CHAPTER 36

1789 Words
Paalis pa lang ako sa aking bahay ng bigla namang tumunog ang aking telepono. Nakita kong si Macelyn ang tumatawag, tumikhim muna ako bago ito sagutin. “Hello Mace?” “Mama Tin!” Napangiti naman ako nang marinig ko ang masayang pagtawag sa akin ni Madeline. “Yes baby Madie?” “Can you come over?” “Why? Is there something wrong baby?” Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya na siyang ikinabahala ko. “You love papa Mazer right?” “H-ha?” gulat kong wika sa kaniya. “Bakit may babae rito na sabi niya she’s Papa Mazer’s wife.” Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kan’ya ang totoo. Mariin ko namang kinagat ang ibabang labi ko. Matagal na panahon naming pinagtakpan sa mga bata ang totoo at parati kaming nagpapadala ng mga laruan sa kanila na kunwari ay ang Papa Mazer nila ang may bigay. Ayaw namin silang masaktan kaya ginawa namin ang mga bagay na ‘yon. Pero mukhang mas masasaktan pa yata sila kapag nalaman nila ang totoo. “B-baby I think sila mommy at daddy mo na lang ang magpapaliwanag sa’yo” “Mama Tin ‘di ba ikaw ang magiging wife ni Papa Mazer? Tell me mama ‘di ba ikaw dapat?!” Umiiyak niyang wika sa akin at sumisigaw na siya. Sapo ko ang aking dibdib dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Wala akong magawa dahil hindi na sa akin si Mazer at pag-aari na siya ng iba. Pinunasan ko naman ang aking mga luha na dumaloy sa aking pisngi at saka muli siyang kinausap. “Baby Madie__” “Hello Tin, I’m sorry sa inasal ni Madel ha? She’s badly hurt of what happened,” saad naman sa akin ni Macelyn sa kabilang linya. “It’s okay Mace I think kailangan kong pumunta riyan para na rin kausapin ang mga bata” “Are you sure Tin? Nandito kasi si kuya at ‘yong asawa niya ayos lang ba na makita mo sila rito?” may pag-aalalang saad niya. Saglit akong natigilan at nag-isip. Ang totoo niyan ay hindi ko alam ang aking gagawin kapag nakita ko sila at lalong-lalo na kapag nakikita ko silang masaya sa piling ng bawat isa. Mapait akong ngumiti saka muling nagsalita. “O-oo Mace. Ang mga bata naman ang pupuntahan ko at hindi siya” “Okay sige Tin ikaw ang bahala.” Ibinaba ko na ang tawag pagkatapos naming mag-usap. Lulan naman ako ng aking sasakyan papunta sa bahay nila Mace ay hindi ko naman mapigilang isipin ang posibleng mangyari kapag nagkita kami ni Mazer. Kailangan kong maging natural sa harap nila, pero paano? Paano ko magagawa ‘yon na alam kong nasasaktan ako? Hindi ko namalayan na nakalagpas na pala ako sa kanilang bahay kaya bumalik pa ulit ako. Ipinarada ko ang aking sasakyan at mabilis na bumaba. Pagkapasok ko naman sa kanilang bahay ay nabungaran ko kaagad si Mazer na nilalaro ang dalawang taong gulang niyang anak. Natigilan ako at mataman lang silang pinagmamasdan. Kita ko sa mukha ni Mazer ang tuwa habang nilalaro niya ang anak niyang lalaki. Bigla kong naalala ang sana’y magiging anak namin kung hindi lang ako nakunan. Naalala ko naman ang kataksilang ginawa niya at wala ako sa sarili kong napakuyom ng palad. “I-ikaw pala Kristine.” Napalingon ako sa kung sino ang nagssalita. Nakangiti sa akin si Jillian at may hawak na tray na may lamang pagkain at wari ko’y sa mag-ama niya ito. Napatingin naman ako kay Mazer na ngayo’y nakatingin na rin sa akin. Dahan-dahan naman siyang tumayo at taka akong tinitigan. “Nasaan ang kambal?” walang gana kong wika sa kanila. “Ah ‘yong anak ba ni Mace? Nasa taas lang sila naglalaro yata.” Napataas bigla ang kilay ko dahil sa klase ng pagkakangiti niya sa akin. Gusto kong matawa dahil feeling close ang isang ito na animo’y hindi ako kilala kung ano ako sa buhay ni Mazer. Plastic, wika ko sa aking isipan. Marunong din naman akong kumilatis ng totoong tao sa hindi, at isa na siya roon. Narinig ko naman ang pagtawag ng kambal sa akin at kaagad naman akong napalingon sa kanila. “Mama Tin!” Kaagad ko silang niyakap at hinalikan sa kanilang pisngi. “How are you?” “We’re not fine Mama Tin,” malungkot na wika ni Jk at sabay tingin nila kay Mazer at karga na nito ang kaniyang anak. “Kumain na ba kayo? You wanna eat outside?” “Of course Mama Tin!” masiglang wika naman ni Madel. “Isama natin si Papa Mazer like we used to do.” Mabilis akong napatingin sa kanila at muntikan na akong mapamura nang umangkla naman si Jillian sa braso ni Mazer. “Ah baby Madie iba na kasi ang sitwasyon ngayon eh__” “Okay I’ll go with you,” putol ni Mazer sa aking sasabihin. Napapikit ako at masama siyang tinitigan. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya kung bakit gano’n na lang kabilis siyang pumayag. Napadako ang tingin ko sa kaniyang asawa na ngayo’y nagtataka. Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng kaniyang mukha na kanina lang ay nakatawa. Sinasabi ko na nga bang may pagka impakta rin ang babaeng ito. Kung sabagay ganito rin ang magiging reaksyon ko kung alam kong ex niya ang sasamahan niya. “Yehey! Let’s go na Mama Tin.” Nauna nang lumabas ang kambal dahil sa excitement nila at kami na lang ang naiwan sa salas. “Babalik ako kaagad, maiwan ko muna kayo ni Arthur.” Pagkasabi niyang iyon ay hinalikan niya si Jillian nang mabilis sa labi na ikinaiwas ko. Kung noong dati ay ako ang hinahalikan niya, ngayon ay iba na. Sabi ko sa aking sarili na unti-unti ko na siyang buburahin sa isip at puso ko. Pero sa tuwing makikita ko naman siya ay mas lalo ko lang pinahihirapan ang sarili ko. Nasasaktan pa rin ako at hindi ko magawang mamuhi ng tuluyan sa kan’ya. Pero gagawin ko ito para sa sarili ko dahil ayoko ng magmukha pang tanga lalo na sa harapan ni Jillian. Nauna na akong maglakad sa kaniya palabas at hindi na siya hinintay pa. Nakita kong nasa loob na ng aking sasakyan ang kambal at ngayon ko lamang napagtanto na sasakyan pala ni Mazer ang gamit ko. Napahinto akong bigla at tumingin sa aking likuran at nakita kong palabas na rin si Mazer ng bahay. Pansin ko na natigilan din siya sa paghakbang at nakatingin sa sasakyang dala ko. “Is that your car?” “H-ha? Ah, o-oo.” Gusto ko sanang sabihin na sa kaniya ang sasakyang iyon. “Nice car. So, shall we?” “S-sige.” Pumunta na ako sa driver’s seat at ganoon din siya kaya taka ko siyang tinitigan. “Don’t tell me ikaw ang magdidrive? Hindi ba wala kang maalala?” “O-oo nga, pero para kasing pamilyar ang sasakyang ito eh. Sorry ha?” May naaalala kaya siya? tanong ko sa aking isipan. Kaagad siyang pumunta sa passengers seat at ako nama’y pinagmamasdan siya bago ako tuluyang pumasok. Pumunta kami sa isang fast food chain na paboritong kainan ng mga bata. Umorder naman ako ng mga paborito nilang pagkain at ganoon din ako. Kita ko sa kambal ang saya sa kanila dahil na rin siguro kasama nila ang Papa Mazer nila kahit na wala itong naaalala mula sa kanila. “Papa Mazer alam mo ba ang saya-saya namin kasi kasama ka na ulit namin. Pero bakit ganoon hindi na si Mama Tin ang love mo?” nakangusong turan ni Jk. “Ah Jk iba na kasi ngayon eh” “Paanong iba Mama Tin?” “Masyado pa kayong bata para maintindahan ang lahat” “I’m sorry Jk and Madeline. Pero kahit na ganoon ang nangyari ang mahalaga nandito na ako kahit hindi ko kayo naaalala. Gusto kong ituring niyo ring parang pangalawang mama si Tita Jillian niyo,” paliwanag sa kanila ni Mazer. “No! I don’t like her! She would never be Mama Tin. Si Mama Tin lang ang gusto namin at hindi siya!” sigaw naman ni Madeline. Tumayo siya at nagulat kami nang palabas na siya ng fast food chain kaya kaagad ko siyang sinundan. “Madeline comeback here!” Napasigaw na lang ako nang mapansin na tila patawid siya at muntikan nang masagasaan. “Madeline!” Kaagad ko siyang pinuntahan at niyakap nang mahigpit. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan dahil sa matinding takot. “Is she okay?” wika ni Mazer na halos kararating lang at akay-akay niya si Jk. Sinamaan ko siya nang tingin at kumalas sa pagkakayakap kay Madeline. “What did you do?! Muntikan nang mapahamak si Madeline dahil sa hindi ka nag-iisip! Ay oo nga pala, wala ka palang maalala” “I’m sorry hindi ko naman kasi alam eh” “Jk, Madeline mauna na kayo sa sasakyan susunod na kami.” At nang makaalis na ang kambal ay saka ko siya muling hinarap. “Sana man lang hindi mo binigla ‘yong mga bata. Alam mo bang ilang taon silang nagdusa dahil sa pagkawala mo?! Sasabihin ko pa rin sa’yo ito kahit na wala kang maalala. Ang hirap tanggapin Mazer, ang hirap tanggapin na hindi na ako. Mas matatanggap ko pa na sana totoo ka na nga lang namatay kaysa naman buhay ka nga pero ako naman ang unti-unti mong pinapatay! Hindi pa nawawala ang alaala mo nagtaksil ka na at nagkaroon ka pa ng anak. Samantalang ako ingat na ingat noon na baka magalit ka kapag may lumalabas na headlines tungkol sa’kin!” Hindi ko na napigilan pang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Dahil kung hindi ko ito ilalabas ay para na akong bombang sasabog ano mang oras. Umiiyak ko siyang hinarap at lalapitan sana niya ako ngunit bahagya akong umatras at mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita.” Huwag kang mag-alala dahil simula sa araw na ito ay kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa’yo. Iisipin ko rin na hindi kita kilala.” Pagkasabi kong iyon ay tumalikod na ako para puntahan na ang mga bata. Napahawak na lang ako sa pader dahil tila ba’y matutumba ako. Napatutop na lang ako sa aking bibig at doon ko ipinagpatuloy ang aking pag-iyak. Nagiging sinungaling na ako sa nararamdaman ko ngayon, ang totoo niyan ay hindi ko siya kayang kalimutan ng basta-basta na lamang pero kailangan kong gawin dahil ayoko nang magpaka tanga pa at magmukhang tanga sa harap ng asawa niyang si Jillian dahil sa naghahabol ako kay Mazer. Tama na ang pasakit na nararanasan ko ngayon dahil sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD