CHAPTER 33

1684 Words
Bumalik kami sa loob ng bahay ni Macelyn dahil sa kaniyang pakiusap. Hiniling niya na pakinggan muna namin ang paliwanag ni Mazer kung ano talaga ang nangyari sa kan’ya. Kahit na masakit ay pinilit ko pa ring humarap sa kan’ya lalo na’t kasama niya ang sinasabi niyang asawa at anak. Naupo kami sa kanilang harapan at kita ko ang pag-akbay niya sa kaniyang asawa na mas lalong ikinasakit ng puso ko. Napakuyom na lang ako ng palad at napansin naman ito ni Macelyn kung kaya’t hinawakan niya ang aking kamay na palihim at ngumiti sa akin. “Kuya wala ka ba talagang naaalala?” simula ni Macelyn. “Wala akong maalala kahit na ano. Noong naaksidente ako si Jillian ang nakita kong nasa tabi ko at siya ang tumulong sa akin noong mga panahong nasa ospital ako” “Hindi mo ba hinanap Jillian kung may pamilya pa siya?” Hindi na ako nakapagpigil kaya ako na ang nagtanong sa kan’ya. “Sinabi ko sa kan’ya na wala na siyang pamilya dahil nalaman ko noon na may naghahanap sa kan’ya at gusto siyang patayin. Para sa kaligtasan niya sinabi ko sa kan’ya ‘yon upang protektahan siya” “Patayin? Pero sino wala namang kaaway ang kuya ko ah,” takang tanong ni Macelyn. “Saan mo naman nakuha ang balitang ‘yan? Baka naman wala ka lang talagang balak sabihin sa pamilya niya na buhay si Mazer?” inis kong wika kay Jillian. “Katulad ng sabi ko kanina pinoprotektahan ko lang si Mazer noon dahil narinig ko na may gustong pumatay sa kaniya. “At paano kayo naging mag-asawa?” sabat naman ni Marco at tumingin muna sa akin si Mazer. Ang mga tingin na ‘yon ay hindi na katulad ng dati na puno ng pagmamahal. Ang tingin na lang niya sa akin ay isang estranghera na parang ngayon lang kami nagkita. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito na muli siyang makita, pero hindi naman niya ako nakikilala at ang masakit pa nito ay may sariling pamilya na siya. “We got married after the accident” “What?!” sabay naming sigaw sa kan’ya. “Teka lang kuya ha. Paanong nangyari na asawa mo na si Jillian?” takang tanong ni Macelyn. Maging ako ay nagtataka kung bakit bigla na lang sila nagpakasal. Malamang ay pinlalo lang ito ni Jillian at sinamantala para mapasakanya si Mazer. “Bago pa ang maganap ang aksidente sinundan ko siya papuntang ibang bansa” “Why?” tanong ko. “Dahil nabuntis niya ako.” Parang gusto kong magwala dahil sa aking narinig. Pinagtaksilan ako ni Mazer noong panahong wala pa ako rito sa Pilipinas? No, hindi niya magagawa sa akin ‘yon. Mahal niya ako at kailanman ay hindi niya ako magagawang lokohin. Napatayo akong bigla at pagak na tumawa. Taka naman nila akong tinignan dahil sa aking tinuran. “I don’t believe you! You’re such a liar! Hindi magagawa ni Mazer ang lokohin ako! Paano kang nakakasigurong anak nga niya ang batang ‘yan?!” duro ko sa bata na kalong ni Jillian. “I have a result of DNA test.” Kinuha niya sa kaniyang bag ang isang puting papel at iniabot naman nito sa akin. Tinignan ko lamang iyon at ‘di kalauna’y si Marco na ang kumuha no’n. Napabuntong hininga na lang si Marco matapos niyang basahin ang resulta at maya-maya ay si Macelyn naman ang nagbasa noon. “T-tin, anak nga ni kuya ang batang ‘yan.” Napapikit ako ng mariin at naikuyom ko ang aking palad. Gusto kong umiyak pero ni isang butil ay wala man lang pumatak. Mas nangingibabaw ang galit at poot na nararamdaman ko ngayon. Kahit minsan ay hindi sumagi sa isip ko na magagawa niya akong lokohin. “Totoo kong anak si Arthur. Anak namin ni Jillian,” wika ni Mazer na nasa akin ang tingin. Napaatras akong bigla at pabagsak na naupo sa sofa at titig na titig sa kanila. “Paano mong nagawa sa akin ito Mazer?” Binalingan ko naman si Jillian na matamang nakatingin sa akin. “Pinilit mo ba siyang pakasalan ka niya dahil sa may anak kayo?!” “Wala siyang kasalanan.” Napatingin akong bigla kay Mazer na masama ang tingin sa akin. Ang noon na puro pagmamahal kung tignan niya ako, nagyon ay kabaligtaran na nito. Galit siyang nakatitig sa akin at kita ko pang hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng sinasabi niyang asawa. Sa mata niya ngayon ay isa akong masamang babae. “Now Mazer, paano mo nga siya naging asawa? At pinakasalan na lang basta-basta?” ani ni Marco. “Hindi niya ako pinilit. Sinabi niya sa akin na hindi ko naman daw siya kailangan pakasalan dahil sa nagka anak kami. Kaya niya raw ako sinundan para ipaalam lang sa akin na magkaka-anak kami. At dahil sa siya ang nag-alaga sa akin at tumulong sa ‘kin nahulog na rin ang loob ko sa kan’ya dahil mabuti siyang babae at hindi mahirap mahalin” “So gano’n na lang ba ‘yon ha Mazer?! Hindi mo man lang ba naisip na halos mamatay ako kakahintay sa’yo at mabaliw-baliw ako kakahanap sa’yo tapos ngayong nagbalik ka na may asawa at anak ka na! How could you do this to me Mazer!” sigaw ko sa kan’ya at sabay tayo ko sa aking kinauupuan. Tumayo naman si Macelyn upang pigilan ako ngunit tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa aking braso at hinarap si Jillian at ngumisi sa kan’ya. “So this is your plan huh? Itinago mo siya sa amin ng mahabang panahon para lang makuha siya. Aminin mo na iyon ang totoo!” “You don’t have the right to accuse her!” Tumayo si Mazer at galit niya akong hinarap. Tinitigan ko lamang siya at maya-maya ay biglang umiyak naman ang kanilang anak. Bigla namang lumambot ang ekspresyon ni Mazer at kaagad na binuhat ang sinasabi nilang anak at hinalikan ito sa pisngi. Nakaramdam naman ako ng selos at inggit. Kung hindi lang sana namatay ang anak namin ay meron na rin akong isang little Mazer ngayon. Kita ko ang pagmamahal niya sa kaniyang anak habang pinapatahan niya ito. “Kuya huwag mo namang pagsalitaan si Kristine ng gan’yan. Worried lang siya sa’yo dahil ang tagal mong nawala. At isa pa nawala ang magiging an__” Hinawakan kong bigla ang kamay ni Macelyn upang hindi na niya maituloy pa ang susunod niyang sasabihin. Hindi na niya kailangan pang malaman ang nangyari sa anak namin dahil balewala rin naman kung malalaman pa niya. Nakatingin lang ako kay Mazer at ganoon din siya sa akin. Naniniwala ako na makalimutan man ako ng isip niya pero hinding-hindi ang kaniyang puso. Tumingin ako kay Macelyn at umiling ako sa kaniya hudyat na hindi na niya kailangan pang sabihin iyon kay Mazer. “I have to go,” sabay tingin ko naman kay Jillian na nakakunot ang noo. Tumalikod na ako at mabilis na lumabas ng bahay nila Macelyn. Narinig ko pa ang pagtawag ni Macelyn at Marco sa akin ngunit hindi na ako nag-abala pang lingonin sila, masyado ng masakit sa mata ang aking nakikita. Napahinto ako sa paghakbang habang nakakapit sa mataas nilang gate at nilingon ang labas ng kanilang bahay. Doon lamang sunod-sunod na bumagsak ang aking mga luha na kanina ay hindi man lang ito pumatak. Ang dating Mazer na mahal na mahal ako at walang ibang tinitignan kung hindi ako lamang, ay mayroon ng isang masayang pamilya. Ang pinapangarap ko noon na masayang pamilya ay sa iba naman niya ibinigay. “Bakit mo ginawa sa ‘kin ‘yon Mazer? Bakit patuloy mo pa rin akong sinasaktan? Ano bang nagawa kong mali?” wika ko sa aking sarili. Habang nagmamaneho naman ako ng aking sasakyan ay panay agos pa rin ng aking luha. Kasabay naman nito ay ang malakas na pagbuhos ng ulan na tila ba’y nakikisimpatya sa nararamdaman ko ngayon at sa tuwing nasasaktan ako ay bigla namang bumubuhos ang ulan. Itinigil ko sa tabi ng kalsada ang aking sasakyan at hinampas ang aking manibela. Doon ay humagulgol ako nang humagulgol dahil hindi ko na makayanan ang sakit dito sa aking puso. Dalawang taon akong nagdusa at umasa sa kaniyang pagbabalik at akala ko ay tapos na ang aking paghihirap, hindi pa pala. Mas matatanggap ko pa kung namatay siya sa isang aksidente kaysa naman umuwi siyang may iba ng mahal. Wala ako sa sarili kong lumabas ng aking sasakyan at malakas naman ang pagbuhos ng ulan. Hindi ko naman alintana ang lamig na nararamdaman ko ngayon na pinaghalong ulan at hampas ng malakas na hangin. Naglakad ako papunta sa nakita kong parke at naupo sa swing, tinignan ko ang aking itsura at suot ko pa ang gown na sana’y gagamitin ko sa aking pictorial. Wala rin akong suot na ano mang sapatos at nakayapak lamang. Niyakap ko na lamang ang aking sarili dahil nanginginig na rin ako sa lamig. “Mazer!” sigaw ko sa gitna ng pag-ulan. “Aaaah! Mazer,” umiiyak kong turan habang yakap-yakap ang aking sarili. Nang medyo hindi ko na kinaya ang lamig ay nagpasya na akong tumayo at umalis na sa lugar na ‘yon. Napa upo naman ako nang maapakan ang laylayan ng aking gown at tatayo na sana ako ng makita ko ang isang kulay itim na sapatos sa aking harapan. Dahan-dahan naman akong tumingala para makita kung sino iyon. Medyo madilim sa lugar na ito kaya hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang itsura at nanlalabo na rin ang aking mga mata dahil sa pinaghalong luha at patak ng ulan. Inalalayan naman niya akong makatayo at sadyang nakayuko lamang ako sa kan’ya dahil nahihiya ako sa aking itsura. “Miss ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin. “A-ayos lang ako. S-salamat, sige mauuna na ako sa’yo pasensya na sa abala. Nilagpasan ko na siya ngunit hindi pa ako nakakalayo ng bigla naman akong nahilo at bumagsak na lamang sa lupa. Kaagad niya akong dinalohan at inangat ang aking ulo bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD