Mazer POV: Simula noong umuwi ako ay hindi ko nakaligtaan dalawin si Mother Perfecta, ang nagsilbing ina ni Kristine sa mahabang panahon. Ipinakilala ako ni Kristine sa kan’ya noong bago pa lang kami na magkasintahan at masasabi kong maayos nilang napalaki si Kristine. Bago ako muling pumunta sa ampunan ay pinalitan ko muna ang plaka ng kotse kung sakali man na magkita kami roon ng hindi sinasadya. Ayokong malaman niya na ako ang tumutulong sa kan’ya para mahanap ang totoo niyang mga magulang. Hindi pa panahon para malaman niya ang totoo dahil ayokong masira ang plano ko at kung paano ko magagantihan si Jillian at ipakulong ito dahil sa mga ginawa niyang pang-aabuso sa’kin habang wala akong maalala. Pagkarating ko naman doon ay saktong nakita ko ang kotse ni Kristine na nakaparada sa la

