Pagka parada ko ng aking sasakyan sa harap ng bahay ko ay kinuha ko naman sa likod ang ibang mga gamit ko bago ako bumaba sa aking sasakyan. Papasok na sana ako sa gate nang tawagin naman ako ni Franco. Nilingon ko siya at nakangiti naman siya sa akin habang papalapit sa kinaroroonan ko. “Hi, kakauwi mo lang?” ani Franco. “Oo medyo marami kasing trabaho sa opisina kanina” “Kumain ka na ba?” “H-hindi pa eh.” Tumingin muna siya sa kaniyang relong pambisig at muli akong binalingan. “It’s already nine, bakit hindi ka pa kumakain? Baka malipasan ka niyan” “Nawala na kasi sa isip ko sa sobrang dami ng trabaho ko kanina” “I know what’s the reason, pero sana hindi mo pa rin pabayaan ang sarili mo.” Ngumiti lang ako sa kan’ya ng tipid at napaiwas nang tingin. Totoo ang sinabi ni Franco. Gin

