Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 8 "Goodmorning." ang bati sa akin ni Raul at sumalubong sa akin ang kanyang mga ngiting nakapang hihina ng tuhod. Kung ganito ba naman ka gwapo ang masisilayan mo ay napaka sarap gumising tuwing umaga. Ngiti lamang din ang isinukli ko sa kanya at muli ko itong niyakap habang naka subsob ang aking mukha sa kanyang matipunong dibdib. "Tumawag sina Mama at papa, ang sabi nila ay umuwi ka raw sa bahay mamaya at ISAMA mo raw ako dahil ngayon araw ay icecelebrate nila ang kanilang anniversary bilang mag asawa." wika nito habang inililingkis ang kanyang kamay sa aking likuran. "Aba't pinaki alaman mo pa talaga yung cellphone ko." tugon ko naman habang naka subsob pa rin ang mukha sa kanyang katawan. "E, paano naman kasi ay ring ito ng ring kaya't sinagot ko na.