Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 23 "Okay ka lang ba tol? Sabi ko naman sayo umiwas ka eh. Pasensya kana namali kasi ako ng balibag ng bola, natamaan ka tuloy. Ako nga pala si Zack taga dyan sa kabilang compound." pag papakilala ng lalaki sabay lahad ng kanyang kamay. "Arekupp, nawala yata sa pwesto ang ilong ko. Okay lang ako, next time ay mag iingat ka nalang para wala kang natatamaan." tugon ko naman sabay abot ng aking kanang kamay sa kanya "Greg." "Nice meeting you pare. Ano nga pala ang ginagawa ng isang isang dayuhang tulad mo sa lugar na ito?" tanong niya. "Paano mo naman nalaman na dayuhan ako?" pag tataka ko naman habang nakatingin sa kanyang mukha at doon ay napansin ko ang kakaibang kagwapuhan nito. Halos kasing tangkad ko at payat na may muscles ang katawan. Maganda ng kany