CHAPTER 34

1629 Words
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at napansin ko na nasa isang maliit na kuwarto ako at puro puti ang aking nakikita. Iisa lang ang ibig sabihin nito, nasa ospital na naman ako. Tatayo sana ako ng biglang may pumasok na isang doctor at nurse. Napatulala akong bigla dahil napaka guwapo niyang doctor, puwede siyang maging modelo pag nagkataon. Napaiwas naman ako ng tingin nang ngumiti naman siya sa akin. “So, how do you feel?” tanong niya nang makalapit na siya sa akin “I’m fine” “By the way ako nga pala si Doctor Franco Greyson, ako ‘yong nakakita sa’yo kagabi,” taka ko siyang tinitigan. Doon ko lang napagtanto na may isang lalaking lumapit sa akin at malamang ay siya nga ang lalaking iyon. “Ikaw ang lumapit sa akin kagabi?” “Absolutely.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay binalingan naman ako ng nurse upang kuhanan ng vitals at pagkatapos ay lumabas na rin ang nurse at kami na lang dalawa ang naiwan. “S-salamat nga pala at pasensiya ka na ha? Naabala pa tuloy kita. “Buti na lang talaga nakita kita dahil kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa’yo” “Bakit ka pala nandoon?” “Nakita kasi kita na parang wala ka sa sarili mo no’n tapos basang-basa ka pa ng ulan kaya sinundan kita delikado pa naman sa lugar na ‘yon dahil wala masyadong dumadaang tao” “Ah ganoon ba?” nakayuko kong wika sa kan’ya. “My problema ka ba no’n?” Doon lang ako nag-angat ng tingin at mataman naman siyang nakatitig sa akin. Kung sino siguro ang babaeng makakakita sa kan’ya ay mahuhumaling sa doctor na ito. Mayroon siyang kulay abo na mga mata at ang labi ay sobrang nipis lang at sadyang mapupula. Pero wala pa ring tatalo kay Mazer, siya lang ang napaka guwapong lalaki para sa akin. Pero wala ng pag-asang bumalik kami sa dati dahil sa mayroon na siyang asawa at anak. Napansin ko naman na may tumulong luha sa aking pisngi at kaagad ko naman itong pinunasan at binalingan ang guwapong doctor na ngayon ay takang nakatingin sa akin. “I’m sorry doc” “It's okay. Masyado yatang personal ‘yong problema mo. Puwede ka ng lumabas mamaya tutal wala namang nakita sa laboratory mo eh, you are totally fine” “Salamat po ulit Doctor Franco” “It’s okay Miss Kristine Veinezz” “How did you know my name?” kunot-noo kong wika sa kan’ya. “Kilala ka ng mga nurse ko noong dalhin kita rito. Isa ka raw sikat na fashion designer,” nakangiti niyang saad. “O-oo” “Siya nga pala nagpabili na muna ako ng susuotin mong damit para may maisuot ka paglabas mo rito” “Hindi ka na sana nag-abala pa,” nahihiya kong saad. “No worries kaysa naman lumabas ka na hospital gown ang suot mo.” Napangiti na lang ako dahil sa kaniyang biro at ganoon din siya. “Maiwan na muna kita aasikasuhin ko lang ang discharge mo.” Tumango lamang ako sa kan’ya at lumabas na siya sa akibg kuwarto. Napatingin naman ako sa suot kong singsing na binigay sa akin ni Mazer noong magpropose siya sa akin dalawang taon na ang nakakaraan. Ang pagmamahal na pinaramdam namin sa isa’t-isa ay tuluyan ng naglaho. Naglaho na ang pagmamahal niya sa akin at tanging si Jillian na ngayon ang nasa puso niya. Bigla namang kumirot ang puso ko ng muli ko na namang maalala ang naganap sa amin. Hindi ko matanggap na ganoon sa akin si Mazer, at mas lalong hindi ko matanggap na pag-aari na siya ng iba. Dapat na ba akong sumuko at itigil na ang pagmamahal ko sa kaniya? Hindi ko lubos maisip na magagawa sa akin ni Mazer ang lokohin ako, kahit minsan ay hindi sumagi sa isip ko na magagawa niya akong pagtaksilan dahil alam kong mahal niya ako. Paano ko naman maibabalik ang pagmamahal niya sa akin kung hindi naman niya ako naaalala? “Maraming salamat pala sa tulong mo Doctor Franco at pati na rin dito sa damit. Hayaan mo babayaran ko ito,” sabi ko sa kan’ya habang naglalakad kami sa hallway ng ospital. “You don’t have to Miss Kristine. Kung ano man ang pinagdadaanan mong problema ngayon alam kong malalagpasan mo rin ‘yan,” ngumiti lang ako sa kan’ya at pagkuwa’y napahinto ako sa aming paglalakad nang makita ko si Marco na papalapit sa aming kinaroroonan. “Hey Kristine what are you doing here? At saka kagabi ka pa namin tinatawagan ni Macelyn pero hindi ka sumasagot. May sakit ka ba?” “W-wala ano kasi eh, aaahm ano__” “She collapse.” Si Doc Franco na ang sumagot kay Marco kaya napabaling naman ang tingin niya rito. “I’m sorry Doc Franco I didn’t notice you. Kailan ka pa dumating?” “Noong last week pa. By the way magkakilala pala kayo ni Miss Kristine?” “Yes she’s my friend. Anong nangyari pala sa kan’ya why she collapse?” “Well I saw her__” “Salamat Doc Franco. And Marco can I talk to you for awhile?” putol ko sa sasabihin ni Doc Franco. “Yeah sure” “Mauna na muna kami Doc Franco,” paalam ko naman. Tumango lamang siya at nagtungo kami sa opisina ni Marco. “Alalang-alala kami sa’yo kagabi Kristine. You didn’t answer our calls,” wika niya ng nasa opisina na niya kami. Nakaupo ako sa sofa at kaharap siya. “I was hurt Marco. Ano bang nagawa kong kasalanan bakit ako pinaparusahan ng ganito? Naging masama ba ako?” naiiyak kong wika sa kaniya. “Kristine walang maalala si Mazer lahat tayo hindi niya maalala kaya hindi natin siya masisisi” “Sino ang dapat sisihin Marco? Ako ba? Ako na matyagang naghintay sa kaniya at pagkatapos uuwi siyang may pamilya na?” “I know how you feel Kristine. Don’t worry tutulungan namin si Mazer na maibalik ang ala-ala niya” “Kahit naman na makaalala siya hindi na kami babalik sa dati dahil may pamilya na siya. Kita ko Marco ang pagmamahal niya sa anak niya at lalo na sa asawa niya na dapat ako sana ‘yon!” Hindi ko na napigilang mapaiyak ang inilagay ko ang aking mga palad sa aking mukha. Naramdaman ko naman na tumabi sa akin si Marco at marahang hinahagod ang aking likod. At nang mahimasmasan na ako ay nagpaalam na rin ako sa kaniya at ihahatid pa sana niya ako palabas ng ospital ngunit tumanggi ako. Gusto ko munang mapag-isa at ayoko muna silang gambalain dahil ayokong kaawaan nila ako dahil sa nararanasan ko ngayon. Nasa labas na ako ng ospital at naghihintay ng masasakyan ng may biglang humapit naman sa aking bewang na siyang ikinagulat ko. Napayakap naman ako sa lalaking gumawa noon at ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Nag-angat ako ng tingin at nanlaki pa ang aking mga mata nang makilala kung sino ito. “Miss Veinezz are you okay?” Hindi ako kaagad makapagsalita dahil sa bilis ng pangyayari. “O-okay lang ako.” Kaagad akong lumayo sa kan’ya at inayos ko ang aking sarili. “Muntik ka nang mahagip ng rumaragasang kotse.” Nanlaki ang aking mga mata at napayuko dahil sa hiya. Ganoon na ba ako kawala sa aking sarili? Tanong ko sa aking isipan. “P-pasensiya ka na ulit ha? Dalawang beses mo na akong iniligtas. “Saan ka ba nakatira? Ihahatid na lang kita” “Hindi na Doc Franco kaya ko na ang sarili ko” “As far as I can see, you can’t go home alone. Sige na ihahatid na kita, don’t worry hindi kita sisingilin ng mahal,” nakangiti niyang turan. Wala na akong nagawa kun’di ang pagbigyan siya. sinabi ko naman sa kaniya kung saan ako nakatira. Tahimik lang kaming bumabiyahe at pakiwari ko’y alam niya na ayoko munang may makausap kaya hindi na rin siya nag-abala pang kausapin ako. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at hindi ko mapigilang isipin si Mazer at ang kataksilang ginawa niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at napansin naman ito ni Doctor Franco. “Lalim no’n ah,” napatingin ako sa kan’ya at saglit naman niya akong sinulyapan at muling ibinaling ang tingin sa daan. Sasagutin ko pa sana siya ngunit nakarating na rin kami sa aking bahay. “Dito na lang ako, saka iyan na rin ang bahay namin.” Inihinto niya ang sasakyan sa tabi at saka ko siya muling sinulyapan. “Salamat Doctor Franco” “Just call me Franco na lang. Tutal wala na naman tayo sa ospital eh,” nakangiti niyang wika. Hilig niya talaga ang ngumiti at masasabi kong bagay naman sa kaniya at mas lalo pa siyang nagiging guwapo. “S-sige Franco salamat ulit” “Anong salamat may bayad ‘yon” “H-ha?” taka ko siyang tinitigan. “Kapag nagkita ulit tayo sana nasa matinong pag-iisip ka na Kristine,” natawa naman ako ng pagak dahil sa kaniyang sinabi. “Sige doc__ I mean Franco, salamat ulit sa tulong mo sa‘kin kagabi at sa paghatid mo.” Pagkasabi kong iyon ay bumaba na ako at hinintay ko na lang siyang makaalis. Nakatanaw naman ako sa kotse niya at ng hindi ko na ito matanaw ay saka lamang ako nagpasyang pumasok na sa loob. Bago pa ako pumasok sa gate ay may napansin naman akong lalaki na kakaliko lamang sa kabilang kalsada at nagtaka ako dahil parang kilala ko ang lalaking iyon. Ipinagkibit balikat ko na lamang ‘yon at mabilis na pumasok na ako sa loob dahil imposibleng siya ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD