Isang taon na rin ang nakalipas simula noong maaksidente si Kristine at mamatay ang kapatid niyang si Isay. Minsan na akong sinabihan ng ibang mga doctor na isuko na lang si Kristine dahil tila wala rin namang pagbabago sa kaniyang kondisyon. Pero katulong ko si Marco at Franco at mariin namin itong tinutulan dahil pareho kaming umaasa na magigising si Kristine at magiging masaya kaming muli. Wala akong pakialam kung maubos man ang pera ko, ang importante sa ngayon ay si Kristine at hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa na balang araw ay magigising siya. Nagpaalam na ako kay Mama Salve na papasok na muna sa opisina at siya naman ngayon ang bantay kay Kristine. Palabas na sana ako ng kuwarto ni Kristine dito sa ospital nang pumasok naman si Marco at Franco. “Hey Mazer,” bati sa’kin ni Fr

