Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 9 "Ummm, ang sakit ng ulo ko." daing ko habang naka subsob sa balikat ni Raul. "Natural lang na sasakit ang ulo mo dahil medyo malayo na rin ang tinakbo natin. Ang sabi ni mama ay isang oras pa daw ang ating byahe paakyat ng Baguio." wika naman ni Raul habang inilalagay sa aking katawan ang kanya suot na sweater. "Bakit mo hinubad iyan? Ikaw naman ang giginawin niyan." "Shhh, wag mo kong intindihin. Malakas ang resistensya ko pag dating sa lamig at init. Ikaw nga itong iniintindi ko baka maya maya ay sumpungin ka pa ng hika. Pero hayaan mo tol, aalagaan kita at hindi kita pababayaan. Iyon lamang ang naisip kong pambawi sa lahat ng magagandang bagay na naitulong niyo sa akin nila mama at papa." "Eh hindi naman kami nang hihingi ng kapalit tol e, ayos na