CHAPTER 15

2077 Words
Masaya ako dahil ngayong araw na ito ay nagkabalikan na kami ni Mazer. Lulan naman kami ng sasakyan papunta sa opisina at hawak niya ang isa kong kamay at ang isang kamay naman niya ay nasa manibela. Maya’t-maya naman ang halik niya sa aking kamay kapag may pagkakataon. Napapangiti na lang ako kasi tulad pa rin siya ng dati na sobrang caring at napaka-lambing pa rin. “Baka naman mapudpod na ‘yong kamay ko kakahalik mo?” biro ko sa kan’ya kaya napabaling saglit ang tingin niya sa akin. “Mas lalo kang mapupudpod mamaya pag-uwi natin,” nakangisi naman niyang sagot. Pinalo ko siya ng mahina sa kan’yang braso at sinamaan ng tingin. “Hoy Mr. Mazer Brilliantes! Hindi porke tayo na ulit gagawin mo na kung ano ‘yong gusto mo ha” “Don’t tell me sweety hindi mo na-miss?” napakurap-kurap naman akong tinitigan siya habang siya nama’y nakatingin sa daan. At nang magtraffic ay binalingan naman niya ako. “I want to do that later sweety,” paos niyang wika. “H-ha?” “Take a day-off tomorrow sweety” “At bakit?” takang tanong ko na nakataas pa ang isang kilay. “Dahil lulumpuhin kita mamaya,” kakaiba naman ang kabang nararamdaman ko ngayon. Hindi lang basta s*x ang mangyayari nito. He’s wild like a beast at kung saan-saang parte ng bahay ka niya dadalhin. All I can say is I’m satisfied of was he was doing. “Hindi ako puwedeng magday-off dahil napaka-rami ko pang dapat asikasuhin at isa pa sa isang linggo na ang pictorial namin ni Wilfred.” Narinig ko pa ang mahinang pagbuntong hininga at muli ng pinaandar ang sasakyan. Nang makarating na kami sa parking lot ay kaagad siyang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pinto. Pansin ko naman ang lungkot sa kaniyang mukha at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. “Are you mad?” malumanay kong wika sa kan’ya. “I just missed you. All I want is to spend time with you” “Me too, kaso nagkataon lang talaga na maraming trabaho ngayon eh” “I understand Kristine. Let’s go baka ma-late ka pa eh.” Napasimangot naman ako dahil kanina sweety ang tawag niya sa’kin tapos ngayon Kristine na lang. Magkahawak kamay naman kami habang tinatahak ang daan papunta sa aking opisina. Alam kong pinagtitinginan kami ng mga taong nakakakilala sa akin dahil ever since ay wala naman silang nakikitang nanliligaw sa akin o napapabalitang nakaka-date ko maliban na lang kay Wilfred. Nakita ko namang bigla ang isang modelo na humaharot noon kay Mazer at pansin ko sa mukha niya ang pagtataka. Ikinawit ko pa ang mga braso ko sa kaniyang braso para ipamukha sa kan’ya na may nagmamay-ari na sa nilalandi niya. Napangisi na lang ako ng batiin niya si Mazer ngunit tinignan lang siya nito. At nang malapit na kami sa aking opisina ay siya namang nakita naming si Cezil na papalapit sa amin kaya napahinto kaming bigla. “Oh mukhang nagkakamabutihan na kayo ng ex mo?” wika niya pagkalapit sa amin. Napa-ikot naman ang mata ko dahil sa inis at hinarap siya. “Correction boyfriend ko na siya ulit at hindi na ex. Puwede bang tumabi-tabi ka riyan sa dinaraanan namin dahil baka hindi kita matantya at tusukin ko ang nguso mo ng takong ko” “Wow Kristine kailan ka pa naging ugaling kalye?” “Ngayon lang, simula nang dumating ka rito.” Nagsukatan naman kami ng tingin at ‘di kalauna’y binalingan naman ni Cezil si Mazer. “We’re not done yet Mazer.” Pagkasabi niyang iyon ay umalis na kaagad siya at napakuyom na lang ako ng palad dahil sa inis. “Don’t mind her iniinis ka lang niya” “Nagtatampo ka ba?” malungkot na wika ko sa kan’ya. “I’m not, bakit naman ako magtatampo? Saka bago ako pumunta rito sinabi ko sa sarili ko na iintindihin na kita. Kung saan ka masaya, masaya na rin ako dahil ayoko nang bitawan ka pa.” Niyakap naman niya ako at gumanti rin ako nang pagkakayakap sa kan’ya. Sa ganoong ayos naman kami nakita ni Leslie. “Oh my goodness! Kayo na talaga ha!” napakalas naman ako nang pagkakayakap kay Mazer at hinarap si Leslie na nakahalukipkip at ngiting-ngiti sa amin. “Yes Leslie,” tipid na sagot ni Mazer. “Well congrats sa’yo Miss pokmaru, reyna ng mga karupukan,” natatawa namang wika ni Leslie. “Hindi ako marupok, mahal ko lang talaga si Mazer,” sabay tingin kay Mazer. “O siya halika na at kanina pa naghihintay si bossing sa conference may meeting daw tayo?” “Tungkol saan?” kunot noong wika ko. “About sa upcoming project niyo ni Wilfred” “Okay sige susunod ako,” tumango lang siya at umalis na sa aming harapan. Binalingan ko naman si Mazer na kanina pa tahimik. “Wait for my office okay? May meeting lang kami sandali” “Sige Kristine, hihintayin kita.” Tipid naman akong ngumiti sa kan’ya at nauna na siyang pumasok sa loob ng aking opisina. Matamlay naman akong nagtungo sa conference at naabutan ko naman na kararating lang ng ibang ka-meeting namin. Magkatabi kami ni Leslie at napansin naman niya ang pagiging matamlay ko. “O bakit parang nakabusangot ka? Imbes na kita utak mo sa tuwa dahil sa wakas nagkabalikan na kayo ni Mazer pero mukhang extend yata ang haloween ngayon dahil sa nakikita kong ekspresyon ng mukha mo” “Si Mazer kasi eh” “O ano si Mazer? Don’t tell me nag-away kaagad kayo? Naku Kristine wala pang 24 hours away kaagad kayo” “Hindi naman ‘yon eh” “E ano ngang sinisimangot mo riyan?” inis niyang wika. “He want’s me to take a 1 day-off” “E ‘di magday-off ka problema ba ‘yon?” “Ang kaso nga nagkataon naman na maraming tambak na trabaho ngayon tapos sa isang linggo na ang pictorial namin ni Wilfred,” nakangusong wika ko at sumandal pa ako sa aking upuan. “D’yos ko Kristine pagbigyan mo na isang araw lang naman ‘yon. Saka pagbigyan mo na ‘yong tao. Sige ka kakagan’yan mo baka iwan ka niya ulit. Saka isa pa Kristine bigyan niyo naman ng time ang isa’t-isa, enjoy being together.” Natakot naman ako sa posibleng mangyari. Kaya rin kami naghiwalay dahil sa trabaho ko. Dahil noong nasa Pilipinas pa lang ako ay isang beses lang sa isang linggo kami kung magkita o ‘di kaya’y siya ang dumadalaw sa trabaho ko kapag wala siyang trabaho. But this time I won’t let that happen again. Tama si Leslie kailangan bigyan ko rin naman ng oras ang relasyon naming dalawa. Mahigit isang oras bago natapos ang meeting namin ay nagpasya naman akong bumili sa cafeteria ng kape at meryenda naming dalawa ni Mazer. Magkasama kami ni Leslie na pabalik sa aking opisina bitbit ang binili ko. “Mukhang umaliwalas na ngayon ang mukha mo ah,” wika ni Leslie habang naglalakad kami patungo sa aking opisina. “I just want him to be happy too. Ayoko rin namang maging selfish at ayoko rin naman na ako na lang ang parati niyang iniintindi. Tama ka Les dapat bigyan din namin ng oras ang sarili namin, tulad ngayon na kami na ulit” “That’s right Kristine, give and take lang naman ‘yan. Hindi magtatagal ang relasyon niyo kapag iyong isa ay give lang nang give at ikaw naman take lang nang take” “Wow Les, sa tono ng pananalita mo parang na-in love ka na ah,” nangingiti kong turan sa kan’ya. “Ano ka ba Kristine nabasa ko lang ‘yan! Saka wala pa akong panahon sa love na ‘yan!” “Kaya pala binasated mo si Seff,” hindi niya ako sinagot at pagkuwa’y inirapan lang ako. Pagkabukas ko naman ng pinto ng aking opisina ay naibagsak ko ang binili kong pagkain gano’n na rin ang kape na natapon pa sa sahig. “Hoy Kristine ano bang__” hindi na naituloy pa ni Leslie ang sasabihin niya nang makita niyang nakakandong si Cezil kay Mazer at si Mazer naman ay gulat niya kaming tinitigan. “K-kristine it’s not not you think okay,” itinulak niya si Cezil at biglang tumayo sa kan’yang pagkakaupo sa mahabang sofa. Lalapitan niya sana akong kaagad ngunit pinigilan ko siyang makalapit. “Diyan ka lang!” natameme siyang bigla at binalingan ko naman si Cezil na nakangisi pa sa akin. “So, Kristine sa tingin mo ba hindi maaakit sa ‘kin ang boyfriend mo? Nakita naman ng dalawang mata mo hindi ba?” malanding wika naman niya. “Yes nakita ko. Pati na rin ang CCTV dito sa loob ng opisina ko nasaksihan niya.” Pansin ko sa kan’ya ang pagkagulat dahil hindi niya inaasahan na may CCTV pala sa loob ng aking opisina. Gusto mo bang panuorin natin kung sino ang nang-akit o naakit?” sarkastikong saad ko sa kan’ya. “Talagang naninigurado ka ha?” “Sa susunod kasi bago ka gumawa ng hakbang make sure na walang ebidensiya.” Bigla niyang inayos ang kaniyang sarili at tinitigan ako ng masama. Mabilis siyang lumabas ng opisina ko at pabagsak na sinarado ang pintuan. Muli ko namang binalingan si Mazer na matamang nakatingin sa ‘kin at napansin ko na may bahid ng lipstick ang suot niyang polo shirt. Napa-irap naman ako at pinaliitan siya ng mata. “Let me explain Kristine” “I don’t need your explaination” “Please__” “Tulad ng sabi ko may CCTV dito sa loob ng opisina ko at papanuorin ko na lang ‘yon” “So mas accurate pa pala na panuorin mo na lang ang CCTV kaysa sa sasabihin ko?” Bigla naman akong nakaramdam ng guilt sa sinabing iyon ni Mazer. “Lalabas muna ako, tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka.” Hindi ko na siya napigilan at wala ni isang salita ang lumabas sa aking bibig. Napatulala na lang ako sa kawalan at pumunta sa aking harapan si Leslie na kanina pa pala ako pinagmamasdan. “Kristine kabago-bago niyo pa lang nagkakabalikan nagkakaproblema na kayo kaagad. Saka bakit mo naman kasi sinabi ‘yon hindi mo man lang siya hinayaang makapagpaliwanag” “Nabigla ako Les, lalo na sa nakita ko. Sino ba namang hindi maiinis do’n!” “I know Kristine sana pinagpaliwanag mo muna ‘yong tao bago mo sana panuorin ‘yong CCTV kung totoo nga ‘yong mga sinasabi niya.” Dahan-dahan akong pumunta sa aking lamesa at marahang umupo sa aking upuan. Sumandal ako napasabunot na lang sa aking mahabang buhok. “What should I do Les?” “Hay naku Kristine ikaw lang ang makakasagot niyan. O siya sige na babush at marami pa akong gagawin. Lumabas na siya sa aking opisina at ako nama’y nag-iisip kung paano ko kakausapin si Mazer. I know I hurt him dahil hindi ako nagtiwala sa kung ano man ang sasabihin niya. Binuksan ko ang laptop ko at tinignan ang nakarecord na CCTV doon. Pinanuod ko ito at nakita si Mazer na papasok sa aking opisina. Naupo muna siyang saglit at inilibot ang paningin niya sa loob ng aking opisina. Maya-maya pa ay tumayo ito at ikinagulat ko na nililigpit niya ang mga nakakalat kong gamit dito sa aking lamesa. Napatapik na lang ako sa aking noo at maluha-luha akong napatitig na lang sa aking laptop. Pagtapos niyang ayusin ang buong opisina ko ay humiga siya sa sofa at pumikit. Ilang minuto pa lang ang nakakaraan ay walang pasabing pumasok naman si Cezil kaya biglang napatayo si Mazer. Naggalaiti naman ako sa inis at galit nang itulak niya si Mazer sa sofa at kumandong siya rito at hinalikan pa sa mga labi. Kita ko na tinulak niya pa si Cezil at tatayo na sana si Mazer ng yakapin naman siya ni Cezil at pilit na itinutulak naman ito ni Mazer palayo sa kan’ya. At iyon ang naabutan naming eksena ni Leslie kanina. “I’m sorry Mazer, I’m sorry,” garalgal kong wika habang nakatitig pa rin sa aking laptop. Nagpasya akong maghalf-day na lang at hanapin si Mazer. Ayoko ng patagalin pa ito dahil pakiramdam ko mababaliw na ako kakaisip at hindi rin naman ako makakapagtrabaho nito. I want to spend time with him all day and tomorrow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD