CHAPTER 35

1818 Words
“What?! Are you sure Kristine na anak nga ni Mazer ‘yon? At isa pa kasal ba talaga sila?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Leslie. Nandito kami ngayon sa aking opisina at ikinuwento sa kan’ya ang nangyari sa pagitan namin. Nakasandal ako sa aking swivel chair at mahinang hinihilot ang aking sentido. Hindi ko na sinabi sa kan’ya na naospital ako dahil malamang sesermonan na naman niya ako. Sinulyapan ko siya at mataman naman siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang aking isasagot. “Meron siyang DNA test ng anak nila at totoong anak niya ‘yon Les,” walang gana kong wika sa kan’ya. "How about you Kristine? Paano na kayo ni Mazer?” “It’s over. Kahit naman ipaglaban ko pa siya wala na akong magagawa. Naisip ko kasi na ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kan’ya gayong hindi na ako ang nasa puso niya” “My god Kristine! may amnesia si Mazer hindi ka niya maalala kaya iba ang mahal niya ngayon. Kapag naalala ka niya babalik siya sa’yo.” Tinignan ko muna siya at ngumiti sa kan’ya ng tipid. “I want to move on Les. I’m tired, I’m tired of loving him. I’m tired thinking of him. Pagod na ‘ko sa lahat Les. Parang gusto ko na ngang dukutin itong puso ko at itapon na lang para hindi ko na maramdaman ang sakit. Pagod na ‘ko masaktan Leslie! Pagod na pagod na ‘ko!” umiiyak kong turan at sinuntok ko pa ang aking dibdib. Kaagad naman niya akong dinalohan at niyakap sa aking likuran habang ako nama’y nakaupo. Hindi ko alam na may mas sasakit pa pala noong panahong mawala siya. Hindi ako sumuko sa paghahanap sa kan’ya at umaasa na buhay pa siya. Pero ngayon gusto ko na sumuko dahil hindi na ako ang mahal niya at nagpapasaya sa kaniya. Ginugol ko ang atensyon ko sa pagtatrabaho para hindi maisip si Mazer. Paminsan-minsan ay malalim na sa gabi kung umuwi ako at gigising naman ako para pumasok ulit sa aking opisina. Hindi na rin kami madalas nagkikita ni Macelyn dahil sa totoo lang ayoko na munang marinig ang tungkol kay Mazer at sa pagtataksil na ginawa niya sa akin. Maaga naman natapos ang trabaho ko at nagpaalam na rin si Leslie sa akin na mauuna nang umuwi, nagliligpit na ako ng aking mga gamit at binuksan ko naman ang aking drawer para ilagay doon ang iba pang files nang makita ko ang picture naming dalawa noong nasa France kami. Kinuha ko ito at pinaka titigan. Bigla namang may tumulong luha sa aking pisngi at mahigpit kong hinawakan ang litrato. Pinunit ko ito at itinapon sa basurahan. Malakas akong napatukod sa aking lamesa at ang isang kamay ko ay sapo ang aking dibdib. Dahil sa sakit na nadarama ko ay hindi ko na napigilan pang mapahagulgol. Ang iyak na ilang araw kong kinimkim ay muli ko ulit nailabas. Akala ko ay okay na ako, hindi pa pala. Sadyang mahihirapan akong gamutin ang sugat na si Mazer ang may gawa at tanging siya lang ang magpapagaling nito. Ilang minuto pa ako na nasa ganoong ayos ay nagpasya na rin akong umalis. Inayos ko muna ang aking sarili bago ako lumabas sa aking opisina. Kasalukuyang nagmamaneho ako nang mahagip naman ng aking paningin ang isang madre na tumatawid sa kalsada. Naisip kong bigla ang ampunan kung saan ako iniwan ng mga magulang ko at kung saan din ako lumaki. Nagpasya akong dalawin muna ang mga madre na ngsilbing mga magulang ko noon. Bago ako dumeretso roon ay nagtungo muna ako sa isang flower shop upang bumili ng mga bulaklak para ibigay kay Mother Perfecta. Napangiti naman ako dahil tiyak magugustuhan niya ito pag nakita niya ang mga paborito niyang mga bulaklak. Pagtapat ko sa malaking gate ng ampunan ay nilapitan naman ako ng guwardiya at ibinaba ko ang salamin ng aking kotse. “Ma’am sino po ang hinahanap niyo?” tanong sa akin ng guard. “Dadalawin ko sana si Mother Perfecta, nariyan pa ba siya?” “Sino po sila ma’am?” “Pakisabi si Kristine Veinezz.” Umalis muna siya saglit at nagpunta sa guard house at may tinawagan. Ilang sandali pa ay kaagad siyang bumalik. “Sige po ma’am pasok na raw po kayo” “Sige po salamat.” Pagkasabi kong iyon ay kaagad akong pumasok at inayos ko ang parada ng aking sasakyan. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng bahay ampunan na nagsilbing tahanan ko noon. Napaka aliwalas ng lugar, at may ilan ding nagbago. Nakita ko naman ang mga bata na masayang naglalaro sa playground at napangiti na lang ako dahil naalala ko noong nasa edad din nila ako. Naghintay na lang ako sa garden at tatawagin na lang daw ng madre si Mother Perfecta. Matagal na panahon na ring hindi ako nadalaw dito simula noong parati na ako sa ibang bansa. Siguro nagtatampo na siya sa akin dahil bihira na ako dumalaw sa kaniya. Tinitigan ko ang bulaklak na dala ko at inamoy ito. Maya-maya pa ay nakita kong paparating na si Mother Perfecta kasama ang madreng tumawag sa kan’ya. Nagtaka naman ako dahil akay-akay niya si Mother Perfecta at may tungkod na dala. Napatutop ako sa aking bibig ng mapagtanto kung bakit siya ganoon. “Mother Perfecta narito na po siya, si Kristine,” wika ng madre. Naluha akong bigla dahil pilit niyang kinakapa kung saan ako nakapuwesto. Kinuha ko ang kaniyang kamay at niyakap ko siyang bigla. Ang yakap ng isang ina ay sa kan’ya ko lamang naramdaman. Sobrang na-miss ko siya at ngayon ko kailangan ang kalinga ng isang ina at si Mother Perfecta ‘yon. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kan’ya at kinakapa naman niya ang aking mukha. Nangunot ang noo niya dahil naramdaman niya ang luha sa aking pisngi. “Kristine, hija? Umiiyak ka ba?” “Masaya lang po ako Mother Perfecta kasi nadalaw ko ulit kayo” “Ako rin Kristine. Pero hindi na kita nakikita dahil bulag na ako ngayon. Kahit ganoon pa man ay masaya ako kasi naririto ka.” Ngumiti naman ako sa kan’ya at ganoon din siya. Kahit hindi niya ako nakikita alam kong masaya siyang dinalaw ko siya. Inabot ko sa kaniya ang dala kong bulaklak at inamoy niya ito. Inalalayan ko naman siyang makaupo sa upuang bato habang hawak ang kaniyang isang kamay. “Kumusta ka na hija? Balita ko sikat na sikat ka na sa iba’t-ibang panig ng bansa,” masayang wika niya sa akin. “Naku Mother Perfecta hindi naman po masyado” “Siyanga pala iyong kasintahan mo, niyaya ka na ba niyang magpakasal?” Nalungkot naman ako sa sinabi niyang iyon at pinigilan ko na lamang ang maiyak. “H-hindi pa po saka marami pa po kasi siyang dapat asikasuhin eh,” pagsisinungaling ko na lang sa kan’ya. Dumalaw din kami rito noong minsan ng hindi pa nabubulag si Mother Perfecta at ipinakilala ko si Mazer sa kan’ya. Aliw na aliw siya kay Mazer dahil mapagbiro ito at mabait. Pero ayoko rin siyang malungkot kapag sinabi kong may pamilya na siya. “Aba hija tumatanda ka na at kailangan niyo na ring bumuo ng sarili niyong pamilya” “S-sige po huwag kayong mag-alala darating din po ako riyan?” mapait naman akong ngumiti. Ilang oras din kaming nagkuwentuhan ni Mother Perfecta ay nagpasya na rin akong umuwi at dadalaw na lang ulit. Naglalakad na ako papunta sa aking sasakyan ng may makita naman akong isang lalaki at nakatalikod kausap naman nito ang isang madre. At nang matapos na niya itong kausapin ay saka lamang siya humarap at doon ko lamang siya nakilala. Nanlaki pa ang aking mga mata sa gulat at siya nama’y nakangiting nakamasid sa akin. Lumapit siya at binati naman ako. “Kristine? What are you doing here?” “H-ha? Aahm m-may dinalaw lang ako” “Ikaw Doctor Franco ano palang ginagawa mo rito?” “I told you not to call me Doctor Franco kapag wala naman tayo sa ospital. Just call me Franco na lang,” nangingiti niyang saad. “Ah, oo nga pala sorry Franco” “That’s much better. Nandito ako kasi monthly akong nagbibigay ng mga regalo sa mga bata rito” “Talaga?” gulat kong turan sa kaniya. “Bakit parang nagulat ka? Hindi ba halata?” “H-hindi naman pero bakit?” “Kasi katulad ko rin sila,” malungkot niyang saad. “Ibig sabihin galing ka rin sa bahay ampunan?” “Yes, pero hindi rito sa ibang bahay ampunan na nasunog. Ilan lang kaming nakaligtas at dahil sa takot ko nagtatakbo ako at hindi alam kung saan pupunta. Hanggang sa may kumupkop sa aking mag-asawa at dinala naman nila ako sa Amerika. Itinuring nila akong isang tunay na anak at utang ko sa kanila kung ano man ang tinatamasa ko ngayon” “Ako naman dito ako nakatira dati pero umalis ako noong nakatapos na ako dahil gusto kong maging independent” “Wala bang gustong umampon sa’yo noon?” “Ayoko talagang magpaampon dahil umaasa pa rin ako na babalikan ako ng tunay kong mga magulang,” nakayukong wika ko sa kaniya. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na balang araw ay makikita ko sila. Okay lang naman sa akin na makilala ko sila kahit na hindi nila ako kilalanin bilang anak. At least nalaman ko na meron pala akong matatawag na magulang. “Huwag kang mag-alala makikilala mo rin sila. Ako nga hanggang ngayon hinahanap ko pa rin ang tunay kong mga magulang hindi pa rin ako sumusuko sa paghahanap sa kanila” “Mahahanap din natin sila,” nakangiting wika ko at tumawa naman siya ng mahina. “Sige doc, I mean Franco mauuna na ‘ko sa’yo ah baka kasi gabihin na rin ako medyo malayo pa ang uuwian ko eh. “Okay sige pauwi na rin naman ako.” Maglalakad na sana ako palayo ng muli niya akong tawagin. “Ah Kristine, if you don’t mind puwede ba kitang yayain kumain sa labas some other time? Don’t worry as a friend lang naman walang malisya,” tumango ako sa kan’ya at ngumiti. “Here’s my calling card tawagan mo na lang ako riyan,” abot ko sa kaniya ng calling card ko. “Okay thanks I’ll call you Kristine.” Pagkasabi niyang iyon ay naglakad na ako palayo at tinungo kung saan nakaparada ang aking sasakyan. At nang makasakay na ako ay sumandal ako sa aking upuan at pumikit sandali. Hanggang sa pagpikit ko ay si Mazer pa rin ang nakikita ko. Napadilat ako at tinitigan ko ang singsing sa aking kaliwang kamay. Mabilis ko naman itong tinanggal at inilagay sa drawer ng aking sasakyan. “Hanggang ngayon mahal pa rin kita Mazer kahit na ganito ang sinapit natin. Pero hanggang kailan ako masasaktan?” garalgal kong wika sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD