Kaagad namang dumating ang ambulansiya at isinakay si Kristine roon. Hinawakan ko nang mahigpit ang isang kamay niya na may bahid din ng dugo at napabaling ang tingin ko sa parte ng katawan niya kung saan siya binaril. Napaluha na lang ako dahil sa sinapit niya at ang masama pa nito ay tumama pa ang ulo niya dahil sa pagkakabangga. Kaagad kong tinawagan si Marco at sinabi sa kan’ya ang nangyari kay Kristine. Sinabi ko sa kan’ya na papunta na kami sa ospital at siya ang gusto kong gumamot sa kaniya sa mga oras na ito. Pagkarating namin sa mismong ospital ay kaagad siyang ibinaba at naroroon na rin sa labas ng emergency ang ilang nurse at doctor at kabilang na roon si Marco. Sinuri niya ito at mahina pang napamura nang makita niya ang kalagayn ni Kristine. Binalingan niya ako malakas na nap

