Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 37 Ipinag patuloy ko ang pakikipag usap kay Zack tungkol sa aming sitwasyon at pakiwari ko na habang tumatagal ay mas nauunawaan nito ang aming komplikadong kalagayan. Pilit kong ipina iintindi sa kanya na may mga bagay sa mundo na hindi maaaring mag sama dahil hindi sila itinakda para sa isa't isa, at wala tayong magagawa doon. Noong mga sandaling iyon ay damang dama ko ang matinding tama ng kalungkutan na yumakap kay Zack habang pinipilit nitong tatagan ang kanyang sarili at ipakita sa akin na "ayos" lang siya bagamat hindi naman talaga. "Kahit na alam kong si Raul ang mahal mo at maligaya ka sa piling niya ay hindi ko pa rin babawin ang mga sinabi kong gusto kita at kahit na kailan ay hindi mag babago iyon." wika nito sabay hawak sa aking kamay. "Lahat