“Naku Ate Kristine hindi mo na po sana ako sinamahan mag-enroll kaya ko naman po at isa pa may konting naipon naman kami ni tatay para sa tuition ko,” saad ni Rhodora nang makauwi na kami sa bahay. “Ayos lang Rhodora tulong ko na sa inyo ni Mang Domeng ‘yon dahil kung hindi dahil sa inyo baka mag-isa pa rin ako hanggang ngayon” “Basta ate kahit anong mangyari hindi ka namin iiwan ni tatay. Iwan ka man ng lahat pero kami hindi,” tipid lang akong ngumiti sa kaniya at hinaplos ang mahaba niyang buhok. “Oo nga pala Rhodora nakalimutan kong mag-grocery wala na pala tayong stock, pupunta muna ako sa grocery ikaw na muna ang bahala rito ah?” “Samahan na kita ate” “Hindi na Rhodora kaya ko naman eh at isa pa dadalawin ko rin si Ace,” nakangiting wika ko. “Siya nga pala ate, alam na ba ni Kuy

