Nakita ko ang sarili ko na nasa isang ospital na ako. May nakakabit na dextrose sa akin at kita ko naman sa gilid ko si Leslie na nakayuko sa kama at tila himbing sa pagtulog. Pumikit ako saglit at pilit na inaalala kung ano ang nangyari. Maya-maya pa ay naramdaman kong gumalaw si Leslie at napabaling ang tingin niya sa akin. Medyo masakit din ang aking katawan at ulo kaya hindi ako masyadong makagalaw sa aking higaan.
“Kristine! Mabuti naman at nagising ka na. Alam mo bang alalang-alala kami sa’yo baka napa’no ka na,” umiiyak niyang turan.
“What happened Les?” 
“Nahimatay ka sa bahay niyo Kristine. Hindi mo naman sinabi na may lagnat ka na pala noon. Kristine dalawang araw kang walang malay.” Naalala kong bigla ang nakita ko sa daan noong pauwi na kami ni Leslie. Hindi ako maaaring magkamali alam kong si Mazer ang nakita ko at hindi ako basta namamalikmata lang.
“Hindi ka naniniwala sa ‘kin Les ‘no?” mahinang wika ko sa kaniya.
“Sige Kristine let’s say na siya nga ‘yon. Bakit hindi pa rin siya umuuwi? E ‘di sana noon pa lang umuwi na s’ya ‘di ba? Alam naming lahat kung gaano mo kamiss si Mazer. Pero sana naman huwag mong pabayaan ang sarili mo”
“Paano kung nagka-amnesia siya Leslie kaya hindi pa s’ya umuuwi? Kailangan natin siyang mahanap.” Tatayo na sana ako nang pigilan naman niya ako.
“Hoy Kristine magpahinga ka nga muna ano ka ba?! Saka mahina ka pa gusto mo na bang mamatay?” sermon niya sa akin.
“Gusto ko na siya makita Leslie”
“Magpagaling ka muna Kristine at saka natin siya hanapin”
“You don’t understand Leslie!” Tinanggal ko ang dextrose na nakakabit sa aking kaliwang kamay at tumayo sa aking kama.
“Kristine umayos ka nga! Baka mabinat ka pa eh.” Tinitigan ko siya ng masama at bigla na lang pumatak ang aking mga luha.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko Leslie! Nakita ko siya pero bakit hindi pa siya umuuwi? Hindi pa niya ako binabalikan. Leslie I know there’s something wrong with him kaya gusto ko na siyang mahanap intindihin mo naman ako!” Bumaba ako sa aking kama at akmang lalabas na ng kuwarto ng bigla namang pumasok si Marco at kasama niya si Macelyn.
“Hey Kristine, thanks god you’re awake!” Kaagad akong dinalohan ni Mace at niyakap. “What happened? At saka bakit tumayo ka na kaagad sa higaan mo hindi ka pa lubos na magaling”
“Naku Mace pagsabihan mo nga ‘yang hipag mo ayaw makinig ang tigas ng ulo,” wika naman ni Leslie.
“Mace I saw Mazer, I really saw him! Believe me Mace”
“I believe you Tin. Pero bago natin siya hanapin kailangan mo munang magpahinga. Makakasama lalo sa’yo eh”
“Yes Tin, kailangan mo munang magpalakas. Halika na uminom ka muna ng gamot mo,” hahawakan na sana ako ni Marco ng umatras naman ako at sinamaan siya ng tingin.
“Hindi ba kayo nag-aalala sa kan’ya ha?! My god! Baka nga totoong wala siyang maalala kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik. Kilala ko si Mazer, ayaw niyang nag-aalala ako at alam kong pupuntahan niya kaagad ako pero this time I know there is something wrong.” Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko ay bigla na lang akong napahagulgol at sapo ko ang aking dibdib dahil sa bigat ng aking nararamdaman. 
“Tin, hahanapin natin si kuya okay? Pero magpahinga ka muna please.” Hinawi ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking braso at lalabas na sana ngunit mabilis akong nahawakan ni Marco sa aking kabilang braso.
“Kristine calm down hindi makakabuti kung padalos-dalos ka mas lalo kang magkakasakit niyan!”
“Bitawan niyo ‘ko! Ako ang maghahanap kay Mazer, I want him back! I want to see him Marco!” sigaw ko  sa kanila. Mabilis niya akong binuhat at inihiga sa kama at si Leslie at Mace naman ay hinawakan ang magkabilang braso ko. 
“Ano ba! Bitiwan niyo nga ako!” pagpupumiglas ko.
“Leslie tawagan mo ang nurse sabihin mo magdala ng pampakalma ngayon na!” utos naman ni Marco. 
Maya-maya pa ay dumating na rin ang dalawang nurse bitbit ang ituturok sa akin at lahat sila ay nakahawak sa aking braso at hita, nagpupumiglas pa rin ako pero hindi ako makawala. At nang maiturok na sa akin ang gamot ay doon lamang nila ako unti-unting binitawan. Medyo nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo at parang nakakaramdam na rin ako ng pagka-antok.
“I’m sorry Tin, but we have to do this. Magpagaling ka Tin and after that hahanapin natin si kuya okay?” Huling katagang narinig ko mula kay Mace bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata dahil sa antok dulot ng gamot na itinurok sa akin.
Ilang araw pa ang nilagi ko sa ospital bago ako tuluyang makalabas. Sadyang pinalakas ko ang aking sarili dahil ayokong makita ako ni Mazer na nasa ganoong sitwasyon. Inumpisahan naman namin ni Macelyn ang paghahanap sa kaniya at naghire pa kami ng isang private investigator upang matunton siya.
Pagod at puyat ang iginugol namin para lang mahanap si Mazer. May mga araw din na parang palagi kong nakikita si Mazer kung saan. Iisipin ng karamihan na nababaliw na nga ako dahil sa aking kinikilos, pero kahit ganoon pa man ay pinagpatuloy pa rin namin ang paghahanap sa kaniya. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa rin namin siya nakikita at dalawang buwan na rin naming ginagawa ‘yon. Gusto ko na ring sumuko pero iba ang sinasabi ng puso ko. Alam ko na isang araw ay babalik siya sa akin at muling magiging masaya katulad ng dati.
Naisipan ko namang dumalaw sa puntod ni Ace para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Padilim na ng makarating ako sa sementeryo at nagdala ako ng isang bouquet ng bulalak at inilagay sa kaniyang puntod. 
“Anak pasensya ka na ha? Pasensya ka na kung ngayon ka lang ulit nadalaw ng mommy. Alam mo kasi abala lang ako sa paghahanap sa daddy mo dahil hindi pa rin siya umuuwi hanggang ngayon.” Tumingala naman ako para pigilan ang nagbabadya kong luha. “Anak, nakita ko ang daddy mo, naniniwala ka naman sa ‘kin hindi ba?” 
Simula noong mawala si Mazer at kasunod namang nawala ang magiging anak namin ay nawalan na ako ng gana sa buhay at hindi ko alam kung paano ko pa ipagpapatuloy ang aming nasimulan. Mabuti na lamang ay mayroon akong malalapit na kaibigan at nariyan din si Macelyn na palaging nakaalalay sa akin sa tuwing nakakaramdam ako ng kalungkutan. Isa rin sila sa mga dahilan kung bakit hindi ako sumusuko at patuloy na nabubuhay.
Hindi rin ako susuko sa paghahanap kay Mazer at alam kong may matinding dahilan kung bakit hindi niya ako kaagad binalikan. Kung ano man ‘yon ay siya lamang ang aking paniniwalaan at tatanggapin ko kung ano man ang kaniyang dahilan, ganoon ko siya kamahal at ipinangako ko sa aking sarili na maniniwala na ako sa kaniya dahil alam ko naman na hindi niya magagawang magsinungaling sa akin at ang pinanghahawakan ko ay ang kaniyang puso.
“Wow! Mukhang blooming yata ang frenemy ko ah!” nakangiting bungad sa akin ni Cezil. 
Kasalukuyang narito ako ngayon sa aking studio at naghahanda na para sa gaganaping photoshoot para sa monthly magazine. Abot tainga naman ang aking pagkakangiti nang masilayan naman si Cezil kasama ang kaniyang boyfriend na si Wilfred.
“Hi! Nakakainis ka isang buwan kang hindi nagpakita sa ‘kin,” kunwa’y pagtatampo ko at ngumuso pa ako sa kan’ya.
“Huwag ka ng magtampo frenemy, syempre uunahin ko muna itong fiancée ko bago ikaw ‘no!” Napatutop pa ako ng bibig dahil sa aking narinig at pinakita niya pa ang suot niyang singsing sa akin.
“You mean?” Tumango s’ya sa akin at niyakap ko naman siya dahil sa tuwa.
“Ninang ka ha?” wika niya nang kumalas na siya sa pagkakayakap.
“Buntis ka na?”
“Yes frenemy! And I’m two months pregnant. Kaya pala laging mainit ang ulo ko dahil si Wilfred pala ang pinaglilihihan ko,” masayang saad niya habang pinapapalit-palit ko naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.
“I’m happy for you Cezil. Finally nahanap mo na rin ang taong magpapasaya sa’yo. And ganoon din si Wilfred, nahanap na rin niya ang babaeng muling magpapatibok ng puso niya”
“Thank you Kristine. Thank you for being nice and a good friend. We hope for your happiness too.” Tipid akong ngumiti sa kan’ya at pinipigilan ko namang pumatak ang aking mga luha.
“O siya maiwan ko na muna kayo riyan at mag-uumpisa na ang photo shoot ko,” paalam ko sa kanila. At nang makaalis na sila ay doon lamang nagsibagsakan ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Pilit na lang akong ngumingiti habang tinatanaw naman sila sa malayo. 
Habang inaayusan naman ako para sa susunod kong pictorial ay nakita ko namang tumatawag si Macelyn sa aking telepono at kaagad ko itong sinagot.
“O Mace napatawag ka?”
“Tin where are you?”
“Nandito pa ako sa studio hindi pa kasi tapos ang pictorial ko eh. Bakit may problema ba?” Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya bago siya muling nagsalita.
“Tin, I have something to tell you”
“What is it Mace?” Hindi ko alam pero parang biglang nanlamig ang aking mga kamay at napahawak ako ng mahigpit sa aking telepono nang sabihin iyon ni Mace.
“Tin, si kuya nandito na siya sa bahay.” Napatayo akong bigla na ikinagulat naman ng aking stylist.
“What?! Nahanap niyo na siya?” wika ko habang kausap ko si Macelyn sa kabilang linya.
“Oo Tin, pumunta ka na ngayon dito dahil papunta na raw siya ngayon,” wika naman ni Macelyn. 
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at taka naman akong hinarap ng photographer dahil hindi pa natatapos ang aming pictorial.
“Kristine aalis ka na kaagad? Hindi pa tapos ang pictorial mo at sa susunod na linggo kailangan nang ilabas sa magazine ang mga gawa mo,” ani ni Martin na isang photographer.
“I’m so sorry Martin, may emergency lang kasi sa bahay kailangan ko muna umuwi. Tatawagan na lang kita ulit okay?” Matapos kong sabihin iyon ay kaagad na akong lumabas ng studio at hindi ko na nagawa pang makapagpalit ng aking damit.
Isang black long gown ang aking suot at 5 inches heels pa ang aking sapatos. Pababa na ako ng hagdan at saglit muna akong huminto para tanggalin ang aking sapatos at makababa ako ng maayos. Bitbit ko naman ang aking hinubad na sapatos habang bumababa ako ng hagdan. 
Tinungo ko kaagad ang parking lot kung saan nakaparada ang aking sasakyan. Nang makasakay na ako ay tinignan ko muna ang aking sarili sa rear view mirror. Tiyak magagalit sa akin si Mazer kapag nakita niya na ganito ang aking ayos, dahil una sa lahat ay ayaw na ayaw niya sa akin ang sobrang kapal ng make-up. Hindi ko na muna inisip iyon, ang mahalaga ay natagpuan na siya at buhay na buhay.
Habang tinatahak ko ang daan papunta sa kanilang bahay ay panay patak naman ang aking mga luha. Dalawang taon na simula noong mawala siya dahil sa isang aksidente. At dalawang taon din namin siyang hinanap ngunit hindi namin siya matagpuan. Nawalan na rin ako ng pag-asa na baka namatay na nga siya. 
Sa dalawang taon na wala siya ay gumuho ang aking mundo at nawalan ako ng gana sa aking buhay. Si Mazer ang naging buhay ko, muli niyang binuksan ang puso ko simula noong nabigo ako kay Marco.
Nang makarating na ako sa mismong bahay nila ay kaagad akong pumasok sa may gate. Hindi ko namalayang wala pala akong suot sa aking mga paa dahil hinubad ko ang aking sapatos. Tumatakbo akong pumasok sa loob ng kanilang malaking bahay at nakita ko sila na tahimik na nakaupo sa salas.
Sabay-sabay pa silang napalingon sa akin nang maramdaman nila ang aking presensiya. Nakita ko kaagad si Mazer na mataman na nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan pero parang may kakaiba sa kaniya. Alam na alam ko ‘yon dahil hindi siya gano’n tumingin sa akin.
Unti-unti naman siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Muli siyang tumingin sa aking mukha at walang sabi-sabing tumakbo ako papunta sa kinaroroonan niya. Niyakap ko siyang kaagad at napahagulgol na lang bigla. Sobrang miss na miss ko na siya. Dalawang taon ko siyang hindi nakita at nayakap ng ganito.
“Mazer, my heart, buti bumalik ka na. Alam mo bang ang tagal ka naming hinanap, mabaliw-baliw na kami kakahanap sa’yo. Masaya ako kasi bumalik ka na at buhay ka,” umiiyak kong turan habang nakayakap sa kan’ya. Inilayo naman niya ako sa kan’ya at tinitigan ako na walang emosyon. Bigla akong nakaramdam ng kaba, mali sana ang hinala ko.
“S-sino ka? I’m sorry wala kasi akong matandaan eh,” nanlaki ang aking mga mata at sinulyapan ko sina Macelyn na nasa aking kaliwang bahagi. Muli kong binalingan si Mazer na tila nagtataka at hinihintay ang aking isasagot.
“Tin, walang maalala si kuya. Lahat tayo hindi niya nakikilala,” naiiyak na saad sa akin ni Macelyn.
“Ang ibig niyo bang sabihin m-may amnesia si Mazer?” tumango lang si Macelyn at nasapo ko ang aking noo.
“May kailangan ka rin malaman Tin,” taka ko naman tinitigan si Marco na nasa tabi lang ni Macelyn.
“Ano ang kailangan kong malaman?” saglit silang hindi makapagsalita at tumingin sa bandang likuran ko. Napatingin din ako at nakita ko ang isang babae na may kargang batang lalaki na wari ko’y nasa edad na dalawang taon.
“T-tin, s-siya si, siya si__” 
“She’s my wife,” putol ni Mazer sa susunod na sasabihin ng kaniyang kapatid. Mabilis akong napatingin sa kaniya at bigla na namang dumaloy ang luha ko sa aking pisngi.
Para akong biglang nabingi pagkasabi niyang iyon at bahagya pang napaatras. Sinulyapan kong muli si Marco at Macelyn na matamang nakatingin sa akin.
“H-hindi totoo iyan! My heart tell me, tell me it’s not true!” garalgal kong wika sa kaniya at hinawakan pa siya sa magkabilang braso niya. Tinanggal naman niya ang aking mga kamay na nakahawak sa kaniya at nilapitan ang sinasabi niyang asawa niya at inakbayan ito.
“It’s true. She’s my wife and this is our son,” napapikit ako ng mariin dahil sa aking narinig. Pakiramdam ko ngayon ay para akong unti-unting sinasaksak. Mas masakit ito kaysa noong mawala siya. 
Ang lalaking naging parte ng buhay ko at ang lalaking pakakasalan ko sana ay mayroon ng sariling pamilya. Ang mga pangarap namin ay bigla na lamang naglaho ng ganoon lang. Patakbo akong lumabas ng bahay dahil hindi ko na kaya ang sakit na aking nararamdaman. Kahit minsan ay hindi siya naalis sa aking isipan at parati kong ipinagdadasal na sana ay bumalik na siya sa akin. 
Ngunit sa kaniya namang pagbalik ay wala naman siyang maalala na kahit ano at ang masama pa nito ay nagkaroon na siya ng asawa at anak. Sapo ko ang aking dibdib at hindi ko na naman mapigilan ang mapahagulgol. Ang sakit malaman na iba na ang nasa kaniyang puso at hindi na ako. Kahit pa siguro bumalik na ang kaniyang ala-ala ay hindi na ako ang tinitibok ng kaniyang puso.
“Tin, I’m sorry hindi rin namin alam na wala palang maalala si kuya. Nabalitaan lang namin noong tumawag siya dahil nakita niya raw sa isang lumang diyaryo ang mukha niya at hinahanap siya,” paliwang sa akin ni Macelyn habang hinahagod ang aking likod.
“Wala kang kasalanan Mace. Mahal na mahal ko ang kuya mo alam mo ‘yan kaya sobrang sakit na malaman na mayroon na siyang pamilya. Hindi ko matanggap! Ilang taon akong nangulila at naging miserable ang buhay ko at umaasa na balang araw ay babalik siya sa akin,” niyakap lang niya ako habang walang tigil naman ang aking pag-iyak. “Mamamatay ako Mace kapag nawala ang kuya mo, mahal na mahal ko si Mazer. Siya ang buhay ko Mace!” Hindi ko alam kung paano ito tatanggapin gayong hindi na siya sa akin.