring na magaganap mamaya