Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 38 "Oh bakit mukhang santo santo ang mukha ni Greg at Raul? Nag away nanaman ba ang dalawang iyon?" ang narinig kong tanong ni mama sa mga kasambahay habang pumapasok ito ng sala. Samantalang si Raul naman ay mabilis na sinalubong ito upang kuhanin ang kanyang mga dala dala. "May problema ba kayo ni Greg?" tanong nito. "Ah e, wala po ma.. Nag karoon lamang kami ng hindi pag kakaintindihan kanina ngunit maliit lang naman po iyon." pag sisinungaling ni Raul bagamat alam niyang malaki ang issue sa pagitan naming dalawa, hinde, tatlo pala dahil kasali si Zack sa gulo. "Painosente pa tong gagong to!" sigaw ko sa aking sarili. "Ganoon ba? Mukhang napapadalas ang pag tatalo nyo ah. Dapat ay lagi kayong nag uusap upang hindi lumalala ang inyo pag aaway." mungkah