Dalawang beses na rin kami nakapag-celebrate ng birthday ni Kristine na hindi pa rin siya nagkakamalay. Anim na buwan na simula noong ikasal kami ay nagpasya na rin sila Marco at Franco na iuwi ko na lang si Kristine sa bahay. Nandito ulit kami sa bahay kung saan namin bubuuhin ang mga pangarap namin at magkakaroon ng maraming anak. Parati ring nandito sila Macelyn kasama ang mga kambal at dito ko na rin pinatuloy si Mama Salve sa bahay namin ni Kristine. Sa tuwing darating ako galing sa trabaho ay parati ko siyang kinukuwentuhan sa mga nangyayari sa’kin sa araw-araw dahil mas mainam daw ‘yon at mas mabilis ang kaniyang paggaling kung sakali man. Nandito ako ngayon sa kuwarto namin at ako naman ang nag-aasikaso kay Kristine. Nag-file muna ako ng isang buwang bakasyon para mas lalo kon

