Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 35 Ang ginawang pag luhod ni Raul sa aking harapan habang nasa itaas ng bundok ay maituturing kong isang malaking kaganapan sa aking buhay. Ito ang pinaka espesyal at hindi matatawarang ala-ala ng aming pagiging mag kasintahan. Mag katuluyan man kami o hindi ay habang buhay ko itong iuukit sa aking puso hanggang sa dumating ang takdang oras na huminto ito sa pag t***k. Walang kapantay na kaligayahan ang pinag saluhan namin ni Raul sa mga sumunod pang araw ng aming bakasyon. Tila ba nabubuhay kami sa isang paraiso na tanging kami lamang ang nilalang na naninirahan doon at walang kahit na sino man ang may karapatang sumira o bumuwag nito. Naging malaking tulong din ang sumpaang ginawa namin sa harapan ng groto dahil positibong pag iisip at pananaw ang ibin