L ooking at the gray Mitsubishi Mirage, Cayden wants to regret his words. Mukhang hindi titirik ang walang hiyang sasakyan nang basta-basta. Maganda pa ang kotse at mukhang bihirang gamitin. He’s acting like a critic while Louise is talking to the owner but he wants to play dirty. Gusto na niyang putulin ang linya ng kuryente para mamaya ay tumigil iyon sa pag-andar at mamayang gabi ay magawa na niyang sundan si Blesserie. Kanina pa niya pinagpaplanuhan para sa drive test ay manalo na siya sa deal kaya lang hindi niya hawak ang susi ng sasakyan kaya hindi siya makadiskarte. He looked at Louise and smiled. Masayang-masaya ang mukha ng asawa niya at ngayon niya nauunawaan ang kahalagahan na mapagbigyan niya ito sa kahilingan na pabayaan niyang makabili ng sariling sasakyan gamit ang pe