Nang ibalita ko kina Macelyn at sa iba pa naming mga kaibigan na gising na si Kristine ay kaagad naman silang pumunta sa bahay. Excited silang makita si Kristine lalong-lalo na ang mga kambal na si Jk at Madeline. Halos mapahagulgol naman sa tuwa si Mama Salve nang malaman niyang nagising na ang kaniyang anak sa mahabang pagkakatulog na noo’y nasa palengke. Tinawagan din namin ang daddy niya at ang asawa nitong si Tita Malou na ngayo’y naka-base sa Amerika dahil inaasikaso na nila ang permanente nilang pagtira rito sa Pilpinas nilang mag-asawa pero hindi sila nagdalawang isip at kaagad daw pupunta rito sa Pilipinas para makita si Kristine. Halos lahat kami ay tuwang-tuwa dahil hindi pinabayaang ng Diyos na tuluyang mawalay sa piling namin si Kristine. Nasa Garden kami at nagmemeryenda na

