Salitan naman kami ng mama ni Kristine na si Aling Salve ang nagbabantay sa kan'ya. Sa umaga ay siya ang nagbabantay at nasa opisina naman ako. At sa gabi ay dito na rin ako dumederetso sa ospital pagkatapos ng aking trabaho. Si Marco at ang kapatid niyang si Franco ang siyang tumitingin kay Kristine ngayon. Hindi pa nila matukoy kung kailan siya magigising pero sa ngayon ay maayos naman daw ang kalagayan niya at ligtas na sa kapahamakan, ang kailangan lang namin ay magdasal at maghintay. Habang pinupunasan ko si Kristine sa kaniyang braso ay dumating naman ang kaniyang ama at kasama ang asawa nito at si Franco. Nagmano ako sa kanila bilang paggalang at tinapik naman ako ni Franco sa aking balikat. Naupo ang kaniyang ama sa gilid ng kama ni Kristine at hinalikan ang kamay nito at pagkuwa'

