PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 34 Lumipas pa ang ilang linggo sa buhay namin ni Raul, nanatili pa ring maayos ang aming relasyon bagamat paminsan minsan ay maihahalintulad ito sa roller coaster kung saan hindi namin kontrolado ang aming sitwasyon. May mga pag kakataon na perpekto at masaya ang aming pag sasama at may pag kakataon din naman na nag aaway kami at hindi nag kakaintindihan, pero ayos lang iyon dahil alam naman namin na walang smooth sailing pag dating sa pakik